Chapter 2: Escape

1375 Words
TALIWAS ANG daang sinuyod ng magkakaibigan bago pa man nila marating ang kabilang bayan. Dahil batid nilang maraming mga mata ang maaaring makakilala sa kanila kapag nakita silang magkakasama, subalit hindi sila nag-aksaya ng oras upang magtungo sa isang Salon. Isang senyas ang pinakita ni Thunder bago pa man sumunod ang dalawa na nagtatago lamang sa gilid ng isang mahabang eskinita. Gayunpaman ay malaki ang tiwala sa kanya ng dalawang kaibigan kung kaya't siya lang ang mag-isang pumasok sa Salon. "Magpapagupit po, sir?" Bungad sa kanya ng isang hair stylist doon. Hindi kaagad nakasagot si Thunder habang todo pagpantasya naman sa kanya ang ilang kabaklaan doon. "G-gusto ko lang sanang mahingi ang mga gupit ng mga buhok na nasa sahig," wika niya. Sakto kasing kakatapos lang gupitan ang isang kliyente roon. Tiningnan siya nang may pagtataka ng hair stylist na kausap niya at kalauna'y natawa na lang. "Ah! Iyon lang ba, pero sandali.. saan mo naman 'yan gagamitin, pogi?" pang-uusisa nito sa kanya bagama't nagtataka ito sa sinabi niya. "Nais ko po sanang gawing wig-- bilang kabuhayan," pagsisinungaling niya. Nadadama na niya ang pag-asa lalo na nang unti-unting dinakot ng dustpan ang mga buhok at ipinasok sa isang plastic. "Sandali, pagkakakitaan mo ang pinaghirapan ng empleyado ko? Hindi naman yata p'wede 'yon," napapangising sabat ng manager doon. Subalit hindi nagpaapekto si Thunder sa sinabi nito, at sa halip ay mas ginalingan pa niya ang pag-arte, 'yong tipong maaawa ang mga ito sa kanya. "Paumanhin po pero sadyang kailangan ko lang po nang hanapbuhay para makakain, wala po akong permanenteng tirahan at wala ring trabaho.." aniya. Mukhang effective naman ang acting niya dahil bigla na lamang iniabot ng mismong manager ang nakabalot na mga buhok sa plastic. "Makakaalis ka na, at sana ay makatulong 'yan bilang panghanap-buhay," anito. At bago pa man siya tuluyang makatalikod ay isang matamis na ngiti ang pinakawala niya. "Maraming salamat po." Narinig pa niya ang ilang tilian ng ilang kabaklaan na gwapong-gwapo sa kanya. Pagkatapos sa salon ay dumiretso sila sa isang patahian upang humingi ng kapirasong tela na itim, karayom at sinulid. At dahil nga sa lakas ng appeal ni Thunder ay walang dahilan para hindi-an siya ng mga ito. Habang ngingiti-ngiti naman sa may sulok sina Felix at Zander. May kaunting kaalaman sa paggawa ng wig si Thunder dahil ito ang isa sa kabuhayan ng Mama niya noon. Subalit sa simpleng paraan lamang iyon sinimulan ni Thunder, gamit ang kapirasong tela na siyang pagdidikitan ng mga buhok. Sa isang bodega sila nag-stay at sa kabutihang palad ay nakaramdam sila ng kaginhawaan. "Zander, pakisuyo ng kutsilyo mo," ani Thunder. Mabilis namang iniabot sa kanya iyon ng kaibigan. Natural na kasi sa kanila ang may dala-dalang kutsilyo kahit saan magpunta, para lang maipagtanggol ang kanilang sarili. "Ano ba kasi talagang binabalak mo?" pang-uusisa ni Felix. Sandaling napalingon si Thunder sa kaibigan. "Sa tingin mo, bakit gumagamit ang panot ng wig, hindi ba't para maitago 'yon, isipin mo na lang, Felix, sa sitwasyon natin, marami tayong krimeng kinasasangkutan.. gugustuhin mo pa bang mahuli at mabulok sa kulungan?" makahulugang tugon ni Thunder. Sandaling napaawang ang bibig ni Felix, gayundin si Zander. "Pero.. hindi naman panglalaki ang wig na ginagawa mo, e. Anong gusto mo? Magpanggap tayong mga bakla?" katwiran pa ni Felix. Napabuntong hininga si Thunder at sandali silang pinukaw ng tingin. "Makinig kayo, para rin ito sa kabutihan natin, kaya sa ayaw at sa gusto ninyo, magtatrabaho tayo sa club. Sawa na akong magnakaw ng pera, alahas, cellphone at pagkain para lang makakain," sagot ni Thunder na ikinahanga ni Zander. "Pabor ako kay Thunder, ikaw, Felix, kung ayaw mong magbagong buhay, bahala ka," panghahamon ni Zander. "Hoy, siyempre, sasama ako 'no!" Parang batang wika ni Felix. Bago pa man sila magdulot ng ingay sa buong bodega. Ngunit, sandali silang natigilan nang makarinig ng yabag ng mga paa na nagmumula sa labas. "Sandali," ani Thunder habang patuloy pa rin sa pagtatahi ng wig. "Parang nakita ko na 'yan sila!" Narinig pa nilang boses ng babae na mukhang may kausap na mga pulis. Batid nila sa sariling sila ang tinutukoy nito kaya nakaramdam na naman sila ng