KUNG KANINA ay hindi makapag-focus si Reena dahil sa pagkaantok, ngayon naman ay hindi pa rin makapag-focus si Reena dahil sa kakulitan ng katabi niya. They were actually discussing about their project in Personality Development na gagawin nga nila sa isang orphanage. Iyon kasi ang orphanage na sinusuportahan din ng pamilya ni Lexus kaya naman mas magiging madali rin ang kanilang proyekto kung doon nila gagawin ang planong activities. Plano nilang makipag-interact sa mga bata sa ampunan at gumawa ng iba’t ibang activity para sa mga ito. They will also be doing a gift giving activity on their final day. Their presentation will be in a form of documentary vlog since isa iyon sa mga in ngayon. “You’re even prettier when you’re serious,” Lexus said with a wink. Sa loob lamang ng halos kalahat

