Sabay na kami kumain ni Josue. Inaya kasi niya ako at hindi naman ako maka-tanggi sa kanya. Dahil minsan lang naman ito mangyari. Dahil palagi siyang wala. Mag-katapat kami ng pwesto ni Josue habang kumakain. Napa-tingin ako sa kanya, dahil na kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Bakit ganyan ka maka-tingin sa akin?" takang tanong ko sa kanya. Ngumiti muna siya sa akin bago mag-salita. "Alam mo na pansin ko, mas lalo kang gumaganda." Josue. Napa-ngiwi naman ako sa sinabi niya at medyo napa-tawa. "Sus! Baka naman tumaas lang yang grado ng mata mo-- Kaya mo na sasabi yan. HAHAHAHA!" Tumigil siya sa kanyang pag-subo ng pagkain at seryosong tumingin sa akin. "Hindi kaya. Tsaka totoo naman talaga. Mas lalo kang gumanda at hin

