Dev's POV
"Pagkain ba yan sa cafeteria?" Tanong ko ng maka upo sa harap nila at nakita ang kinakain.
Lasagna, chicken wings, onions rings and coke. Malabong maghain ng ganun ang cafeteria. Palaging balanced ang pagkain doon at bawal ang mga junk foods. Pero wala rin namang silbi ang patakarang ito. Marami pa rin ang bumibili af kumakain ng junk foods. Gaya nalang ng dalawang mokong na 'to.
"Kanino kayo nagpahatid nito?" Tanong ko at nagsimulang kainin ang lasagna na nasa harapan ko.
"Sa driver natin malamang, hindi naman pwede mag pa deliver dito." Walang kabuhay buhay na sagot ni Franz, pero may bahid ng inis ang boses nito.
Bakit nanaman kaya inis ang lalaking ito? Parati naman itong inis, mabilis at madalas mainis. Hindi na ako mabibigla kung walang araw na hindi Ito nagagalit.
"Ano nanamang nangyari sa'yo? You seemed pissed." Tanong ko sa kaniya, ang mokong hindi manlang nag angat ng tingin.
"Nung sunduin ko kasi si kuya Franz sa-
"Shut up Mile!" Hagalpak ni Franz, parehas kaming natigilan ni Mile, what gotten into him?
Nanahimik si Mile ay kumain nalang.Nag-awang ang labi ko at kumunot ang noo.
"Franz may prob-
"Wala akong problema kuya, okay?! Ugh! f**k it! I'm done eating!" Inis niyang turan at tumayo na bago tuluyang mawala sa paningin namin ni Mile.
Nang makalabas ito ay huminga ako ng malalim. Baka maitumba ko ang table na kinakainan namin ni Mile.
"I'm sorry Kuya, it's my fault naman eh. I shouldn't have answered your question." Naka tungong turan ni Mile.
"It's not your fault mile.Ano ba ang nangyari kanina? Bakit galit nanaman si Franz?" Tanong ko sa bunso namin.
Nag angat na jto ng tingin at napa lunok.
"When I went to Kuya Franz's classroom, he's not there daw and nasa meeting ng Fencing Club nila. So I went to that place na sabi ng classmates niya, but when I arrived at the place Kuya Franz is gripping someone's collar. A girl is pulling him from the guy but he won't stop, then he let go of the boy's collar and marched out. Then he saw me and pull me here.. kaya dito na kami nga lunch." Mile expalined, naging englishero na kto dahil alam kong mahihirapan ito na mag Tagalog.
But Franz.. may naka away siya? That's new.. Oo lagi siyang galit pero ang kuwelyuhan ang isang tao? For what? Mas pipiliin nigong manahimik nalang kahit nag hihimutok sa galit. Hindi pa nga nagagalit ng totoo si Franz samin, inis Oo. Pero galit?To the point na kuwelyuhan niya ang isang tao. Thats..odd.
Natapos kami ni Mile na mag lunch, hindi namin naubos ang pagkain kaya nagbaon kami both. Mile got some chicken wings and I got onions rings and a small piece of lasagna.
When I entered our classroom tahimik lang ito, ganun talaga kapag college na. Kung noong elementary and high school kami ay kapag free time ay maingay, ngayon ay sari sarili go mundo kami.
Then I sat down my chair, nanliit ang mata ko nang makita ko na wala ang babaeng tarsier sa tabi ko. Inilibot ko ang paningin ko, at saka ko siya nakita sa sulok kasama ang Alexander na 'yun.
Kinuha ko ang pagkain kong dala at naglakad patungo sa kanilang dalawa na tawang tawa, mukhang nagkakasayahan sila, masira nga.
"Babaeng tarsier na baliw! Kainin mo to!" Padabog kong inilapag ang pagkain sa harap niya. Parehas silang natigilan sa ginawa ko.
Nag lakas loob mag salita si Gio.
"Kumain na-
"Hinihingi ko ba opinyon mo? Sabi ko, kainin mo!" Utos ko at umalis sa harap nila. Mukhang nakuha ko na ang init ng ulo ni Franz. Bwiset talaga!
Last subject na namin ngayon, ito ang subject namin na pinagawa kami ng sky scraper na 'yon!
