ANTOK NA ANTOK si Reena kinabukasan nang pumasok sa school. Hindi na rin niya maalala kung anong oras at paano siya nakatulog nang nagdaang gabi. Dalawang klase na rin ang lumipas na halos wala siya sa sarili. Kasalukuyan silang nasa cafeteria ng bestfriend niyang si Maze dahil vacant time nila. May quiz sila sa susunod na klase kaya naman isinasabay na rin nila ang pagre-review. Kasabay nang muling paghikab ni Reena ay ang pagpuna naman ni Maze sa kaniya. "Uy, 'te? Puyat ka uli? Required ba ang palaging puyat kapag mahaba ang hair?" Maze even rolled her eyes before taking a bite of her Hawaiian pizza. "H-ha?" wala naman sa sariling tugon ni Reena. Wala siyang nakuha sa sinabi ng kaibigan dahil sa paglipad ng kaniyang isipan. "Ha, ha, ka riyan! May quiz mamaya. Alam mo naman. Bakit ka

