TRACY POV
"Teka-"
Di pa ako natatapos magsalita ngunit may kamay nang tumakip sa bibig ko. Di ako makalingon, ang dami ng mga kamay na humahawak sakin at may isa pang hinampas ako sa pwetan ko. Nang ilabas ako ng mga ito ay saka lamang nila ako pinakawalan. Nag init ang ulo sa nangyari, akala ko ay lalaki ang unang makakahawak sa pwetan ko but when I turned around nakita ko ang tatlong babae na ito na tinatawanan ako kanina.
Ang aangas ng mga tingin nila at halata na mga bully. Subalit palaban akong babae at wala akong aatrasan kahit na tatlo pa ang mga ito. Dinuro ko sila isa isa kase di tama ang ginawa ng mga ito.
"Hoy sino sa inyo ang sumundot sa pwet ko?" taas kilay kong pagtataray. "Inaano ko ba kayo?"
Napansin ko na yung blondeng babae sa gitna ay maraming mga hikaw sa tenga at ang lantaran ang tattoo nito sa leeg na t*ti pala ng lalaki. Grabe, nagulat ako rito, akala ko noong una ay ahas. Nakakahiya ang ganitong klase ng tattoo. Dito pa lang ay alam nang wild s'ya. She looks young pero mukhang batikan na ang babaeng ito at sa kanilang tatlo, s'ya ang may pinaka malaking boobs. Mas malaki pa ang boobs nito sakin. Malamang maraming mga lalaki ang nahuhumaling sa kanya. I know na hayok na hayok ang mga lalaki sa ganitong babae.
Matapos tumawa ng mga ito ay unang nagsalita itong si blondina!
"Ako bakit? Papalag ka ba?" sabi nito, ang angas ng boses n'ya. "Mukhang baguhan ka rito? Wag kang siga rito sa loob, alamin mo kung saan ka lulugar! Alam mo bang ayaw na ayaw ni Aling Marta ng ganyan? Kung nagkataon at hinayaan ka namin na pumasok sa loob, malamang ay nasampal ka na n'ya. Kausap n'ya ang may ari ng bar at kapag inistorbo mo ito, may kalalagyan ka kaagad kaya dapat mo kaming pasalamatan."
Sinisindak ako ng babaeng ito sa kanyang pananalita subalit di ako magpapa daig rito. Wala akong pakialam kung tatlo pa ang kalaban ko.
"So what? You can tell that in a nice way. Di iyong hahampasin mo pa ang pwetan ko para bastusin ako. Kung ang ibang mga baguhan rito ay kaya n'yong kayan kayanin, p'wes ako hindi dahil palaban ako!"
Nagtinginan silang tatlo at nagtawanan ng malakas. Mga siraulo yata ang mga babaeng ito. Hay naku! Di talaga nawawala ang mga ganitong klase ng tao kahit na saan pa man ako magpunta. Halatang adik rin ang mga ito. Ganito rin ba sila sa ibang mga bagong GRO rito o sadyang napagtripan lang ako?
"Hahahaha! Pa ingles ingles ka, ano feeling virgin ka pa eh halata sa iyo na pakarat ka ring babae ka!" sabi ng blondinang ito ulit. "Ang arte arte mong morena ka!"
Ang dalawang mga kaibigan n'ya ay tila ayaw mag sipag salita. Nakiki tawa lang ang mga ito sa kaibigan nila. Pero napangiti ako, proud virgin pa ako at samantalang ang mga babaeng ito, natitiyak ko na iba't ibang mga lalaki na ang gumagamit sa kanila kaya maluluwag na sila.
"Bakit ano ang masama sa pagiging virgin HUH!? Iyan nga ang dahilan kung bakit ako tinanggap rito kahit na morena akong babae. Matinong babae lang din ako na nagipit sa buhay. Proud to be morena na di need magpaputi kase kontento na ako sa kutis ko."
"Nako! Ngaun mo lang ipagyayabang ang virginity mo pero kapag napasukan ka na bukas at nawasak ka na ng lalaki, tatawanan ka namin. Pero ang tanong, may pumatol kaya sa iyo? Morena kang babae at kadalasan ng mga lalaking nag pupunta rito ay maputing babae ang hinahanap. Baka langawin ka mamaya at kapag nangyari iyan ay tatawanan ka lang namin!"
Napangisi ako. Kapag may mga nanlalait talaga sakin na ganito, in stead na pang hinaan ng loob ay mas lalo ko pang gustong patunayan ang sarili ko sa ibang tao.
"Tingnan natin mamaya at baka kainin n'yo pa ang inyong sinasabi. Baka nga kayo ang mawala ng customer kase sakin sila mag pupuntang lahat!" pagyayabang ko pa sa mga ito.
Tinawanan lamang nila ako at ilang saglit pa ang lumipas ay pumasok na kaming lahat sa loob. Pinapunta kami kaagad ni Aling Marta sa dressing room at dito ay napag tanto ko na ang dami namin. Nasa 20 siguro kaming lahat pero ako lamang ang morenang babae rito. The rest of them ay mga mapuputi na at naka heavy make up kaagad.
"Hoy mga pokpok!" sabi nito, ang lakas ng kanyang boses at talagang ang sakit, tagos sa puso ko ang pagiging pokpok. "Tandaan n'yo ang parati kong sinasabi rito, mga bayaran kayong babae at bawal na bawal ang maarte dahil customer is always right. Basta kapag nakakuha kayo ng customer n'yo mamaya, hingian n'yo kaagad ng down payment at hayaan n'yo na hipuan kayo sa maseselang bahagi ng inyong katawan."
Habang nakikinig ako sa kanya ay may humampas ulit sa pwetan ko at pag lingon ko ay si Blondina girl ang nakita ko kasama ang mga kaibigan nito. Pare parehas silang natatawa rito at sobrang nakaka insulto ng nangyari. Tiningnan ko ito ng masama ngunit tinaasan pa ako nito ng kilay.
"Bastos ka talaga!" gigil kong sabi rito.
Mas lalo pa itong natawa, "Eh ano ngaun? Bakit ba ang tambok kase ng pwet mo HUH!? Nilagyan mo siguro ng unan, ang sarap hampasin!"
Kinagat pa nito ang kanyang dila habang nakangiti. Napapa isip tuloy ako kung totoong babae ba ito. Baka tibo itong babae na may lihim na pagnanasa sakin. Ako, straight na babae at never akong papatol sa kapwa ko.
"Walang unan ang pwet ko kaya mag ingat ka, kapag nagdilim ang paningin ko sa iyo ay may kalalagyan ka sakin!"
Medyo napalakas pa nga ang boses ko sa inis. Pero ang babaeng ito at ang mga kaibigan n'ya, patuloy lamang sa pag tawa.
"Hoy Morena, nakikinig ka ba sa sinasabi ko!"
Napalingon ako kay Aling Marta ng marinig ko ang salitang morena. May iba pa ngang morena rito bukod sakin?