Gio's POV "Oh sige na, pupunta pa ang ate mo kila Dev.." Awat ni mama, naramdaman ko ang pamumula at pag-iinit ng mga pisnge ko. Bakit ganon? Ano ba tawag dito?Blush? Jusko! Jesus oh lord! Kinikilig na ako kay Dev?! Masamang pangitain ito! Natapos na kaming kumain at nag bolontaryo si Zander na maghuhugas. Himala! Naligo na ako at nag-ayos bago magpaalam kila mama at papa na aalis na ako. "Manong bayad po.." Iniabot ko ang baryang pang bayad ko sa dalagang malapit sa driver at muling itinuon ang atensyon sa cellphone ko. From Pollyn Ano na mga Chang? Busy pa rin? Ano?Wala kayong balak mag ano? Bar? Tara hanap tayo pogi. From Rio Busy as usual, ate Mode. Napatawa ako ng bahagya, ate Mode? Ate rin naman ako, pero hindi ganoon busy sa mga kapatid. Dahil na run siguro na malalaki a

