Pamamasyal

1921 Words
Bigla na lang tumunog ang lumang cellphone ni Lenna at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang siyang tumatawag. Si Dane nga ang tumatawag, kaya sinagot ito ng dalaga na mayroon ngiti sa kan'yang labi. "Hello!" sagot ng dalaga kay Dane na may pananabik. "Hi, sorry love kung ngayon lang ako nakatawag sa inyo. Masyado kasing maraming ginagawa sa opisina. Anong oras ang labas mo?" tanong ni Dane sa dalaga na nanabik. "Mga 9 pm pa siguro," sabi nito sa kan'ya. "Susunduin kita kaya hintayin mo ako." Binaba na nito ang telepono pagkatapos. Naghihintay na si Lenna sa may tapat ng opisina nang pumara ang isang sports car tapos bumaba ang lalaki, si Dane pala. Ang guwapo niya, ito ay nakasuot ng plain na t-shirt lamang at isang abuhin na pantalon pero tingin nito sa kan'ya ay isang modelo, habang palapit kay Lenna. Pinagbuksan niya ito at pumasok sa loob ng kotse. Dumaan muna sila sa isang drive thru ng isang food chain, umorder sila ng pagkain at umuwi na rin sila pagkatapos. "Masiyadong maraming trabaho kaya hindi na ako nakaka-punta. Baka padala ako ni papa sa London, dahil may malaking problema doon ang aming kumpanya. Kaya tinapos ko na ang iba dito para kahit wala na ako, mapatakbo ng assistant ko itong kumpanya ko nang maayos." Paliwanag nito kay Lenna. "Pero bago ako umalis papunta ng London mag-relax sana muna tayo nang kaunti nitong weekends. Kayo ay aking susunduin ni Albie ng ikawalo ng umaga sa sabado. Magdala kayo ng ilang piraso ng damit at pampaligo. Saka magdala ka rin ng pantulog na manipis para ganahan ako, ha!" sabi ni David sa nakakalokong ngiti. Bigla tumawa si Lenna at kinurot siya may sa tagiliran. Nakatawa nitong tinitingnan ang maaamong mukha ng dalaga. "Asa ka pa at ano akala mo sa akin. Baka putulin ko 'yan, ang sabi niya sa binata nang walang kagatol-gatol. 'Di nakakilos si Lenna nang niyakap ni Dane at hinalikan siya nito sa noo. Nabigla man hindi na siya umimik dahil nagustuhan niya ito, ang sarap lamang sa kan'yang pakiramdam ng may nagmamahal. Sabado, sinundo nga niya si Lenna at Albie. Iba namang sasakyan ang gamit nito. Nakatulog ang dalaga sa biyahe dahil ang sarap nang pakiramdam niya. Malamig kahit ingay wala ka rito maririnig, ang takbo nito ay smooth na smooth. Ford Raftor daw ang tawag sa sasakyan niyang bago. Ginising niya si Lenna nang malapit na sila. "Nasaan na tayo Dane? tanong ni Lenna na naghihikab pa. "Dito sa bahay bakasyunan ko na tayo sa may Tagaytay Highland." Pumasok kami sa isang malaking bahay at mayroon naghihintay sa may pintuan na isang payat at matandang babae. "Welcome po sa inyo ma'am at sir!" nakangiti ito sa kanila habang nakatingin. Sila ay pinakilala naman ni Dane sa matandang babae. "Si Nanay Selya, katiwala ko dito 'pag may kailangan kayo sabihin na lamang ninyo sa kan'ya." Pagkatapos ay sinamahan na kami ni Nanay Selya sa aming kuwarto ni Albie, sa utos ni Dane. Nanlaki na ang aming mga mata ni bunso pagpasok namin kasi naman napakalaki ng bahay ni Dane, totoo nga na napa-kayaman nito kaya kami ay naaalangan tuloy. Maganda at mamahalin ang mga muwebles, carpeted ang buong bahay at ito ay centralized aircon. May malaking aranya na nakasabit sa gitna, tapos ay mayroon pa itong elevator. "Ano ba ito? mall yata!" biro ng dalaga kay Albie. Mayroong mga lumang larawan na mga nakasabit sa bawat pasilyo. Dito nakakita rin siya ng mamahalin pigurin, mga rebulto at iba pang eskultura. Talaga namang napakaganda ng bahay na ito. Hindi yata bahay lang, baka mansyon o palasyo na ito. Pumasok si Lenna sa kuwartong tinuro ni Nanay Selya, magkatabi lang sila ng room ni Albie. Malinis at mas malaki pa sa bahay nila ito. Mayroong balkonahe rin ito at may sarili rin itong banyo. Sa gitna nitong kuwarto may king size na kama na kaagad niya nang hinigaan at ito ay malambot hindi tulad ng kama niya sa bahay na matigas at maingay pa. May tokador na may iba't-ibang pabango, mga gamit ng babae na puro mga pampaganda. Naisip niya na kung bakit mayroong gan'on, siguro nga marami na itong dinadalang babae dito at para na rin siyang nasasaktan sa naiisip. Mayroon din itong sariling TV at maliit na ref. na para sa isa o dalawang tao. "Ano pa nga ba hahanapin mo kahit siguro maghapon kang makulong dito at manood lang ng television, sa akin ay puwede na." Sambit ni Luisa na parang namalikmata. Nahiga ito at hindi na pala niya namalayan na siya ay nakatulog na. Siguro ay dahil sa malambot ang kama o sa lamig nang klima at bango ng kuwarto. Nagising siya dahil sa mga katok sa pinto, kakain na raw sila at naghihintay na roon sa may kusina ang dalawang lalaki sa kan'ya. Napakasagana sa pagkain kaya hindi naiwasan ni Lenna na yayain pa para kumain na itong matandang katiwala. "Sumabay na po kayo sa amin, dahil marami po nito hindi po namin lahat na ma-uubos," sabay tingin kay Dane na tahimik lamang na kumakain. Tumanggi si Nanay Selya at sinabi nitong sabay-sabay na raw sila ng mga kasama niya kaya kumain na lamang si Lenna nang tahimik. Nang hapon na 'yon namasyal sila sa may bandang sky ranch. Napakaganda nang tanawin at sakto lamang ang lamig. Naramdaman ni Lenna ang pag-lagay ng jacket sa kan'ya ni Dane at ngumiti ito sa binata bilang pasalamat dito. "Baka ikaw ay giniginaw na, mag-kasakit ka." Anas nito kay Lenna. "Okey lang ako, huwag mo akong alalahanin," sabay kindat sa binata na kinikilig. Sumakay sila sa iba't- ibang rides na naroon pati nga ang pagsakay sa kabayo, go nang go lamang sila. Pagkatapos sila ay kumain nang mainit na bulalo sa restaurant na mayroon malaking balkonahe kung saan nila makikita ang Taal volcano. Marami pa sila na napasyalan pero hindi na nito maalala dahil ang mata niya ay laging nakasilip kay Dane. Lagi kasi siya naka-alalay kay Lenna at ang kamay niya ay nakahawak sa baywang nito na para naman siyang mawawala sa isang iglap lamang. Tumataas ang balahibo ng dalaga at kinilabutan ito dahil ito ay bago lamang sa kan'yang pakiramdam. Pag- uwi nila sa mansyon ni Dane, nagyaya si Albie na uminom, sinaway siya ng kapatid na si Lenna. "Okay lang 'yon dahil kaunti lamang naman ang iinumin namin, 'wag kang mag-aalala." Sinabi ni Dane kay Lenna. Umakyat na lang ang dalaga at nakaidlip. Nagising ito na para siyang nauhaw kaya siya ay bumaba para sana uminom ng tubig nang marinig niya na parang mayroong nag-uusap. 'Di pa pala tulog ang dalawa at ito ay umiinom pa rin ng alak sa oras na 'yon. Dahan-dahan lumapit si Lenna para gulatin sana ang dalawa pero siya ang nagulat sa kan'yang narinig kay Albie. "Paano ko ba sasabihin Kuya, ang tungkol sa girlfriend ko na hindi magagalit si ate sa akin?" ani Albie habang ito ay hindi mapalagay sa pag-inom ng alak. Hindi malaman ni Lenna kung ano ang sasabihin. Nang nabitawan niya ang hawak nitong baso sa narinig, kaya pareho na bigla napalingon ang dalawang lalaking na noon ay umiinom ng alak. "Anong girlfriend, Albie? 