Milcah's POV Kanina pa ako naiinis dahil sa dami ng pinapagawa niya sa akin. Wala pa ang secretary niya kaya naman ako lahat ang gagawa sa mga dapat na gagawin nang secretary ni Ranger. “Pwede bang ipagawa sa secretary mo `tong mga natira? Ayoko na, pagod na pagod na ako!” reklamo ko at humalikipkip. Tinapunan niya ako ng tingin pero saglit lang `yon dahil nag-focus ulit siya sa binabasa niya. “Nope. She`s on sick leave so you have to accomplish all the tasks I gave you,” aniya. Palihim ko siyang inismiran dahil sa inis. “Galing, ah! Hindi ako robot kagaya mo kaya hindi ko kayang tapusin agad ang mga ito!” Ang sakit na nang ulo ko. After naming kumain, nag-trabaho agad ako dahil `yon ang utos niya. Gusto yata niyang maging kagay ako siya pero hindi pwede, kailangan ko ng rest! “Just

