Dev's POV
"You seem happy kuya? Anong nangyari sa inyo ni ate Gio?" Nabulunan ako bigla at nag-uubo, buti na lamang ay may nakahain ng tubig sa harap ko. Agad ko itong ininom at huminga ng malalim.
Tinapunan ko ng masamang tingin si Franz. "What's wrong with you Franz?! Mabubulunan ako dahil sa mga walang kwentang pinag sasabi mo." Inis kong turan at muli siyang tinpunan ng masamang tingin.
But knowing my brother he doesn't give a thing. Wala siyang pake kung magalit ang isang tao sa kaniya. He is cold person and short tempered. Awan ba kung anong nangyari sa kaniya. He's not like this before, well, not this worse, he is good before, yes. Pero hindi to the point that he barely talks. He was.. somehow, cute and innocent before, then just as time passes by, nagiging mas tahimik siya.
"Kidding aside kuya, you really look happy.. what happened?" Tanong niya ulit bago nagpatuloy sa pagkain.
Napabuntong hininga ako. "Walang nangyari, siguro ay maganda lang talaga ang gising ko.." Ani ko at tumango-tango siya. Maya-maya ay dumating na si Mile na may dalang sangkaterbang eco bag.
Napakunot ang noo ko. "What's with the bags Mile?" Tanong ko, sanay naman na kaming maraming dala ang kapatid namin. But few bags he is carrying are branded.
"Bench Mile? Really? Kailan kapa nagka interest sa mga ganiyan?" Tanong ni Franz kay Mile na ngayon ay kumakain. Sitting beside Franz.
He lift his head up. "Sa classmate ko 'yan kuya, she ask me to buy those for her kasi sheis not yet allowed na lumabas ng house nila except school. She said na she will pay me mamaya sa school." Conyong sagot ni Mile, he still haven't adjusted in his language. But it's fine. I know he will still improve.
"Why don't you take a Filipino class Mile?" Mile stopped from eating and looked at me, he adjusted his glasses and gulped.
"No need kuya, I can speak naman na eh." He answered and gave us a smile.
"Does anyone talk about your accent in school.. just tell me and your kuya Franz immediately if someone bully's you.." I explained, he weirdly look at me and chuckled.
"Kuya I'm not bata na para sa mga things like that. I can manage naman if someone bully's me.." He replied and took a spoon of his food.
I flick my tongue. "But still Mile, kuya mo kami, it's our responsibility to take care of you." I I replied with concern, as the oldest ako ang may pinakamalaking responsebilidad sa aming tatlo.
He just nod. "Change topic kuya Dev.. aren't you supposed to be in Business Management? I mean, why do you take architecture kung alam naman na natin na in the near future tayo na ang mag mamanage ng kumpanya." Tanong ni Franz... si Franz kasi sa aming tatlo ang nasa Business Management na. Si Mile naman nasa first year palang ng college so he doesn't take his course too seriously, he is still into science. But he is in Business Management too, but focuses more on science. Sometimes I wonder kung gusto ba talaga niya ang course niya.
Dapat nga ay connected sa science ang course ni Mile, that was his plan when he was still in New York. But when mom and dad decided that Mile will study here in Philippines, they talked to Mile and said that he'll take Business management kahit STEM and strand niya noong Senior Highschool.
Ako naman ay ABM talaga ang strand, but something in my mind came up that's why I took architecture. Kahit nagalit sakin sila mom and dad that time. I have my reasons why I suddenly switched.
"Kuya Dev are you done eating? Malelate na tayo.." Tanong ni Franz, I shake my head para mahimasmasan at tumango.
Sumakay na kami ng sasakyan at umalis. On our way to school I can't help but to think kung bakit ako lumipat ng architecture. I smiled thinking about it. That one reason na nakapag pabago ng desisyon ko.
If you ask kung bakit nag architecture ako kahit noong first at second year ko ng college ay Business Management ako, you will know in the future. But let's just focus in the present.
Nakarating na kami ng school, sa pag lalakad namin sa hallway sanay na kaming pinag titinginan. Specially Mile na first year college palang at bago siya rito.
But the moment he entered this school kilala na siya, we are popular, we are Altairavez. Kung pupunta kayo ng mall, kahit saang mall ay makikita mo ang mukha naming tatlo. We do modeling too for our own brand, but we don't take offers from other brands. Kahit minsan ay malaki ang offer. We know na magiging hassle ito. And most specially, we the still studying, and modeling is not really our priority.
"Deeeeeev!~" I look whoever called me, si River lang pala, ang kaibigan ni KB.
"Dev suyuin mo naman si KB, nagtatampo sa 'yo. Hindi ka nanamaman daw sumipot sa date niyo kahapon." Ani ni River, tiningnan ko naman si KB na nasa tabi niya. Mag ka cross ang braso nito at iniiwasan ako ng tingin.
I chuckled and walk towards her side. Pulling her by the waist to come close to me. "Baby... don't be mad anymore. I promise next time.." I pull her waist closer to me and kissed her cheeks, and in that moment she smiled. I know her weaknesses.
