Naka uwi na kami sa bahay. Naka pag-hot bath na rin ako at naka suot ng pantulog. "What took you so long?" tanong ni Tyler. Bakas sa mukha niya ang may pagka-inip sa paghihintay. "I took a bath." i answer directly. Si Tyler ay naka higa na sa kama, kaya tumabi na rin ako sa pagka-higa. Tumalikod ako ng higa sa kanya para hindi ko makita ang mukha niya at samantalang siya naman ay naka harap sa gawi ko. May feeling kasi akong akward sa pagitan naming dalawa at hindi ko rin alam kung bakit. I'm not sure kung ako lang ba ang nakaka-ramdam nito o pati siya ay parehas ang na raramdaman namin. Pero parang hindi naman siya na aakwardan sa akin. Hindi ako maka-tulog. Hindi ko rin magawang ipikit ang mata ko dahil medyo hindi ata normal ang hearth beat ko ngayon. Kinakabahan ata ako.

