Chapter 3: Defense Over Protection

1232 Words
NAGSIMULA NA ngang pumasok sa trabaho ang magkakaibigan kahit na malaking pagsubok para sa kanila ang gagawin. Alang-alang sa proteksyon, alang-alang sa kanilang pagtatanggol sa sarili at alang-alang sa buhay na nais nilang baguhin. Nagsimula nang mag-ayos ng tatlo sa dressing room at kagaya nga nang napagkasunduan ay ayaw nilang masilipan sila ng kahit sino sa kanilang tunay na pagkatao. "Naiirita ako sa suot ko, ah! Hindi ako sanay, imbyerna!" pag-angal ni Felix na may tonong boses ng bakla. Laki kasi sila sa kalye kaya alam na rin nila ang mga karaniwang sinasabi ng isang beki. Hindi tuloy maiwasan ng dalawa na matawa sa tinuran ng kaibigan. "E, kaysa naman mamuhay tayo nang nagtatago sa kung saan-saan na may makakakilala pa sa atin, mas gugustuhin ko na lang ang ganitong buhay 'no," ani Zander na hindi naman ganoon kalakas, at napa-iling si Thunder dahil nakalimutan nito ang, "beki tone," na ibinilin niya. Pero sandali siyang natawa upang makalimutan ang pagka-disappoint na 'yon. "Nakakatuwa kayo, mga baks! O, siya, mauuna na ako sa labas.. baka marami ng customers," wika niya na ipinagtaka ng dalawa dahil parang walang kahirap-hirap sa kanya ang magpanggap na bakla. Malakas na tugtog ang sumalubong kay Thunder paglabas niya, marami-rami na rin ang mga tao at para sa kanya ay mas napaka-challenging ng gagawin niya. Ang haharap sa iba't ibang klase ng tao na may pagpapanggap, hindi niya alam kung hanggang saan ang kakayahan niya para gawin iyon pero ipinangako niya sa sariling kahit kailan ay hindi na siya babalik sa nakasanayang buhay. Kailangan niyang ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng proteksyon-- at iyon ay ang pagbabalat kayo. "Good evening, ma'am & sir! Welcome to Angela's Elegant's Club!" may siglang pagbati niya dahilan para mapangiti ang dalawang parokyano. "Any drinks na nais ninyong inumin, ma'am & sir?" "One liter of vodka for us," ani ng lalaki habang nakaakbay ito sa kasama niyang babae. Inilista naman ni Thunder ang order nito kasabay ng mga in-order pa nitong pulutan katulad ng mushroom and tofu. Ilang saglit pa ay nakita na rin ni Thunder ang kanyang dalawang kaibigan na pinagsisilbihan na rin ang ibang parokyano. Subalit, sandaling tumigil ang mundo niya nang matanaw sa hindi kalayuan ang mga pulis, at kung hindi siya nagkakamali ay ito ang mga pulis na naghahanap sa kanila. Nakita niyang sumenyas sa kanya si Zander at pasimple rin siyang sumagot nang hindi nagpapahalata. Samakatuwid, ay kausap na ng mga pulis ang bantay na guwardya roon habang may ipinapakitang mga litrato nila. Kakatwang hindi iyon namukhaan ng guwardya subalit sandaling nataranta sina Felix at Zander nang hinalughog ng mga pulis ang buong club. Parang ang sayang namumuo sa kabuuan ng club ay bigla na lamang naglaho nang dahil sa mga pulis. Ang ila'y natulala habang ang iba'y nataranta. "Anong nangyayari?" Narinig pa ni Thunder na wika ng isang babae. "May nakapag-report sa amin na minsan nang nagpunta rito ang mga lalaking ito, baka sakaling nandito sila ngayon kaya halughugin ninyo ang buong club at tingnan ninyo kung saan nagtatago ang mga 'yon!" galit na tugon ng isang pulis. Subalit, mas tumindi ang kaba ni Thunder nang mabaling ang tingin nito sa kanya. Walang anu-ano'y binati niya ito para lang sandaling mapawi ang kabang nararamdaman niya. "Hi, mamang pulis, 'di bagay sa'yo ang naka-beast mode.. dapat happy lang!" masayang wika pa niya na ikinakunot ng noo ng pulis. Lumapit pa ito sa kanya upang mas matitigan siya dahilan para mapawi ang ngiti niya. "Sandali, parang may kamukha ka," anito. Pinagmasdan nito ang larawang hawak-hawak at sandaling nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kanyang sarili roon. Nakita niyang parang kinakabahan na rin sina Felix