SIMPLENG PUTING dress na dinesenyuhan ng mga bulaklak ang piniling isuot ni Reena. Hinayaan niyang nakalugay ang kaniyang kulot at kulay tsokolateng buhok. Nakangiti niyang tinitigan ang sariling replekyon sa salamin. Naglagay lamang siya ng kaunting polbo sa mukha at nilapatan ng liptint ang mga labi. Naglagay rin siya ng kaunting blush sa mga pisngi. Nang makontento siya sa kaniyang hitsura ay nagdesisyon siyang bumaba na para puntahan ang kaniyang mga magulang. Kumakanta-kanta pa siya habang pababa ng hagdan. "Mommy! Daddy!" magiliw niyang tawag sa mga ito paghakbang sa huling step ng hagdanan. Naabutan niya ang mga ito na nakaupo sa sala at masayang nagkwekwentuhan, nagtatawanan pa nga ang mga ito. Nang makalapit siya sa mga ito at napansin ang kaniyang presensya ay sabay-sabay na nap
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