"Fine baby.. basta next time, ha? You promise." She said and I laughed, ang cute niya kapag nagtatampo. But sometimes it becomes annoying too. Specially when it's her high pitches voice. But she only does that kapag galit siya.
"I have to go now baby, classes will start in few minutes.. see you." I wave her a goodbye at umalis na.
When I entered the classroom gladly our prof is still not there. I spot my seat, bakit kay ibang naka upo doon?
My expression dropped and annoyance started to build up in my head. I walk towards my seat and stop at his side.
I fake coughed to get both of their attention. "Excuse me Mr.Salazar but I think that is my seat.." I said, akita ko ang pangingiwi ng labi ni Gio sa sinabi ko.
Vernon nod. "Oh sorry Mr.Altairavez, I'll be going now Gio." Tumayo na ito at nagpaalam, tinapunan ko siya ng masamang tingin bago ibinaling kay Gio ang attensyon ko.
"Bakit siya naka upo sa bangko ko?!" Inis kong turan at ibinaba na ang bag ko.
"Naki upo lang masama na? Hoy Mr.Altairavez may karapatan siyang umupo dyan sa bangko mo, hindi mo naman binili yan eh." Pag tataray niya, napa singhal ako, hindi ko binili?
Umupo na ako sa bangko ko. "Para sa kaalaman mo Ms.Barzuelo, at para sa ika bubuti mo, pagmamay-ari ng magulang ko ang University na ito. So if I were you mag-ingat ka sa sinasabi ko." Sagot ko sa kaniya, pero ang tarsier na baliw ay inirapan lang ako. Bwiset talaga!
Hindi na siya nagsalita pa. Buti naman, parehas lang kaming naka-upo doon. She is doing some plates while I'm just using my phone. Wala naman kaming assignments or projects. Siguro ay trip lang ng babaeng ito na gumawa ng plate. Napakasipag naman.
Ilang minuto ay dumating na ang prof namin, as usual, boring ito. Hindi ko ikinatutuwa ang subject niya. Ni isa ay walang pumapasok sa utak ko when it comes to algebra or math. It's just it's not my thing, I would rather do some essays rather than solve a math question.
-
"Hoy babaeng Tarsier! Hindi ka kakain?" Sinipa ko ang paanan ng bangko ni Gio. Nakatulog kasi ang baliw na tarsier sa huling klase namin ngayong umaga.
Maya-maya ay gumalaw ito. Iminulat niya ang mata niya at tumingala sa akin. "Ayaw kong kumain... tinatamad ako." Nagpa inat-inat pa ito at humikab. Hindi malang tinakpan ang bibig! Bastos!
"Mamayat ka lalo, tapos mamatay ka, kawawa naman ang specie mo at mababawasan ng ka uri." Kumunot ang noo niya, natawa naman ako sandali dahil sa reaksyon niya.
"Specie? Bakit? Hayop ba ako ha?!" Inis niyang tanong, napa hagalpak ako ng tawa.
"Oo, Tarsier ka. Tarsier na baliw." Hagalpak ko, agad naman niyang na hampas ang hita ko.
"Diablo ka talaga!! Diablo!! Kung may hayop man sa 'tin dito ikaw 'yun!!" Sigaw niya at patuloy akong pinag hahampas, nakatayo na kasi ang baliw kaya nahahabol na din ako kahit ako'y umuurong na.
Sinbukan ko sanggain ang mga hampas niya. Pero may mga nakakalisot pa rin talaga.
"Akala ko ba- Aray! Akala ko ba- bwiset tama na!Aray!" Sinubukan ko pa rin sanggain ang mga hampas niya, ang lapnit naman ng kamay ng tarsier na ito.
"Tama na nga!!" I roared inside the classroom, buti nalang ay iilan nalang ang tao dito kaya wala masyadong naka kita ng pag babangayan namin ni Gio.
Natigilan siya, kitang-kita sa mukha niya ang gulat nang parehas kong hawakan ang magkabilang pulso niya.
Tiningnan ko siya ng malalim sa mata, sinusubukan ko siyang sindakin at mukhang gumagana. Nasisinadak ko ang paru -paro.
"Walang laban ang paru-parong gaya mo sa diablong katulad ko." Bulong ko sa kaniya at marahas na binitawan ang pulso niya.
Hindi siya nakapag react at tila hindi pa rin naka register sa utak niya ang nangyari. Pa-diablo akong ngumiti.
Iniwan ko na siya at umalis na patungong Cafeteria, nang makarating ako sa cafeteria ay tahimik, inilibot ko ang paningin ko at nang hindi ko makita ang aking hinanahanap ay agad akong umalis at tumungo sa lugar namin. Ang lugar ng kaming tatlong Altairavez lang ang maaring pumasok.
Pumunta ako isang abandonadong classroom sa ABM building. Striktong i***********l na pumasok dito ang kahit sino na hindi Altairavez ang nasa huli ng pangalan nila.
Marahas kong binuksan ang pinto, hindi na ako nag taka nang makita ko ang dalawa kong kapatid na kumakain at iniayos na ang mga bangko.
"Gladly you know we're here.." Turan ni Franz ng hindi manlang nag aangat ng tingin.