"Very good to Mr.Altairavez, Mr.Salazar, and Ms.Barzuelo, nauna na silang mag pasa kanina. At ang ganda rin ng hawa nila. Kitang kita ang details at maganda ang mga materials na ginamit, for that I gave them the highest grade in this project." Nag palakpakan ang nga kaklase ko.. pero binaliwala ko ito.
"Before I dismiss you class, Mr.Altairavez please proceed to the faculty, kailangan kang kausapin ng adviser mo." Kumunot ang noo ko, bakit?Wala naman akong ginawang masama.
Umalis na ang prof namin at dumiretso na ako sa faculty, bakit naman ako kailangan sa faculty?
"Good afternoon po Maam.." Bati ko sa adviser namin na nasa table niya. May mga inaayos itong papel pero agad na inalis the moment I step in.
"Mr.Altairavez, I know you are aware na mga magulang niyo ang may-ari ng school na ito." Panimula nito at tumango ako. Eh ano naman kung sila mom and dad ang may ari ng school?
"They talked to the principal and me..and they said that..
Gio's POV
Ilang araw ko nang hindi nakikita si Dev na pumasok, three days na ata at nag tataka na ako.Bakit kaya?
Nanlaki ang mata ko nang may pumasok na maaring dahilan sa utak ko. baka may masamang nangyari sa dad nila! Jusko 'wag naman po sana.
Pumasok na ang prof namin at nagsimula na ang klase. Wala parin si Dev.. ano ba nangyari sa kaniya?
Kahit diablo 'yung lalaking yun nag aalala pa rin ako. Hindi naman ako kagaya niya na walang puso.
"Mr.Salazar, aren't you uncomfortable to your seat?Naiinitan ka jan at malayo ka, seat beside Ms.Barzuelo." Ani ng prof namin, tiningnan ko si Vernon na dala ang bag niya at umupo sa tabi ko. Agad akong nag taas ng kamay.
"Yes Ms.Barzuelo?" Natigilan si Vernon sa pag upo at napatingin sa akin.
Dahan-dahan kong ibinaling ang aking mukha sa direksyon ng aming prof. "Uhm, maam..si Mr.Altairavez po kasi naka upo jan. Medyo possessive po ito pag dating sa bangko niya. Baka magalit po ito kay Mr.Salazar kapag nalaman niya na umupo ito sa bangko niya." Paliwanag ko, ayaw ko lang na magka g**o ang dalawa. Sayang naman ang pogi at makinis na mukha ni Vernon kung sasapakin ni Dev.
"Don't worry about Mr.Altairavez Ms.Barzuelo.. he's not in this class anymore .." Nanlaki ang mata ko, matapos sabihin iyon ng aming guro ay nag patuloy na ito sa pagtuturo..
Buong araw akong hindi makapag isip ng maayos, how come na hindi na sa klase namin si Dev? May nangyari ba talaga?
Pauwi na ako pero wala pa rin si Rio, si Pollyn naman on the way na daw. Pero last thirty minutes na niya yung nasabi lero nga nga pa rin ako dito.
"Chaaaang!!~~~" Agad kong naibaling ang attensyon ko sa boses ni Pollyn na nang gagaling sa likod ko.
"San ka naman galing babae ka?" Tanong ko sa kaniya, ito namang si tanga ay hingal na hingal.
"Nag marathon ka ba ha?! Kaya pagod na pagod ka?" Tanong ko, hinawakan ako nito sa braso at ginawa akong pader para sandalan.
Napasingap ako. "Hoy babae! Alam kong malaki ang dibdib mo! Pero may dibdib din naman ako at malaki rin itong mga alaga ko para gawin mo akong pader na sandalan." Sinapo ko pa ang dalawa kong alaga para ipakita sa kaniya.
Ito namang si loka-loka ay siya ng tawa lang ng tawa. Baliw na talaga 'to, bakit ba ako naging close dito? Eh dalawang taon ang tanda ko sa kaniya.
"Mahabang kwento chang.. tara na sunduin na natin sa Chang Rio. Nasa meeting nanaman ng fencing club niya.." Akit niya sakin at tumungo na kami sa classroom na pinag titipunan nila.
