Gio's POV Kinabukasan pag kagising ko ay siyang ganda ng umaga ko. Pag baba ko ng kama ay uminat-inat pa ako at humina ng malalim. Nilingon ko ang dalawa kong kapatid na nahihimbing pa rin sa pagtulog. Dahan-dahan at tahimik akong naglakad papalabas ng kwarto at bumaba. Binuksan ko ang mga bintana at kurtina. Saka ay pumunta na ako sa kusina para magluto ng almusal. Habang nagluluto ay kumakanta-kanta pa ako at sumasayaw. Kung may makakakita siguro sa akin ay aakalain na nasisiraan na ako ng bait. Napapatawa ako at napapangiti ng abot hanggang tenga sa tuwing ma-aalala ko ang mga nangyari kahapon sa Tagaytay. Isang dream come true talaga ang nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakarating ako doon at nasakyan ang lahat ng rides na pinagpapantasyahan ko noon. Lalong la