kaba. "Sabi ko sa inyo mas delikado tayo rito, e.." pabulong na sabi ni Zander pero mabilis siyang sinaway ni Thunder dahil baka matunugan sila. Kaya, nanatili silang tahimik hanggang sa mawala ang mga boses na naririnig nila mula sa labas. Pagkatapos mayari ang wig ay isa-isa nilang isinuot 'yon at nagtungo sila sa may ukay-ukay upang bumili ng mga damit pangbabae. Bumili rin sila ng mumurahing lipstick upang mas maging effective ang kanilang transformation. Sa kanilang paglalakad ay sakto namang nakita ni Thunder ang isang job hiring post sa isang Club na nadaanan nila. Walang alinlangang lumapit sila roon gamit ang kanilang baklaan style at isa-isa silang kinilatis ng gwardiya roon. "Excuse me, sir, maaari po bang mag-apply bilang waitress?" ani Thunder sa boses na bakla. Hindi naman maitago ang sandaling pagtawa ng dalawa sa malanding tono. "Nasaan ang bio-data ninyo o 'di kaya'y resume?" tanong ng guard na ikinakunot ng noo ni Felix. "Ah, sir.. paumanhin po ngunit, wala po kaming dalang bio-data, pero ang dedikasyon naman po namin sa trabaho ay maaasahan ninyo," ani Thunder habang hinahaplos-haplos pa ang balikat ng gwardiya. "Okay, sandali at ipapatawag ko na muna ang aming boss para ma-interview kayo, halina kayo sa loob," anito. Napapahagikgik naman sina Zander at Felix bago pa man sila tuluyang papasukin. At dahil alas tres pa lamang ng hapon ay tahimik pa ang kabuuan ng club, maliban na lamang sa ilan-ilang kliyente roon na nag-iinuman. Habang hinihintay ang mismong may-ari na siyang kikilatis sa kanila ay hindi maiwasang magkwentuhan ng magkakaibigan sa hindi nila sanay na paraan. "Kakaloka ang outfit ko today, day!" ani Thunder na pahawi-hawi pa ng kanyang wig. "E, kamusta naman ang sa akin, 'di ba?" ani Zander. Sandali pa itong bumulong sa kanila. "Tang-ina, ka-ca-rireen na talaga natin 'to?" Sandali silang natawa sa boses bakla at hindi nila namalayan ang babaeng nakatayo sa harap nila. "Kayo ba ang aplikante?" pormal nitong pagkakasabi. At bago pa man sila tuluyang makasagot ay nagsalita itong muli. "By the way, I am Ms. Angela, the owner of this club, and can you please introduce yourself one by one?" Sandaling bumulong si Felix kay Zander. "Hindi ko siya naiintindihan." Dahilan para matawa si Zander. "Hey, excuse me?" pagtawag pansin nito sa kanila. Sandaling nabaling ang tingin nito kay Thunder na ngayo'y kinakabahan na. "You," anito kay Thunder. Biglang napatayo si Thunder at umarte ulit na bakla. "Yes, ma'am?" "Kindly introduce yourself," anito. Bagama't nararamdaman na niya ang kaba, hindi niya kasi alam kung ano ba ang mas mahirap, ang magpanggap na bakla o ang interview. "Ma'am, may I speak to my preffered language?" aniya. Hindi naman makapaniwala ang mga kaibigan niya dahil sa kanyang karunungan sa pag-i-ingles. "Sure, you will.." "Ako po si Thunder sa umaga at Thanya sa gabi, in short.. Thanya na lang po. Mahilig akong magluto noong nabubuhay pa ang magulang at mga kapatid ko, pero sa ngayon, nasanay na akong mag-isa at tumayo sa sariling mga paa. Because-- I believe na ang tadhana mo ay nasa iyong desisyon. Dahil hindi habambuhay ay may makakasama ka, lahat p'wedeng umalis. Iyon lang po, ma'am." "So nice introduction, ano naman ang maitutulong mo sa aking club?" "Kaya ko pong maging dedicated at tapat sa aking tungkulin, lalong-lalo na sa pera--" Sandali siyang natigilan sa kung anong buhay ang nakasanayan niya. Kung siya ay kaya niyang kontrolin ang kanyang sarili, paano naman ang dalawang kaibigan niya? "At higit sa lahat, kaya ko pong habaan ang aking pasensya kapag naka-encounter ako ng masungit na customer," wika pa niya. Hindi niya maintindihan kung bakit kanina pa niya napapansin na kakaiba ang tinging ipinupukaw nito sa kaniya, at habang ini-interview nito ang kaniyang mga kaibigan ay muling bumalik sa kaniyang alaala ang kaniyang nakababatang kaibigan na si Angela. Samantala ay hindi maintindihan ni Angela kung bakit ganoon na lang siya nahabag sa isinagot ni Thunder, gayong alam niya sa kanyang sarili ang totoong pagkatao nito. Alam din niyang darating ang panahon na kakailanganin nito ang tulong niya, at sa sarili niyang interpretasyon ay nagsisimula na. Pero, sino nga ba si Angela? Bakit parang kilalang-kilala niya si Thunder?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD