Gio’s POV "Finally ate..Tara aayusan na kita." Ani niya at hinigit ako para umupo sa bangko sa harap ng salamin. "I'll make it simple ate, para mas magtuon ng pansin ang mga tao sa damit mo. At nahiram ko na kay kuya Zander ang kwintas.” Ani niya habang nilalagayan ako ng make up sa mukha.. Nang matapos siya sa pag lalagay ng make up sa ‘kin ay ang buhok ko naman ang ipinuyod niya lang ito sa isang mataas na ponytail at nilagyan ng sangkaterbang hair gel para daw walang aangat na baby hair ko. "Saan mo naman natutunan ang nga 'to?" Tanong ko sa kaniya.. "Ate naman, kulang nalang ng malalaking salamin sa classroom namin parlor na yun.." Sagot niya sakin at napatango nalang ako.. Sa wakas at naka tayo na rin ako. Inilagay ko ang kwintas ni Zander na mukhang kadenang ginto at isinuot

