IF LOVE is a drug, adik na adik na siguro si Lexus. Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang mag-usap sila ni Reena sa fountain pero hindi pa rin mapawi ang sayang nararamdaman ni Lexus. Sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang mga sinabi nito sa kaniya at dahil doon ay mas lalo siyang nagkaroon ng pag-asa. Of course, hindi naman madali para sa kaniya na kontrolin ang nararamdaman sa tuwing magseselos siya lalo na kay Jack. Pero pinanghawakan pa rin niya ang pangako niya kay Reena na maghihintay siya rito. And he is willing to wait patiently just for her. It's a sunday morning at maaga siyang nagising na hindi rin pangkaraniwan sa kaniya. But that day is special because he planned something special for Reena. Mabuti na lang ay wala siyang klase kaya marami siyang oras sa araw na iyon. Pagkab

