Gio's POV Utay-utay kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw sa mukha ko. "Ate, bumangon kana daw.” Mungaw ko pang tiningnan si Cat na nakatayo sa tabi ko.. "Anong oras na ba?" Tanong ko at muling humiga.. "Alas otso..” Bigla akong napabalikwas at bumangon. Pero agad din akong napaupo. "Dahan-dahan ate.." Ani ni Cat at tinulungan akong tumayo.. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba, pag dating namin sa hapag ay andun sila mama, papa, at Zander na hinintay kami. "Congrats Ate! Naka survive ka sa unang pag wa-walwal mo!" Sigaw ni Zander, agad naman siyang naka-ani ng hampas mula kay mama.. "Oh Gio, inumin mo ‘yang kape, para mawala na ‘yang natitirang kalasingan sa katawan mo.” Ani ni mama at itinuro ang kape sa harapan ko.. Tumango ako at yun agad ang akin