"Ay Chang! Alam mo ba! Bet ko 'yung Altairavez na nasa fencing club." Hirit ni Pollyn nang makarating kami sa labas ng classroom. Hindi pa kasi tapos ang meeting kaya nag hihintay lang kami.
"Gaga ka, sino dun? Si Mile?" Pang-iinis ko at humagalpak siya ng tawa, loka-loka na talaga 'to.
"Nagbibiro kaba Chang? 'Yung conyong Filipino pero hindi naman Amerikano na 'yon? Magugustuhan ko? No way! Tsaka hindi siya tinutukoy ko, si Franz.. ayun oh!" Turo ni Pollyn sa loob ng classroom. Naka tayo sa harap si Franz at tila nagsasalita Ito.
Napa irap naman ako.
"Mas matanda sayo 'yan ng isang taon, ipaubaya mo na kay Chang Rio at mag kasing age at mag kaklase naman ang dalawang iyan." Teran ko, kitang kita ang gulat sa expression ni Pollyn.
"Gusto ni Chang Rio yan?! Akin yun ehh! Akin lang si bebe Franzix Daugnh Altairavez!!!" Pagmamaktol niya at nagpa ikot-ikot pa, tinakpan ko naman agad ang bibig nito.
"Tumahimik ka nga! Mukhang tapos na ang meeting nila." Sinilip ko ang loob ng classroom at nag tatayuan na sila. Maya-maya ay may mga lumabas ng estudyante kasama na si Rio. Agad naman siyang hinigit ni Pollyn sa gilid.
"Chang Rio halika nga! Gusto mo ba si bebe Franz ko?" Diretsahang tanong ni Pollyn, ako naman ay napa face palm lang at napatawa.
Nanlaki ang mata ni Rio. "Gaga ka! Hindi 'no!" Sagot nito.
"Buti naman.. akin siya ha! Akin! Akin si nebe Franz ko." Pati mga hindi niya kakilala ay pinanlalakihan ng mata ni Pollyn sa bawat sabi niya na kaniya si Franz.
Edi sa kanya na! Iuwi na niya!
"Iuwi mo na! Kainin mo pa!" Pang-aasar ko kay Pollyn, pero ang loka-loka tuwang tuwa ka at nag tatalon.
"Gagawin ko talaga yon! Iuuwi ko sa bahay namin si nebe Franz at ikukulong ko sa kwarto ko hanggang sa maka buo kami!" Tuwang tuwang turan nito, parehas napa ngiwi ang labi namin ni Rio.
Nakakahiya na ang babaeng ito, ang daming naka tingin samin.
Napaka bastos ng bunganga.
"Si bebe Franz!" Biglang tili ni Pollyn at sabay turo sa likod ko, at andun nga ang Franz na pinag kakapantasyahan niya.
"F-Franz sandali.." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hawakan siya sa braso.
Tiningnan niya ang kamay ko na naka hawak sa braso niya at agad ko itong tinggal. Halata kasing hidi siya komportable dito.
"Uhm Franz.. si Dev ba? Hindi ko na kasi siya nakikita. Sabi ng teacher namin wala na siya sa klase namin.." Tanong ko, hindi kasi kinakaya ng utak ko na hindi matanong at malaman ang dahilan.
"I'm not in the right position to answer that. Now if you excuse me anjan na ang kapatid ko." Umalis na siya sa harap namin ay pumunta na sa kapatid na si Mile na malapit lang samin.
"Chang naman! Baka ikaw pa ang mang-agaw kay bebe Franz ko!" Pag mamaktol ni Pollyn, napa irap lang ako.
"Gaga ka talaga! Si Dev nga ang concern niya diba. Ibig sabihin si Dev Ang gusto niya." Pang aasar lalo ni Rio..
Napabuntong hininga ako. "Bahala kayo jan.. uuwi na ako." Nag lakad na ako palayo sa kanila..
"Oy chang teka lang!" Habol ako ni Pollyn at Rio. Pero hindi ko na sila nilingon at nagpatuloy sa pag lakad.
Tuloy-tuloy ang lakad ko nang bigla akong mapatigil sa nakita ko. Si Dev.. at ang girl friend niyang mabunganga, magkahalikan.