LUMABAS NA AKO ng cr at nakita ko naman siya na naka upo parin sa higaan at nagulat ako dahil naka tingin siya sa pwesto na kinakatayuan ko. Mukhang inaabangan niya yata ang paglabas ko sa cr dahil nakita kong nagulat siya nung lumabas ako ng pintuan.
Dire-diretso akong naglakad palabas ng room namin at nag lakad sa hallway papuntang elevator.
Naririnig ko ang pagyabag ng paa niya at alam kong sumusunod siya sa akin dahil pumasok din siya ng elevator.
Pero buti na lang talaga ay sumaktong may mga ibang tao na nakasakay dito sa elevator kaya paniguradong hindi ako kukulitin ng lalaking ito.
Akala ata niya ay sasamahan ko siyang kumain, tsk... Asa siya! dahil wala akong planong sumama sa kanya. Manigas s'ya!
Binilasan ko ang paglabas ng elevator para hindi na ako sundan pa ni Tyler. Balak kong puntahan si Layla dahil nag chat ito sa akin na sabayan ko silang kumain ni Greg kaya naman ay pumayag akong sumama dahil wala naman akong kasamang kumain ngayon. As in wala!
Patuloy lang ang paglalakad ko nang mapahinto ako dahil biglang na hagip ng mata ko ang isang tarpaulin na magkakaroon bukas ng gabi ng jamming party dito sa resort.
Hmmm.. sounds exciting! Ito ang isa sa mga gusto ko kapag pumupunta sa mga resort. Jamming party is the best jamming ever! Madami kang makikilalang iba't ibang tao.
NAWALA BIGLA ang ngiti sa aking mga labi nang may biglang humawak sa wrist ko. "Tara, duon tayo."
Tinanggal ko ang pagka hawak niya sa wrist ko at nag lakad papunta sa ibang direksyon.
"Hey! Scarlet!" rinig kong sigaw niya sa akin. "Hey! Please come back here!" Patuloy na pagtawag niya sa akin. Pero hindi ko parin siya pinansin at nag patuloy lamang ako sa paglalakad.
Hindi ba niya kayang kumain mag isa. Nasa akin ba ang plato, at kailangan ko pa siyang samahan. Nakakaloka!
"Ay! punyeta!" sigaw ko. Nagulat ako nang may kamay na biglang humawak sa aking legs at binuhat ako.
Tinignan ko siya nang masama. Buhat-buhat ako ni Tyler ngayon. Nakatingin lamang ako sa kanya at sinasamaan ng tingin. Hindi siya nakatingin sa akin, naka focus siya sa pinag-lalakaran niya. Napansin kong may mga mangilan-ngilan na tumitingin sa amin.
Ano ba naman to, nakakahiya....
Hinampas ko ang dibdib niya upang ibaba ako mula sa pagka-buhat niya, pero hindi niya pinansin ang paghampas ko sa kanya. Sinusubukan ko namang itulak ang dibdib niya para mabitawan ako, pero mas lalong humigpit ang paghawak niya sa akin. Itinago ko na lang nang kaonti ang mukha ko sa buhok ko. para kahit papaano ay matakpan at Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa iba dahil hindi niya rin naman ako pinapansin.
Huminto siya sa paglalakad kaya napatingin ako sa paligid. Nandito na naman kami sa pinagkainan namin.
IBINABA n'ya na ako mula sa pagkabuhat at hinatak ako papasok sa kainan.
Huminto kami sa paglalakad dahil nasa tapat na kami ng lamesang pag-uupuan namin. Hinawakan niya ang isang upuan upang alalayan akong umupo. Tinignan ko lamang siya at ganon din siya, nakatingin rin siya sa akin at sinesenyasan akong umupo duon sa hawak niyang upuan. Tsk,
Pumunta ako sa kabilang side ng table. Kung saan dapat siya pupwesto. Duon ako na upo at nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Tinaasan ko siya ng kilay at masamang tinignan. Narinig ko na lamang siyang nag 'Hayst..'