"Savina."
Unti-unti na siyang nagkaroon ng malay. May lalaki naman siyang narinig na tumatawag sa pangalan niya.
"Naririnig mo ba ako?"
Was she hallucinating? O patay na siya?
"Savina, gumising ka."
"P-pa..."Ngunit halos hindi pa niya mabuka ang bibig niya. "Patay na ba ako?"
"Hindi, sweetheart. Buhay na buhay ka."
Napapitlag siya. Kilala niya ang baritonong boses na iyon. Pilit naman niyang idinilat ang mga mata. Kahit malabo pa ang nakikita niya pero agad niyang nakilala ang mga matang nakatitig sa kanya ngayon. Hindi lang iyon, pamilyar din niya ang mukha ng lalaki, lalo na ang senswal na mga labi nito.
She blinked at the hovering man in camouflage. "Brady?"
Si Brady nga ang lalaking nakasalubong niya ngayon ng tingin. Hinding-hindi niya kasi malilimutan ang mapupungay na mga mata nito. "You're gonna be fine."
"Ngayon alam ko nang hindi pa nga ako namatay. Dahil ikaw ang anghel ko."
"Hindi naman ako mukhang anghel." Napawi ang lahat ng pangamba niya nang malinaw na niyang nakikita ang gwapong mukha sa harapan niya. "Hindi bagay sakin ang magkaroon ng halo."
Gunpowder stung her nostrils, mixed with the metallic tang of blood. Medyo naramdaman na rin niya ang pagkirot sa ulo niya. "Ow." Napakunot-noo siya sa sakit. Idiniin naman ng lalaki ang palad nito sa noo niya at pinakiramdaman. Mukhang nag-aalala ito sa kanya ah? Tila nakaramdam din kasi siya ng sobrang ginaw kaya hindi niya makontrol ang panginginig sa buong katawan niya. "Tumawag ka ng ambulansya."
"Sweetheart, huminahon ka, isa rin akong medic." Nakangiting wika nito sa kanya. "Hindi ka naman nabaril. Nauntog lang 'yang ulo mo sa doorjamb."
Nandito nga si Brady. Ang lalaking tagapaglitas niya noon paman. Ikinulong naman sa magkabilang palad nito ang mukha niya. Ngunit hindi pa rin tumigil ang panginginig niya. Lalo pa't naalala niya ang dalawang lalaki na nagtangka sa buhay niya. "May dalawang lalaki. Pareho silang may dalang baril." Aniya at pilit siyang bumangon.
"Stay still." His big body filled her field of vision. "Na neutralized ko na ang tangka sa buhay mo."
Hindi kaya 'yong narinig niyang putok ay galing sa baril ni Brady? "Ibig mong sabihin patay na 'yong mga lalaki?"
His features hardened from caring friend to lethal soldier. "It was them or you. Pero ikaw ang pinili ko." His dual nature never failed to fascinate her. Naisip niya iyan dahil Gemini ang zodiac sign nito. Para sa kanya pareho kasi itong manggagamot at mandirigma.
"Papatayin ka sana ng mga taong iyon, Savina. Mabuti nalang at agad akong nakarating. Malas lang dahil hindi ko muna sila na interrogate kung bakit pinagtangkaan nila ang buhay mo. May narinig kasi ako sa pinag-usapan ninyo. Wala ka ba talagang ideya tungkol sa hinahanap nila?"
"Wala." Hindi niya maaring sabihin ang totoo kahit pa kay Brady. Oo, niligtas nito ang buhay niya pero ayaw kasi niyang madamay pa ito. "Tumawag ka na ba sa estasyon ng pulis?"
"Tatawag lang ako pag masiguro ko nang okay ka na."
"Paano ka ba nakapasok sa bahay ko?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Hindi mo na kailangang itanong 'yan."
"Para alam ko kung paano kayo nakapasok sa bahay ko. Paano kung may makakapasok na naman na mga masasamang loob sa bahay ko?"
"Eh di, ako na ang bahala sa kanila."
Her glance drifted to the Glock holstered on his thigh, then back to the glittering in his eyes. Matigas man ang ekspresyon sa mukha nito, pero batid niyang malambot ang puso nito. "Thank you." Malumanay na saad niya.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko." sagot nito.
