SA KABILA nang mahigpit na yakap nina Thunder at Angela sa kalaliman ng gabi ay bigla na lamang sumagi sa panaginip ni Angela si bathala. Upang doo'y kausapin siya. "Kumusta, Angela? Kinalimutan mo na ba talaga ang pagkatao ni Gia na iyong hiram na katawan lamang?" Iyon ang mga katagang sinabi nito sa kaniya mula sa panaginip. "Patawad, panginoon, ngunit mas kailangan kong mabuhay nang hindi nagkukunwari sa kapwa. Batid ko naman na malaki ang utang na loob ko sa katawan ni Gia, dahil kung hindi sa kaniya.. ay hindi ako mabubuhay ng normal." "Ibig sabihin ba nito ay tinatalikuran mo na ang iyong paglilingkod sa akin? Na mas pipiliin mo na lamang ang buhay riyan sa lupa?" Dahan-dahan siyang napatango. "Patawarin mo ako, panginoon. Pero buo na ang aking loob at hindi na po ako umaasa na m

