Chapter 30: Madness

1998 Words

HINDI PA RIN mawaglit sa isipan ni Angela ang kanilang napag-usapan ni bathala kinabukasan. Wari'y hindi niya maintindihan ang kailangang maging kapalit sa kalayaan ni Thunder. "Bakit ako pa?" lihim na tanong niya sa sarili. Subalit nagkukubli naman ang munting saya dahil may pagkakataon siyang makasama ang kanilang anak na si Ada ng matagal. Ngunit, mas matimbang pa rin ang kaniyang pag-aalala kay Thunder kapag iniwan niya itong mag-isa sa lupa. Ilang sandali pa ay nagisnan niya si Ada sa kaniyang tabi. Nang mapatitig siya rito ay hindi niya maiwasang isipin na nalalabing araw na lamang ang itatagal nito sa lupa dahil nakatakda na itong kunin ni bathala. Hindi niya alam kung sa paanong paraan ngunit kailangan niyang tanggapin ang kanilang naging kasunduan ni bathala-- maging ang kaniyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD