Binuhay ni Brady ang makina ng kanyang kotse. It worked like a convertible, except the locks and lift activated from inside the car. That way, he never had to screw around when the sky was pouring buckets or he was in a rush to load bulky sporting equipment.
Kasalukuyang nasa interseksyon sila habang naghihintay ng "Go" signal. Nang maging berde ang traffic light ay agad na kinabig ni Brady pakaliwa ang manibela.
"What are you doing?" Kunot-noong tanong ni Savina.
He tossed her an innocent look. "Driving to the hospital."
"May ginawa ka ba sa traffic light? Ba't ang dali lang yata nag go signal ulit?"
"Hinipan ko lang." Nakangiting saad ni Brady.
"Give it up, Dimples. Hindi na ako naniniwala sa trick na iyan maliban nalang kung isang grade one ang inuuto mo."
He grinned. Hindi niya na kasi ito napagtripan ulit simula ng pumasok siya sa PMA. "MIRT ang tawag niyon...a mobile infrared transmitter hidden in the grill. Katulad nalang sa ilang emergency vehicles na alam ko. Nakapagpabilis talaga ito sa pag go ng traffic signal."
"And you're all about fast." Her frown deepened. "Pero hindi naman emergency vehicle itong sasakyan mo."
"Pag may okasyon lang. Relax ka lang, sweatheart, okay?" Kinuha niya ang iPod mula sa dashboard at ibinigay ito sa dalaga. Alam niya kasing musika lang ang magpapa relieve nito kahit gaano man ito ka stressed.
When she listened to music, he used his secured handheld unit to call Divine Grace Hospital. He also tracked down his brother Leo's friend at the NBI. Gusto niya kasi ang isang government agent na mapagkakatiwalaan niya sa kaso.
Tinapos muna niya ang tawag saka niya tinapik si Savina sa balikat. Tinanggal agad ng dalaga ang earphones at tsaka sinuri naman niya ang sugat nito na tinakpan niya kanina ng bandage. Buti at hindi na dumudugo ito. "Bakit ba akala ng mga gong-gong na iyon na may ipinadala sayo ang lolo mo?"
"Dahil meron talaga. Pero kung ibibigay ko kasi iyon sa kanila, alam kong papatayin din naman nila ako."
"Alam ko. So, kung ganoon, ano ang ipinadala sayo ng lolo mo?"
"Hindi pa ako nakauwi ng bahay ng dumating ito. After Grandpa died, I was busy with funeral arrangements, upset and distracted. Tuloy nakalimutan ko na may nilagay pala si Darwin sa compartment ko."
"Sinong Darwin?"
"Kapitbahay ko siya na isang bumbero. At maaasahan ko talaga siya."
He shot a death glare at the speedometer. He was pushing fifty in a thirty-five.
Savina giggled. "Don't worry. The only fire he doused was on my kitchen stove."
Apparently, his poker face had been flushed down the crapper with his detachment. He shook his head to clear the enraged buzz. So why did the idea of another man's hand on her send him into a tailspin?
Agad na lamang niyang binalik ang unang paksa nila. "So, wala ka talagang ideya kung anong laman ng package?"
"Wala. Pero nitong nakaraang araw may natanggap akong tawag mula sa isang babae, pinaalalahanan niya ako tungkol doon. Tiyempo naman na dumating sa araw na to ang mga goons na iyon sa pamamahay ko."
He scowled. "Baka naka tapped 'yang phone mo."
"Ito pang isang weird na scenario." She hesitated. "Ever since Grandpa died, I've had the feeling someone is watching me. Minsan nga makakita ako ng di kilalang sasakyan na naka park sa tapat ng bahay ko. Hindi naman sila magtatagal, pero napapansin ko na iba-iba ang sasakyan na ginagamit nila. At m
ay hinala ako na minamatyagan nga nila ako."
Napahigpit siya ng hawak sa manibela. Naisip kasi niya na habang pinoprotektahan niya ang ibang tao, kasabay naman niyon ang nanganganib na buhay ni Savina. "Bakit hindi mo man lang tinawagan ang mga kuya ko? Pwede ka nilang matulungan sa kagipitan."
"Sinabi ko na kay Dad ang lahat. But I had nothing tangible. Sabi niya stress lang daw to'. O di kaya pagdadalamhati."
"Damn it, Savina. Magkakilala na tayo simula pa noong bata. Pamilya na ang turingan natin sa isa't isa. Matutulungan ka ng mga kapatid ko kung hihingi ka lang ng tulong sa kanila." Nakokonsensiya na tuloy siya sa nangyari kay Savina. He should have been there to help her.
"What could they have done? Anyway, hindi na tayo bata eh." Malumanay nitong saad. "At hindi na tayo 'yong pamilya na iniisip mo noon."
Mali siya. "Kung alam mo lang na hanggang ngayon ay hinahanap ka pa rin ni Mommy. Mahal na mahal ka niya na parang totoong anak, Savina. At napapamahal ka na rin ng mga kuya ko na parang little sis nila."
"Eh ikaw, anong tingin mo sakin?"
He hesitated. "Hindi kita...kailanman itinuring na kapatid."
Namilog ang mga mata ni Savina sa itinuring niya. "Kung ganon ano ang turing mo sakin?"
"Isang matalik na kaibigan." Mabilis niyang turan at agad na iniba ang paksa. "Sa ngayon, wag mo munang ipagsabi kanino man ang tungkol sa package na natanggap mo mula sa iyong lolo. Kahit na sa mga imbestigador."
Her jaw dropped. "Brady Steven Roque, did you just tell me to lie to the cops?"
"I advised you to censor sensitive intel." She shot him a wry look and he rolled his eyes. "Look, kailangan mo talagang magsinungaling, okay? If the men who attacked you were government spooks, we don't know who else is involved. Hanggang sa malaman natin kung ano talaga ang laman ng package na iyon, dahil hindi tayo basta nalang magtiwala sa kung sino."
"All right, sa ating dalawa lang 'yon. Sa ngayon."
During the short remainder of the drive, he grilled her about the past few months events.
Nang makarating na sila sa hospital, kaagad na naghanap ng parking slot si Brady at ang nakita niya ay 'yong for physicians only. Ignoring Savina's objections, he carried her to the entrance, where he commandeered a wheelchair. He bypassed admitting and pushed Savina's wheelchair into a cubicle. Berna, the head nurse, skewered him with her gaze. "Sa tingin ko, mukhang hindi pa yata nakukunan ng vital signs yang pasyente mo, cowboy."
"Sure I do. Otherwise, I'd be dead." Palusot pa ni Savina sa mapanuring head nurse. Kung talagang pilya lang ito si Savina baka na kick-out na nga ito sa medical school. At least, napatawa siya nito ah.
"Twenty-eight-year-old female, pulse 120, pupils normal and reactive. Laceration and hematoma from a blow to the right front skull quadrant at approximately thirteen hundred hours." Pahayag pa ng dalaga.
Wala ng nagawa pa ang head nurse at iginiya na nito si Savina sa higaan. Two more nurses entered, and Brady turned to walk to the foot of the bed.
Hinagip naman ni Savina ang pala-pulsohan niya. "Wag mo akong iwan, please."
Parang piniga naman ang puso niya sa pakiusap nito. "Hindi ako aalis, dito lang muna ako sa tabi mo."
Nagmamadali namang pumasok sa cubicle na iyon si Dr. Matteo Miranda. "Savina! Are you all right?" Hindi na ito naghintay na sagutin pa ni Savina. "I want current vitals." he said to the nurses. "Order a blood panel, neurological work-up and CT scan."
"Dad, I'm okay."
"Papuntahin niyo agad rito si Miguel para masuri niya ang laceration ni Savina. Pati na rin si Franco sa neurology division para mabasa ang film."
"Dad!" Savina sat up. "Wag mo nang abalahin pa ang ibang doktor. Nauntog ko lang naman itong ulo ko."
Nag-abot ang kilay ng doctor na ama ni Savina. "I was told gunshots were fired."
Mabilis namang pinahiga ulit ni Brady si Savina sa bed. "Maghuhunusdili po muna kayo. Hindi naman po ganon ka seryoso ang injury ni Savina."
"I'll ascertain what's serious." Dr. Matteo Miranda slapped Savina's chart on the countertop. "You fly back into town for what--an hour? And already she's been injured in a gun battle."
Napahigpit naman ng hawak si Brady sa metal railing. "Kung sana pinakinggan niyo lang si Savina tungkol do'n sa mga taong pinaghinalaan niya, hindi sana umabot sa punto na mabaril siya."
"So instead, you would have cooked up one of your schemes...and she'd be in the morgue."
"Dad," Napabangon ulit si Savina at hinarap ang ama. "What happened today had nothing to do with Brady." Siya naman ang hinarap ng dalaga. "As for you, I'm responsible for myself." Her glare fried them both. "Hindi na ako bata, kaya ko na ang sarili ko. Kaya chill lang kayo."
He awkwardly patted Savina's shoulder. "When the call came in, I thought you were--" His mouth trembled, and he turned aside.
Alam ni Brady ang pakiramdam ng ama ni Savina, dahil kung labis siyang nag-aalala sa nangyari sa dalaga, how much more ang nararamdaman ng ama nito.
"Nauntog lang po ni Savina ang ulo nito sa doorjamb." He tried to penetrate the father's terror. "She's lucid and her vitals are stable. Ang tanging injury lamang po niya ay ang minor laceration sa kanyang noo."
Ngunit binigyan lamang siya ng matapang na titig ni Dr. Miranda. "I'll take care of her. Then I want a word with you, outside." Huling sabi ng doktor at lumabas na ito.
*****