Chapter 16

528 Words
I KNOW na nag tatanong siya na may pag-aalala sa akin. Pero hindi naman ata tamang pansinin ko siya matapos ng pang iiwan niya sa akin kanikanina lang. Medyo na iilang din ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ikilos sa harapan niya. Hindi ko rin alam kung paano ko s'ya papansinin o kakausapin. Papunta siya sa direksyon ko at base sa nakikita ko sa gilid ng aking mata ay mukhang hindi niya alam ang gagawin niya. Umupo siya sa tabi ko, ramdam ko ang pag-lubog ng higaan na pinag-uupuan ko. Hindi ko siya inimikan o nagawang lingunin man lang Kahit alam ko na nakatingin siya sa akin. Para akong malulusaw sa mga tinginan niyang ganyan. Bumuntong hininga ako pero hindi naman ganon kalakas. Hanggang ngayon ay pala isipan parin sa aking isipan kung bakit niya ako iniwan kanina. Na curious lang kasi ako kung anong dahilan niya. Hindi kaya.. hindi attractive ang katawan ko para sa kanya? Mabaho ba ako? Nabahuan kaya sya sa akin? Nandiri kaya siya? Atsaka hoy! Wala rin naman akong sakit. Ano! Malinis naman akong tao kaya napapa isip talaga ako na bakit kaya niya ako iniwan kanina. Ano bang dahilan niya. Ang hirap intindihin ng mga lalaki sa totoo lang.. Naka yuko lang ako at naka tulala ayoko muna siyang kausapin o kahit tingnan man lang dahil na babanas ako sa pagmumukha niya. “Come on, Lets eat.” Malumanay niyang pag-aaya sa akin. Naka titig lang siya akin habang ako naka yuko parin. Kaya tumingin ako sa kabilang side ko para iwasan ang mukha niya. Sa inaasal ko ngayon ay daig ko pa ang nag-tatamporurut na jowa... Dahil sa pag-iwas ko sa kanya ay hinawakan niya ang aking braso para iharap ako sa kanya. Pero tinigasan ko ang katawan ko para hindi ko makita ang pag mumukha niya. Naging bato ang katawan ko ngayon sa pag iiwas ko sa kanya pra maramdaman niyang iniiwasan ko talaga siya at na iinis ako sa kanya. Narinig ko siyang nagpaka wala ng malakas na buga at nag salita. “Scarlet lets eat together.” Seryoso na ang pananalita ng boses niya. Napa buntong hininga na lang din ako. Ayos talaga tong lalaking 'to hanggang dito ata ay gusto niyang sundin ko siya. Oo boss ko siya sa company pero gusto pa ata niya hanggang dito ay sundin ko ang utos niya. Empleyado din kaya ako kaya kahit papaano ay kailangan ko ring mag bakasyon! Tsk, Hindi ba niya na kikita na naiinis din ako sa kanya. Gusto n'yang susundin ko siya? Ano siya sinuswerte? Inalis ko ang pagka hawak niya sa braso ko, noong una ay nahihirapan pakong alisin ang kamay niya sa braso ko kaya tinignan ko s'ya ng masama kaya naman ay inalis niya agad ang pagkahawak sa braso ko at tumayo na ako papuntang duon sa maleta ko. Kumuha ako ng dress na manipis na lagpas tuhod ang haba mahaba. After kong nakuha iyon ay tumungo ako sa cr para suotin ang dress na kinuha ko. Tuminigin ako sa salamin and guest what! Ang ganda kong tignan sa suot ko, bagay na bagay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD