14

1957 Words
Gio's POV "Chu Gio.. makungkot ka ata." Bungad sa 'kin ni Ian na kaka-upo lang sa tabi ko, napa-igtad ako sa biglaan niyang pagsasalita. Na-space out kasi ako kanina habang naka tingin sa may bintana kaya hindi ko namalayan ang pag dating niya. Napatawa ako ng bahagya. "Chu Ian.. ayos lang ako." Sagot ko sa kaniya, Chu Ian ang tawag ko sa kaniya, nagsimula lang 'yon nung minsang mag kasama kaming apat nila Rio, Pollyn, at ni Chu Ian. Sabi nila Pollyn ay hindi daw magandang pakinggan kung 'Chang' din ang tawag ko kay Ian. Kaya Chu nalang. "Hey Gio..." I looked up to see Vernon na kakadating palang, ibinaba na niya ang bag niya at umupo sa dating upuan ni Dev. Wait! Hindi ko dapat inaalala ang diablo na 'yun, mabuti nga at wala na siya. Wala nang alagad ni satanas ang umaaligid sa 'kin. Anghel na ngayon ang naka upo sa tabi ko at ginagabayan ako. Ibang iba si Vernon sa diablo na 'yun. Kung ang diablo na 'yun ay nuknukan ng sama ng ugali at sama ng budhi. Itong si Vernon ay nuknukan ng bait, gwapo, malambing na boses, saan ka pa?! "Uyy Alex pare.. mamaya nga pala may practice tayo, ha?" Turan ni Ian at kinawayan pa si Vernon. Bakit Alex ang tawag niya? Alex ba talaga dapat? Ako lang ba ang tumatawag sa kaniya ng Vernon? Hindi kaya ayaw niya na tinatawag siyang Vernon pero nag titimpi lang siya sakin? "Ano meron? Bakit kayo may practice?" Tanong ko, at tsaka kailan pa naging close ang dalawang ito? Eh mukhang dugong bughaw si Vernon habang kami ni Ian ay pulang dugo lang ang meron. "Hindi ba niya alam?" Tanong ni Ian kay Vernon. Napatingin ako kay Vernon, nag kibit balikat ito at ngumiti sakin. Ack! Ang gwapo talaga! "Ano kasi Gio... si Alex kasi, kabanda ko sya. Mag kasama kami sa Music Club.." Nanlaki ang mata ko, si Vernon?! Nasa music club?! Wait! "Anong position niya?" Tanong ko habang pinipigilan ang sarili na mag sisigaw at mag eskandalo. Kapag bokalista si Vernon ay magwawala talaga ako! "Vocalist," Napatingin ako kay Vernon. V-Vocalist?Katapusan ko na ba? Nakangiti pa rin siya sakin at ang nga mata niya ay hindi ko na makita. Ang pagkaka banggit niya ng salitang vocalist ay sadyang nakaka humaling. Ang accent niya ay napaka gandang pakinggan. "Uh...g-ganun ba? Pwede ba ako sumama?" Tanong ko, na-utal ka pa talaga Gio?!! "Pwede namanC after class ehh. Pwede kaba?" Tanong ni Vernon... bakit kasi ganun siya mag salita?! Ang sarap pakinggan ng boses niya! Hindi na ako magtataka kung bakit siya naging bokalista. "Oo naman.. hehe." Nahihiya kong turan, nakita ko ang pag ngiti ni Vernon. Kapag hindi ka talaga tumigil sa kaka ngiti ay ma-uulol na ako dito. "Good morning class.." Agad nabaling ang tingin naming tatlo nang pumasok na ang guro. Panira ng moment Eh! Ang ganda-ganda ba ng ngiti ni Vernon. Nasa kalagitnaan kami ng third period sa umaga nang mayroon biglang kumatok. Naagaw ang attensyon naming lahat maski ang prof namin. "Oh.. Mr.Altairavez why are you here?" Tila ang tumigil ang mundo ko. A-Altairavez?! Bakit siya bumalik?! Bakit kapa bumalik?! Masaya na ako ehh!! Bakit ka ganiyan?! Matapos mong ilang linggong wala dito sa classroom tapos babalik ka? Hindi tama 'yun Dev! Pinasaya mo lang ako ng kaunting panahon tapos ano?! Babawiin mo din ang kasiyahan na 'yon?!! "Can I talk po with Ate Gio?" Natigilan ako sa pag mamaktol sa utak ko. Ang boses na iyon, hindi iyon pag mamay-ari ng diablong Altairavez. Kundi ng bunso. "Ms.Barzuelo.. please kindly stand and talk with Mr.Mile Altairavez. Come on.. don't make him wait." Utay-utay akong tumayo... bakas pa rin sa mukha ko ang gulat at pag tataka. Nakalapit ako kay Mile at lumabas kami ng classroom. "Salamat po ate Gio for letting me talk with you kahit konti lang po.." Conyo nitong turan, ang Altairavez talaga na ito ay iba ang accent pag dating sa pag tatagalog. "Ah.. Oo nga po pala, please give this to Pollyn po. I'm shy po kasi to give it to her.." Ini-abot niya sakin ang isang kahon na nag lalaman ng mga cookies at different pastries. Hala ang dami! "Parang ang dami naman nito Mile, tsaka, bakit mo bibigyan si Pollyn ng ganito?" Taka kong tanong, anong pumasok sa utak ng bunsong Altairavez na ito at bibigyan ang impaktitang iyon ng cookies? Hindi kaya.. gagayumahin ni Pollyn si Franz at inilagay ito sa pagkain ng supladong Altairavez pero aksidenteng ang bunso nila ang naka kain? "Because... I mean, kasi po.. tinuturan niya ako mag speak ng Tagalog. " Kumunot ang noo ko.. si Pollyn?Tinuturan siya mag Tagalog? Bakit parang na alala ko lang na sinasabi sakin ni Pollyn na 'wag kong babanggitin ang pangalan ni Mile sa harap niya? Eh 'yun naman pala ay tinururuan niya ito. "I have to go now Ate Gio.. bye bye!" Humaripas na I ito ng takbo paalis at naiwan akong takang taka. Nakakunot panrin ang noo ko at hindi lubusang maisip na tinu-tutor ni Pollyn si Mile. "Ms.Barzuelo, Mr.Altairavez already left. Baka gusto mong hindi na pumasok sa klase ko.." Nahimasmasam ako at agad na pumasok sa classroom nang sitahin ako ng guro namin. "Yes ma'am..I'm sorry." Sabi ko habang napadaan sa harap niya at dumiretso na sa bangko ko. "Ikaw Gio ha! Nang babata ka.. 'yung bunso pa talagang Altairavez." Pang aasar ni Ian.. napa-irap ako at itinuon ang attensyon sa harap. "Ano 'yan? Cookies? Pahingi ako?" Akmang aagawain na sana ni Ian ang kahon ay inilayo ko ito. "Tangi! Hindi para sa 'kin 'to!" Turan ko at nag pout si Ian.. cute naman siya. Mapang-asar nga lang talaga minsan. "Ms.Barzuelo! Mr.De Castro.. maling desisyon na mag-usap sa klase ko.. detention after class!" Nanlaki ang mata ko at nag katinginan kami ni Ian. Patay na! May practice pa sila mamaya! Manonood pa ako! Hindi ko mapanood si Vernon na kumanta, ahh! Nakaka-inis! Bwiset talaga si Ian! "Maam they're not chit chatting.. nagtatanong si Ms.Barzuelo kung anong na missed niya while kausap niya si Mr.Altaiarvez. You misunderstood it.. iba ang naririnig niyo sa naririnig ko, katabi ko lang sila ar hindi sila basta nag kekwentuhan lang." Naibaling ako kay Vernon ang tinginthe ko. Seryoso ang mukha nito at hindi mo na halos makita any kaninang napaka anghel niyang mukha. Para na siyang si Franz sa mga oras na 'to, pero mas gwapo siya syempre. "If that's the case Mr.Salazar, fine. You're not going to detention later Mr.De Castro and Ms.Barzuelo." Ani ng aming prof, bakas din sa mukha niya ang kahihiyan dahil sa sinabi ni Vernon. "Salamat.." Bulong ko kay Vernon habang nagsusulat. Parehas kaming naka-ubob sa arm chair namin. Napangiti lang siya af hindi na ako nilingon. Kahit side profile lang ng mukha niya ay gwapo pa din! - Fourth period na namin sa hapon at malapit nang matapos ang klase sa araw na ito. Sa wakas ay mapapanood ko na din sila Vernon at Ian na mag practice. "Tapos na.." Bulong ko at inilapag ang lapis ko at napasandal sa sandalan ng bangko ko. May ipina-sketch kasi samin ang guro namin. Buti nalang ay magaling ako sa ganito lalo na sa pag-iisip kaya kapag may mga biglaang ganito ay hindi ako nahihirapan. "Anyone done?" Tanong ng prof namin.. at siyempre ako itong proud sa sarili ko na tapos na ay nag taas ng kamay. "That's good Ms.Barzuelo.. kindly give me your work." Inilahad ng prof namin