-RINT- Why he's acting so weird since this morning? At may payakap-yakap pa siya sa katawan niya. Sinabi ko lang na para siyang babae, agad niyang tinakpan ang kaniyang katawan. Hindi naman siya nakahubad to cover his body na balot na balot ng mahabang pajama at maluwang na t-shirt. "Nilalamig ka?" Nilambingan ko ang pagkakatanong kay DM. Gusto ko lang siya asarin. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Ma-masyado pang maaga, boss amo, para asarin mo ako." At agad niya akong tinalikuran para lumabas ng cr. Napakibit-balikat na lang ako sa inakto ng personal assistant ko. Napatingin ako sa aking repleksiyon sa salamin. Humahaba na pala ang bigote at balbas ko. Kaya lang tinatamad naman ako mag-shave ngayon. Kinuha ko na lang ang cleanser foam sa lalagyan para maghilamos. Kaya lang wala

