NANG MARATING ni Lexus ang court ay agad na hinanap ng mga mata niya si Reena at Jack. Nakita niya ang mga ito na magkatabi at nag-uusap sa hindi kalayuang bench. Mukhang nagkakatuwaan ang mga ito. Samantalang ang iba naman nilang kasamahan sa team ay kasalukuyan nang nagwa-warm up. Agad siyang nilapitan ng pinsan na si Xander nang mapansin nito ang pagdating niya. Nang mapansin nito ang direksyon na tinitingnan niya ay agad itong napailing at saka siya inakay papunta sa kanilang mga kasamahan. "Mabuti naman at nakapunta ka," bungad nito sa kaniya. Tinanguan lang iyon ni Lexus at nagsimula na lang sa warm-up. Pinilit niya na ilipat ang atensyon sa ginagawa at hindi muna isipin si Reena. Pero kahit pigilan niya ang sarili ay unconsciously na napapatingin siya sa gawi ng dalaga. Paminsan-m