ang kamay niya. Kinuha ko ang sketch pad ko at dinala iyon sa kaniya. "Your work is pretty interesting Ms.Barzuelo. I'm sure you'll be a successful architect one day." She said while checking my work "Thank you po." Sagot ko and she smiled. I was about to go back to my seat when she stopped me. "Ms.Barzuelo.. kindly please deliver this to the other building." I walked back at her and looked at the appear she's handing me. "What particular building Maam?" Tanong ko ng tuluyan nang malipat sa kamay ko ang papel na kaninang ini aabot niya sakin. "Sa Business Management building.. second floor second room from the stairs." Ani niya at tumango lang ako. She thanked me and I walk back to my seat para ibalik ang gamit ko "Psst Gio.. san ka?" Tanong ni Ian na nag-angat ng tingin sakin mula sa sketch pad niya. "May ini utos lang si Maam, hintayin niyo akong dalawa ha?" Turan ko at tumango siya, nang maiayos ko ang gamit ko ay lumabas na din ako ng classroom. Naka-alis na ako ng architecture building at nag tungo na sa Business Management building. Halos mag kasing laki ang business management building at architecture building. 'Yun nga lang ay mas maganda at mas masarap ang buhay ng mga estudyante sa Business Management building. Andun kasi ang dalawang Altairavez, si Franz at Mile. Mga Altairavez din ang may ari ng school na ito kaya hari ang tatlong 'yon dito. Pero hindi naman matapobre ang dalawa. Sa Dev lang siguro. Nang makarating ako sa classroom na tintukoy ng guro namin ay kumatok ako. "Good afternoon po.. pinabibigay po ni Mrs.Kichoso." Lumapit sakin ang guro at kinuha ang binigay ko. "Paki sabi salamat.. you may now leave." Turan niya at umalis na sa harap ko. Nagpa tango-tango ako at umalis na rin. Ayaw ko pa bumalik sa classroom namin. Tapos naman na ako at may fifteen minutes pa before kami mag dismissal. Nag lalakad ako sa hallway ng Business management building nang mapansin ko ang isang pinto ng classroom. Iba ang aura neto sa ibang pintuan sa building na ito. Tago ito at hindi mo mahahalatang May classroom sa parte ng building na Ito. Hindi kasi pang karaniwang building na makikita niyo sa ibang School. Para itong isang dome at nasa loob nito ang mga classroom. Hindi katulad ng ibang building na parang simple lang at pag labas mo ng pinto ay makikita mo na ang kabuuan ang school niyo kung nasa mataas kayo na parte. Sinilip ko ang loob, magulo ito at may mga naka tumbang bangko at lamesa, ang blackboard ay puro sulat at may nga spray paint sa pader. Isa itong abandonadong classroom. Dahan-dahan kong inabot ang door knob at utay-utay itong pinihit. Laking gulat ko ng mabuksan ko ito. May kadiliman ito sa loob kaya pilit kong hinanap ang switch ng ilaw. Nang matagpuan ko ito ay lahat ng switch ay pinindot ko. Sa anim na switch na pinindot ko ay apat na ilaw lang ang nabuhay. Sinara ko na ang pinto at pumasok. Nag lakad-lakad na ako at pinag masdan ang mga gamit dito. Hindi naman mukhang mga sira ang gamit. Pero halatang ginulo ito.Ano kanyang nangyari dito? Kung ano-anong senaryo na ang pumasok sa isip ko, what if may pinatay dito? What if may hostage na naganap dito? What if may kaguluhan na naganap. What if may multo!! Nagsimula na akong kabahan at buo-buong pawis ang namuo sa noo ko. What if may.. may pinagsamantalahan 'wag naman po sana! Niyapos ko ang sarili ko at tumingin sa paligid. Wala naman mga tali o posas dito para pagtalian. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pinto na sumara. Pero sinara ko na iyon kanina?! Patay na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD