-DM- Hila-hila ko ang lupaypay na katawan ni Sir Rint. Sa totoo lang, nahihilo pa ako dala ng pag-iinuman namin, pero nang dahil sa pagbagsak naming dalawa sa sahig ng banyo ay nabawasan ang matinding hilo na naramdaman ko kanina. Wala akong pagpipilian kung hindi ang hilahin siya papunta sa sala. Hindi ko naman siya kayang dalhin sa taas ng kuwarto niya kaya magtiis na lang muna siya na humiga sa sofa. "Grabe ka, boss amo. Talagang gusto mo akong pahirapan ah," kausap ko sa walang malay ko na amo. Ang bigat niya, grabe! Nakasuksok ang kamay ko sa magkabilang kili-kili niya at hirap na hirap akong hilahin ang pagkatao niya. Ang tangkad pa man din nitong Sir Rint ko. Habang hila ko siya, hindi ko mapigilan ang hindi panggigilan ang katawang lupa niya. Nakabalandra lang naman sa mata ko a