Sinuri naman niya ang mukha nito kung wala ba itong galos sa pakikipag-engkwentro sa mga lalaking iyon. "Hindi ka ba nasaktan?"
"Bala ang hinaharap ko sa araw-araw." Ang maiinit nitong mga palad ay humahaplos sa kanyang mukha. "Wala ka ng dapat ipag-alala sa kalagayan mo kasi malakas ang vitals sign mo. Magpahinga ka nalang muna at ako na ang bahala sa lahat."
Iyan naman ang palagi nitong ginagawa sa kanya. Gagamutin nito ang mga sugatang hayop at hahanapan ang mga ito ng bagong tagapangalaga. Katulad din sa isang sugatan na tao na ginagamot nito at ihahatid ito sa kanilang bahay na ligtas. "Am I bleeding?"
"Nagamot ko na kung anuman ang sugat na meron ka." Anito saka ginagap nito ang dalawang kamay niya. "Humawak ka ng mahigpit sakin dahil babangunin na kita."
Napansin naman niya na punit na pala ang suot niyang damit. "May ginawa ka ba sa damit ko?"
Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Wala na kasi akong oras para maging choosy."
"Sorry." Aniya at iniwas na niya ang tingin dito.
Inalis naman nito ang comforter na nakatabon sa katawan niya. "Teka lang, dahan-dahan muna sa paggalaw."
"Gaano ba kalala ang natamo kong injury?"
"Basta dahan-dahan ka lang sa paggalaw para hindi ma pressure ang sugat mo." Sabi nito sabay hawak sa kamay niya. Hindi na rin siya nanginginig pa. Pero bakit parang masyado itong nag-aalala sa kanya. "Hindi naman malala ang sugat mo. Ano na ang nararamdaman mo?"
"Para lang naman akong nadaganan sa isang 190-pound na SWAT cop."
"That's my girl." Sabi nito at malapad itong napapangisi sa kanya.
Juicecolored! Natunaw na naman ang puso niya rito. Lalo na't sa tuwing ngumingiti ito ay lilitaw ang magkabilang dimples nito. "Did you at least call an ambulance?"
"Hindi na kailangan." Binalot siya nito sa comforter at inalalayang bumangon. "Eighteen minutes lang naman ang layo ng Divine Grace hospital mula rito."
"No doubt." Alam niyang magaling talaga ito sa lahat ng bahay.
Ang hindi lang niya inasahan ay ang buhatin siya nito kaya nabigla siya sa ginawa nito. "Wag ka nang maarte pa, Savina."
Sa sinabi nito ay kusa na lamang siyang nagpaubaya rito. She pressed her check to his broad chest and inhaled his familiar scent of fresh citrus and warm man. Ang lakas din ng kabog ng dibdib niya. Habang malalaki naman ang mga hakbang nito na tila wala lang dito ang bigat niya. "Teka, naiwan ko pala sa kotse ang medical bag ko. May first-aid kit ka ba rito?"
"Oo, nasa bathroom cabinet."
Inilapag siya nito sa sofa. "Babalik din agad ako." At gaya sa sinabi nito ay nakabalik din ito agad. He found gauze, and then tugged a Swiss Army knife from his cammo pants pocket to slice the tape.
"Brady?" Sambit niya. "Bakit wala man lang kaming narinig tungkol sayo mga ilang buwan na ang nakalipas?" Napag-alaman din kasi niya mula sa kanyang sister-in-law na naka leave raw si Brady sa SWAT sa mga panahong wala silang balita rito.
"Naging busy lang ako sa mga nakalipas na buwan. May inaasikaso kasi akong mga personal na bagay."
Ano naman kaya ang pinagkaabalahan nito? Sana lang hindi ibang babae. Eh ano naman ngayon Savina, hindi mo naman siya nobyo? Wala ka ring karapatang magtanong sa kanya.
But the flash of a bullet fired at her head had illuminated her perspective. Kailangang ma settle niya ang ilang mga bagay kay Brady, once and for all. Kahit hindi pa niya magugustohan ang isasagot nito.
Ginagap naman niya ang mga kamay ng lalaki. "Saan ka ba nagpunta sa mga panahong iyon? At paano ka nakarating dito in time para iligtas ako?"
*****