at Zander pero hindi naging dahilan 'yon para sumuko siya. "Ah.." Natawa siya. "Baka naman ho, kamukha ko lang talaga! Marami naman magkakamukhang tao sa mundo 'no, ikaw naman mamang pulis!" Sabay hampas niya rito. At nagsilapitan na rin sa kanila ang mga kasama nitong pulis. "Magandang bakla siya, ah.." puna pa ng isa. Ilang sandali pa ang lumipas at nakapagdesisyon na ang mga pulis na umalis dahil wala naman doon ang hinahanap nila. Wala silang kamalay-malay na naroon ang may-ari na si Angela at nakasalubong nila. "Ano pong nangyari at nakita ko kayong galing sa club ko?" Bungad nito sa kanila. Mabilis naman silang nakasagot kahit na inaasahan na ni Angela ang isasagot nila. "Magandang gabi po, miss. May nakapag-report kasi sa amin na minsan nang nagpunta rito ang mga lalaking 'to," ani ng pulis habang ipinapakita ang mga larawan. "Sino ba ang mga 'yan?" ani Angela. Bagama't may nalalaman na siya ay nanatili pa rin ang hangarin niya na marinig mula sa mga pulis ang dahilan. "Sila lang naman ang mga suspek na matagal na naming hinahanap. Patung-patong na ang kasong kakaharapin nila, maliban sa pagpatay.. at kung sakaling makita mo man sila, maaaring paki-report ito sa amin." Napangiti si Angela. "Makakaasa po kayo, chief.." aniya. Nang makaalis na ang mga ito ay hindi nila akalaing babalikan sila ng tingin ni Angela at isang ngiti ang pinakawala nito. Subalit, hindi pa man sila nakakalayo ay tila nanibago sila sa sumunod na nangyari. "Teka, bakit pa ba tayo nandito? Saan ba tayo nagpunta?" ang sabi ng kanilang chief. Para silang nagkaroon ng amnesia at hindi na mawari kung anong nangyari. "Wala akong matandaan, ang natatandaan ko lang ay magkakasama tayong umalis," sagot ng isang pulis na may malaking katawan. Kataka-taka dahil bigla na lamang nawala ang hawak nilang mga papel na may larawan nila Thunder. Sa isang iglap ay bigla na lamang naglaho sa kanilang isipan ang paghahanap sa mga ito. Samantala ay pinilit pa rin ngumiti ni Thunder sa kabila ng kabang naramdaman niya kanina, pakiramdam niya'y kahit saan sila magpunta ay hindi na sila magiging ligtas pa. Pero para saan pa ba ang pagbabalat kayo nila kung wala rin naman itong naidudulot na masama? Bagkus, ito pa nga ang nakapagligtas sa kanila sa kapahamakan, kahit na marami silang kasalanan sa batas. Sa kanyang pag-iisip ay hindi niya inaasahan na bubungad sa kanyang harapan si Angela. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya ito ay anong kaba ang nararamdaman niya. "Kamusta ang pag-aasikaso sa mga customers?" Napalingon siya rito na nakatitig sa kanyang mga mata. At ewan ba niya kung bakit parang may koneksyon silang dalawa, pakiwari niya. "Ah, mabuti naman po, ma'am! Ang totoo po niyan ay kinatutuwaan ako kanina ng mga customers!" masiglang aniya pero sandaling napawi ang ngiti niya nang ibahin nito ang usapan. "Maiba tayo, sa tingin mo ay bakit nagpunta rito kanina ang mga pulis?" Nagtaka siya sa sinabi nito, ang natatandaan niya kasi ay hindi nito nasaksihan ang nangyari. "N-nakita mo rin ho?" Napangiti si Angela at sumagot ito nang makahulugan. "Walang pangyayari ang hindi ko natutuklasan." Doo'y lalo siyang nagtaka. Pero agad din naman na binawi nito. "O, what I mean is.. hindi malabong hindi ko malaman dahil ako ang may-ari at maaaring ipaalam kaagad sa akin 'yon ng mga guards o ng kahit sinong empleyado." "Ah! Sabagay, bakit ba hindi ko naisip 'yon, maam!" pahapyaw na biro niya dahilan para matawa si Angela. Pero sandaling napawi ang ngiti niya nang magsalita itong muli, "Sa susunod, mag-iingat ka na.. hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging ligtas ka, sa mundo ng mga buhay, s'werte ka kapag natsempuhan ka ng s'werte." Hindi niya alam pero-- ang mga katagang iyon ay naging palaisipan sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD