KABANATA 1
TRACY POV
Kulang na kulang ang sahod ko sa trabaho ko para buhayin ang nanay kong may sakit at bed ridden ngayon. Ang papa ko naman ay isang lasinggero na lalaki na walang pakialam sa bahay namin at sa halip na atupagin kaming buong pamilya ay mas pinipili nito na kasama ang mga tropa n'ya at sabay sabay silang lumalaklak ng alak.
Sawa na akong maging mahirap at maging gatasan ng buong pamilya ko. Magkano lang ang kinikita ko sa trabaho ko bilang clerk dito sa company namin at akala mo ay malaki ang pinapasahod ng aming manager na si Sir Ronald at kung maka utos ito ay wagas. Sana nga ay matuluyan na siyang masibak sa trabaho kasi ang balitak ko ay may ilang mga babae na itong pinagsamantalahan.
Subukan n'ya itong gawin sakin, wala akong pakialam kahit na manager ko pa ito. I will make sure na makakatikim ito ng suntok at mga sampal. Kahit na 4'8 lamang ang height ko, di ito hadlang upang ipagtanggol ko ang sarili ko.
Never tumatalab sakin ang pagiging masungit ng ibang tao at ako iyong tipo ng babae na palaban kahit na sino pa ang maka away ko.
At kung may isa man akong kinatatakutan sa buhay, ito ay ang mawalan ng pera sa dami ng mga gastusin namin sa buhay kaya nagpasya na akong gawin kung ano ang mali at pumasok sa bar bilang isang bayaran na babae na sumasayaw sa bar pagsapit ng dilim kung saan maraming mga lalaki ang nakatingin.
Isang buwan kong tinimbang ang desisyon na ito sapagkat ayoko na babuyin ako ng ibang tao alang alang sa pamilya ko. Out na namin sa work at ito na ang unang beses na papasok ako sa bar. Halos 9 pm na rin ako nakapag out sa dami ng mga tambak na trabaho namin sa office na kelangan kong tapusin.
Ngunit batid ko naman na kahit na anong klaseng overtime ang gawin ko ay di ako yayaman. Pero sa magiging trabaho na meron ako, matitiyak ko na limpak limpak na salapi ang aking kikitain.
Subalit ang downside nito, kelangan ko nang magpa baboy sa kung sino man ang lalaki na makaka kuha sakin mamaya sa bar. Ipapalamas ko ang iba't ibang maseselan na bahagi ng aking katawan. Dati, ayoko na madapuan ako ng kamay ng kahit na sino pang manyakis pero sa pagkakataon na ito ay kelangan ko nang gawin ang makakaya ko sapagkat alipin ako ng pera.
Handa akong maging pokpok na babae at sisiguraduhin ko na walang ibang makaka alam ng lahat ng ito. Ilang saglit pa ang lumipas ay nakarating na ak sa tapat ng bar kung saan ako mamamasukan bilang Guess Room Office. Sa unang tingin ay simpleng bar lamang ito na may lumang gusali subalit ng makapasok ako rito noong nakaraan, nakita ko ang iba't ibang mga hitsura ng lalaki na may kanya kanyang mga alak sa kanilang mga kamay at mga babaeng kita na halos ang kaluluwa sa kanilang pagsasayaw sa stage. May iba pa nga na nag hubad ng kanilang bra at hinahagis sa mga tigang na lalaki. Halos mapuputi sila ngunit pinaganda ng make up kaya nga may mga lalaking nabibihag ang mga ito.
Kaya lang, di ganda ng mukha ang gusto ng karamihan ng mga lalaki rito sa loob. Ang tanging pakay ng mga ito ay ang b*lat ng mga babae at ang boobs na nagtatalbugan habang sila ay sumasayaw. Kaya kapit ako sa patalim!
Ang saad ni Aling Marta rito na may ari ng bar na nagpasok sakin, ang basic rule n'ya sa bar na ito ay bawal ang pagiging mahiyain. Kelangan kong sumayaw at igiling ng igiling ang katawan ko sa harapan ng maraming customers sapagkat kapag di ako nakakuha ng lalaking mabibihag ko ay last day ko na rin ito sa work.
Di sa nag bubuhat ako ng sarili kong bangko subalit maganda rin akong babae at balingkinatan ang katawan. Madalas nga akong binibiro ng mga kasamahan ko rito sa trabaho na seksi ko raw at pang model ang katawan ito. This is one of the reasons kung bakit ang taas din ng confidence ko sa sarili ko.
Morena man akong babae ngunit masasabi ko na may laban ako pagdating sa ganitong bagay. At isa pa, dati rin akong dancer sa school namin kaya malambot ang katawan ko. So if there is a perfect time para ipakita ko ang talento ko noong nakaraan ay ito na yun.
May ibang mga babae na tambay rito sa labas. Ang hahaba ng mga suot nito, mukha silang kagalang galang ngunit deep inside, these girls, sa loob ng bar nila nilalabas ang pagiging wild niia. I feel like illegal ang pagiging GRO ng mga ito at nag iingat ang may ari na baka may makahuli samin kaya kelangan itago ang totoong nangyayari sa loob.
Bago ako pumasok, napansin ko ang tatlong babae sa gilid ng bar at lahat sila ay may hawak na vape. Bumubuga sila ng usok na daig pa yata ang mga sasakyan sa labas. Nakatitig sila sakin at tila ba ay pinagtatawanan ako ng mga ito. Ang gaganda nila, makinis at maputi pa! Ang isang babae nga na nasa gitna ay naka blonde ang buhok at may tattoo pa sa leeg at braso nito.
I have a feeling na negative ang mga sinasabi ng mga ito sakin kase marahil ay ngaun lamang nila ako nakita. Ngunit di sila ang pinunta ko rito. Nandito ako para sa salapi at ibebenta ko ang pep* kong sariwa sa lalaking magbo book sakin.
Pagpasok ko sa loob at nakita ko si Aling Marta na nakaupo sa sala at humihithit ng sigarilyo. May kausap itong isang babae na para bang kasing edad n'ya. May alak pa nga sa lamesa pero ang takaw pansin sa kanya ay trying hard nitong pag make up. Ang puti puti nito at nagmukha s'yang multo habang tumatagal. Nanalamin ba s'ya bago tapusin ang make up nito?
Mas gusto ko ang mukha nito kapag walang make up sapagkat di bagay sa kanya. Lalapit na nga sana ako rito ng may humatak sakin bigla.