Milcah`s POV “Here, eat this.” Agad sumilay ang malaking ngiti sa `king labi nang ilapag ni Ranger ang fried chicken at steak sa harap ko. “Thank you!” masayang sambit ko habang nakatingin sa pagkain. Damn, I`m already drooling just by looking at the food. May unli gravy pa ako kaya naman tiyak na masisira na naman ang diet ko nito. “You really like those?” tanong ni Rangrr sa `kin sabay turo sa pagkain ko. “I love `em! Kung pwede lang na araw-arawin kong kainin ang mga `to, e!” Hindi naman kasi pwede kasi hindi na healthy. “Do it and you`ll die early,” he commented. “Alam ko naman kaya hindi ko nga kinakain araw-araw `di ba? Epal ka talaga. Anong tingin mo sa `kin? Hindi nag-aral ng Health noong high school?” mataray na pahayag ko. “Kaunti lang ang sinabi ko pero ang dami mo nang

