'Yeah I Know. He's right.
That my wife is so f*****g hot and beautiful.
Pero... tungkol sa kumpanya lang ang naman ang rason ng pagpapakasal namin at hindi ko mapigilan mag isip tungkol sa babaeng yun.
Sobrang ganda. pakiramdam ko naman ay mabait naman talaga siya pero, hindi ko parin maialis sa isip ko na baka pera lang din ang habol niya kaya siya pumayag sa pag-papakasal sa akin.
And first of all hindi naman niya ako kilala ng lubos bago siya pumayag.'
..
..
..
Sinubukan ko naman ang lahat ng makakaya ko para iwasan siya. Umuuwi ako sa sarili kong bahay para lamang matulog.
Minsan sa sobrang pag iiwas ko sa kanya ay hindi na muna ako umuuwi sa sarili kong bahay.
Pero nangyayari lang naman yun kapag masyado ko siyang iniisip, kapag palaging siya ang laman ng isip at puso ko. Kaya naman hanggat maaari ay ayaw kong mapalalim ang na raramdaman ko sa kanya. Maling mali kasi.
Para bang kapag hindi ko siya nakikita ay para akong mamamatay ng wala sa oras.
Gusto kong dumistansya kaya nga ako nag lagay ng rules. Dahil hanggat maaari ay iniiwasan ko ito... ang mahulog ng lubos kay Scarlet.
Simula ng makita ko siya talagang hindi ko na alam kung bakit parang maya't maya ay nag aalala ako sa kanya. Lalo na ng malaman kong mag-isa lang ito sa tinitirhan niyang apartment.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko as in sobrang weird talaga. Pati nga sarili ko ay na guguluhan na rin sa ikini-kilos ko.
I really don't get it.
Na babaliw na ba ako sa kanya?!
Hindi ko naman maitatanggi na sobrang ganda talaga niya.
As in! sobrang ganda. Kung iisipin nga ay bihisan lamang ito ng mamahaling damit ay mag mumukha ng galing sa mayamang pamilya.
Pero alam naman naman na hindi ito ganon kayaman kaya nga siguro niya tinanggap ang pag-papakasal sa akin.
Dahil sa pagka baliw ko sa kanya ay sinubukan ko siyang kausapin.
Talagang napaka desperado akong makausap siya. And also gusto ko na napapansin niya ang presensya ko.
crazy.. right?...
end of flashback
..
..
..
Kaya naman talagang nag plano ako na mag bakasyon kasama ang nga empleyado ko sa kumpanya. Para kahit papaano ay makapag relax at para na rin may magawa akong dahilan upang makasama si Scarlet. Hindi mai-kama.
And guess what!
Nag tagumpay naman ako sa aking plano na makapag bakasyon at makapag relax.
At ang makalapit at makausap man lang si Scarlet kahit papaano ay nagawa ko. Medyo nagkakausap kami at nasosolo ko siya sa sandaling oras.
Yun nga lang ay hindi ko maiwasan mainis sa lugar na ito dahil ang dami-daming nakaka pansin ng natural na kagandahan ni Scarlet.
Hindi ko naman masisi ang mga katulad kong lalaki. Maganda ang asawa ko kaya normal lang na mapalingon ang mga ito.
Pero ang ikina iinis at ipinuputok ng butchi ko ay bakit si Scarlet pa ang tinitignan ng mga sira ulong mga lalaki dito.
Tapos minsan ang isa sa rason na ikina kakagalit ko ay may kinakausap pa siyang ibang lalaki. Pinapansin niya ang ibang lalaki. Gusto ko ako lang.