-REYMARK- Masaya ako na kumakanta habang nagluluto ng tinolang manok. Marunong naman ako magluto pero hindi ako palaluto dahil may tagaluto naman kami sa bahay. Marunong ako magsaing at magprito ng kung ano-ano na puwedeng iprito. First time ko na magluto ng tinola kaya excited din ako na matikman ang luto ko. Nagluto kagabi si Kuya Rint ng sinigang na baboy. Hindi nga lang kasing sarap ng luto ni DM pero napagtyagaan naman namin ni Riesha. Nag-search na ako kagabi sa youtube kung paano magluto ng tinola para makahigop ulit ng mainit na sabaw si DM. Binuksan ko ang kaserola at kumukulo na ang tubig pero hindi pa luto ang sayote. Kumuha ako ng sandok at tumikim ng sabaw. Muntik na akong mangudngud sa kumukulong tubig nang marinig ko ang boses ni DM malapit sa tainga ko. "Anong ginagawa