'Di ba nagpromise tayo na wala munang girlfriend o boyfriend. Ano itong naririnig ko sa 'yo?" pasigaw nitong pinapaalala kay Albie. "Ate, sorry pero mahal ko kasi si Emma. Ayaw ko siyang mapunta sa iba kaya 'di ko napigilan sarili ko." Sagot ni Albie. Nasampal siya ni Lenna sa narinig pero nagpaliwanag pa rin si Albie sa ate niya nang mahinahon. "Nakita mo naman hindi ko pinababayaan ang aking pag-aaral. Naging inspirasyon ko pa siya!" naiiyak nitong sinabi kay Lenna dahil nakikita niya ang galit nito. Maluha-luha ang kapatid niyang si Albie dahil nakikita niya kung gaano nasasaktan ang ate niyang si Lenna. Ang dalaga ay 'di makapaniwala na nasampal niya ang kapatid sa unang pagkakataon. "Nakita mo naman kung gaano ang ating paghihirap sa araw-araw na ginawa ng diyos. Nakita mo na ba akong naglalakwatsa lamang?" mayroon tampo niyang bulalas kay Albie. "Ang mga araw ginagawa kong gabi para mabuhay tayo. Isinantabi ko ang lahat sa akin para lamang 'di tayo sumala sa araw-araw tapos ito ngayon sasabihin mo sa akin patawad my girlfriend na ako, ate!" dagdag pa ito ni Lenna sa kapatid na masama ang loob. Lumapit ito sa bar at kumuha rin ng baso. Inagaw ang alak na hawak ni Dane at siya ay nagsalin sa baso, saka ininom ito bigla. Medyo gumuhit sa lalamunan niya pero mas masakit ang mga nalaman niya sa kapatid na lalaki. Naluluha siya sa katotohanan na naglihim ito sa kan'ya. Nagsalin muli ng alak sa baso. Siya ay pinigilan ni Dane pero tinabig niya ang kamay nito muling tinungga ang lahat nang lamang ng alak sa baso. Sa oras na 'yon nakaramdam ang dalaga na para siyang nahihilo siguro ay dahil first time niyang uminom ng alak. "Albie, matulog ka na at ako ang siyang kakausap sa ate mo. Bukas na lamang kayo ng ate mo mag-usap nang maayos!" Hindi alam ni Dane habang kausap niya ang kapatid ni Lenna panay ang tungga ng alak ang dalaga kaya nang paglingon niya ay namumula na ito at namumungay na ang mga mata. "Naku Lenna ka, sabi nang tumigil ka na sa ka-iinom ng alak. Magagalit na ako sa iyo!" sabay hila rito at karga sa babae papanhik sa kuwarto nito. "Ano ba sa'n mo ko dadalhin? gusto ko pang uminom!" sabi nito na lasing na lasing. Dinala niya ito sa itaas at pumasok ng kuwarto. Nang ibaba niya sa kama ang dalaga 'di ito bumitaw "Mahal mo ba ako?" tinanong siya ni Lenna. Walang namang kagatol-gatol nito na sinagot ni Dane ang babae. "Mahal na mahal!" "Sige nga kung mahal mo ako ay halikan mo ako!" sabi nito sa binata. Nang nakatingin lamang si Dane sa kan'ya ay nagkusang humalik si Lenna sa kan'ya. "Lasing ka lang Lenna, matulog ka na at baka hindi na ako makapagpigil!" anito pabulong pero 'yon ay malinaw niyang sinabi sa dalaga. Nang dahil doon hinalikan muli si Dane ni Lenna at dahil 'di marunong , tinuruan siya ni Dane kaya lumalim pa nang husto ang paghahalikan nila. Humihingal pareho, pero yakap-yakap pa rin ang isa't-isa. Narinig nito si Dane na nagsalita "Sure ka bang gusto mo talaga, baka ito ay 'yong pagsisihan bukas?" Tumango naman ang dalaga, parang nakita niya nang siya ay hinuhubaran ni Dane ng damit habang siya ay wala nang tigil na hinahalikan nito sa labi, sa leeg, tainga at sa mata. Napansin din niya kung saan-saan na nakakarating ang kan'yang kamay pero 'di siya pinigilan ng dalaga. Panahon na rin siguro para niya pagbigyan naman ang sarili. Haplos dito at haplos doon parang 'di na siya nakahinga sa naramdaman na sarap. Hanggang sa naghubad na rin Si Dane at wala nang maalala pa si Lenna. Kinaumagahan nagising si Lenna at napaupo, salo ng dalawang kamay ang ulo. Nagtataka ang dalaga kasi buong katawan niya ay masakit pati ang kan'yang hiyas. "Gising ka na pala inumin mo 'tong gamot ng maalis hangover mo, saka puwede ito kahit na walang laman ang tiyan mo," ang sabi ni Dane. Binigyan niya ang dalaga ng isang basong tubig. Nilagay nito sa bibig niya ang gamot na binigay tapos ay ininom ang tubig nang mapatingin ito kay Dane. Nakita niyang wala itong pang-itaas na damit at naka boxer short lang, kaya biglang naibuga ni Lenna ang iniinom nitong tubig. Nabasa sila pareho kaya si Lenna ay napatingin sa sarili, dahil wala rin siyang damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD