CHAPTER 32 -RINT- "Boss Amo, larga na ako." Naibaba ko ang diaryong binabasa ko at tumingin sa binatilyong bagong paligo. Linggo ngayon kaya uuwi siya sa kanila. He focused his eyes on my face. Sa isang iglap, biglang pumasok sa isip ko ang babaeng nakilala ko sa debut ng kapatid ko, si Dannieca Mae. Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang ang pangingilala ko sa magandang mata ni Dannieca Mae ay dahil nga kapareho ito ng mata ni Danny Mario. Hmmm. Dannieca Mae at Danny Mario. Magkapatid kaya sila? Napakislot ako nang biglang lumapit sa akin si DM at titigan nang malapitan ang mukha ko. "Boss, ayos ka lang ba? Tulala ka ah." Napabuntong-hininga na lang ako at napapikit. At sa pagpikit ko, imahe ni DM ang nakita ko. Agad akong nagmulat at nabungaran ko pa rin ang mukha niya na malapit sa

