Chapter 21

700 Words
THIRD PERSON : NAGISING na si Tyler sa kanyang pag-idlip mula nung natapos niyang ayusin ang mga gamit nila ay napagod siya at bumalik sa pagkaka-higa upang kahit papaano ay maka-idlip. He went to the bathroom upang maligo at mag asikaso ng sarili. After taking a bath ay nag check muna siya ng mga emails niya sa kanyang cellphone upang kahit papaano ay alam niya ang mga nangyayari sa kumpanya. Kahit naman na may mga trabahador siya na gagawa ng mangilan-ngilan niyang trabaho sa kumpanya ay nag-kukusa parin naman siya minsan na kumikilos upang masaksihan niya mismo o mamonitor ang mga kaganapan sa kumpanya. May tiwala naman siya sa mga empleyado niya, pero siyempre kailangan parin naman niya itong gawin at kailangan niyang makasigurado na maayos lang talaga ang takbo nito. Hindi naman siya ganon kasama pagdating sa trabaho, pero nais lang niya na kahit papaano ay marunong lumugar o matakot ang mga empleyado niya. Ayaw niyang isipin ng mga empleyado niya na sobrang bait niya dahil baka abusuhin siya nito. After ng pag checheck ng mga emails ay inilagay na muna niya ang maleta niya sa kanya sasakyan. Iniwan muna niya ang maleta ni Scarlet dahil na isipan niyang maliligo pa naman ito at kakailangan ni Scarlet mag hanap ng masusuot. Na ayos niya ng ilagay ang maleta sa sasakyan at napa daan siya sa isang coffee shop rito sa loob ng resort. Naisipan niyang bilhan ng hot chocolate si Scarlet. Napa ngiti siya ng maalala si Scarlet, kaya agad agad din siyang pumasok sa loob ng coffee shop at umorder. After niyang umorder ay may dinaanan muna siya upang kausapin ang isa sa mga tauham sa resort. Dahil ngayong araw ang alis niya ay gusto niya kahit wala siya rito ay makapag enjoy ay mga empleyado niya. Agad na rin naman siyang bumalik sa kanilang room at nakita niyang na tutulog parin si Scarlet. Inilapag niya ang hot chocolate sa lamesa na nasa gilid ng kama. Hindi naman niya inaasahan na biglang gumalaw si Scarlet at nag mulat ng mata. Scarlet yawned, at habang ginagawa niya yun ay naka tingin lang si Tyler sa kanya. Certified that she is still very beautiful even though she is yawning. Nag unat ito ng kanyang dalawang braso and nag stretch din siya ng kanyang tagiliran. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at napa ayos ng makita na nakatingin sa kanya si Tyler. Tyler smiled at her while still looking at her. "Good morning. Hot chocolate for you." medyo naka ngiting sabi ni Tyler. But instead of answering and speaking to Tyler ay inirapan lamang ito ni Scarlet at ngumisi ng nakakaloko. Inalis niya ang tingin niya kay Tyler at bumababa ng higaan. Tinalasan niya ng tingin si Tyler. 'Ano na namang trip nito?..' tanong sa isip ni Scarlet. Walang good sa morning ni Scarlet lalo na kung isang weird ang bubungad sa kanya. Pumunta siya sa balcony upang pagmasdan ang labas ng resort. Napangiti si Scarlet dahil sa ganda ng view na nakikita niya. Madaming memories siyang naalala. Pero napa pikit na lamang ulit siya ng mata dahil kahit na napapangiti siya sa mga memories na yun--- ay panandalian lang ang itinatagal ng mga ngiti niya. Umiling iling siya upang kahit papaano ay malimutan ang kanyang iniisip. Masasaktan lang siya at malulungkot kapag inisip niya pa ulit ang memories na yun. NAG ayos na si Scarlet at kinuha niya ang kanyang cellphone at wallet para sana dalhin dahil siya ay maglilibot at kakain sa labas. Pero hinawakan siya ni Tyler sa kanyang braso kaya nagulat siya. Hindi rin niya alam ang kanyang gagawin at nagpatangay siya sa paghila ni Tyler. Nakarating sila sa parking lot kaya napakunot ng noo si Scarlet at pinilit na hininto ang kanyang paglalakad. Pero kahit naman huminto siya ay hihinto naman na talaga sila sa kanilang paglalakad dahil nasa harapan na sila ng kotse ni Tyler. Nagtatakang pumasok si Scarlet sa loob ng sasakyan. Wala siyang ideya sa nangyayari. She didn’t know why she had to ride in the car. Gusto niya sanang tanungin si Tyler kung saan sila pupunta or kung anong gagawin nila--- bakit kailangan niyang pumasok sa loob ng sasakyan, ay hindi niya magawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD