Gio's POV
Tiningnan ko si Dev na nasa likuran ko, hinabol niya ako nang magtatakbo ako, pero bakit?
"Tell mom we'll be there." Sagot niya at tumango ang lalaki bago umalis.
"Dev anong-
"Sumama ka nalang.." Hinatak niya ako muli pataas at pinasok sa kwarto niya..
"Dev anong ginagawa natin dito?!" Taranta kong tanong...
"Mag bibibis lang ako at pupunta tayo kay dad sa ospital." Turan niya habang nagmamadaling kumuha ng polo sa walk-in closet niya.
"Huy!" Sigaw ko at tinakpan ang mata ko nang bigla siyang naghubad sa harap ko.
"Pakipot kapa! Gusto naman!" Pang aasar niya, nang marinig kong nag aayos nalang siya ay inalis ko na ang kamay sa mata ko.
"Let's go!" Muli niya akong hinigit pababa at isinakay sa sasakyan.
Bwiset nang kikidnap ba siya? Napaka bilis ng biyahe, utos kasi ni Dev. Bakit ba siya natataranta?Ilang minuto ay nakarating kami sa ospital, patuloy ang paghatak at pag takbo namin na sa puntong nakaka-agaw kami ng attensyon.
"Mom.." Tawag ni Dev ng maka pasok kami ng isang hospital room.
"Dev your dad is awake.." Bungad ni tita,tumakbo si Dev sa kama ng dad nila at niyakap ito.
"Thank god gising kana dad.." Narinig kong turan ni Dev. Naka tayo lamang ako sa gilid, nakakahiya kasi.
"Sino siya?" Nailang ako ng itinuro ako ng dad nila.
"Siya si Gio, dad, kaklase ko." Sagot ni Dev sa dad nila.
"And she is a very nice girl Francisco.. napaka ganda at napaka sweet." Dagdag ni tita, nailang tuloy ako lalo.
"Dad, anong nararamdaman mo?" Narinig kong alalang tanong ni Dev.
"I'm fine now son.. 'wag ka nang mag alala, intindihin mo ang kasama mo, mukhang nahihiya siya." Utos ni tito, napa tingin sa akinsi Dev.
"I'm sure Gio is fine dad. Mas mahalaga ang health mo ngayon.." Turan ni Dev, nag kusa kusa na akong umupo sa couch.
Dev's POV
"Si Franz Mom pumunta naba dito?" Tanong ko kay Mom habang kumakain kami ng snack, si dad hindi pa pwedeng ma puwersa kaya kami nalang nila Mom ang kumain sa table. Habang si dad ay sa hospital bed niya kumakain.
"Yes, ka aalis nga lang nila nang dumating kayo.." Sagot ni Mom, kumunot ang noo ko.
"Nila? Kasama na niya si Mile pumunta dito?" Taka kong tanong.
Mom shake her head. "No, mamaya pa si Mile bibisita. May kasama siyang babae kanina.." Lalong kumunot ang noo ko, si Franz? May kasamang babae? That's impossible
"C-CR Lang po ako tita" Paalam ni Gio, nginitian siya ni mom at saka siya umalis
"Si Franz Mom? May kasama ng babae? Himala! Kala ko'y tatandang binata ang kapatid ko." Biro ko kay Mom at hinampas niya ako sa braso.
"Sadly I didn't get to ask her name, but she's a nice girl too, she have a genuine smile and dimples." Naka ngiting turan ni Mom, panigurado ay 'yung babae na yun ang gusto ni mom para kay Franz.
"Uh.. tita mauuna na po ako May kailangan po kasi akong bilhin." Nag angat kami ni Mom ng tingin kay Gio
"Sasamahan ka ni Devdev. Hindi maganda na mag-isa ka lang." Nanlaki ang mata ko habang naka tingin kay Mom. Pero mas pinan lakihan niya ako ng mata.
"Go with her Dev.. ihatid mo na ein siya, maya-maya ay papunta na dito ang kapatid mo.." Ipinagtabuyan na kami ni mom palabas ng room ni dad.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Gio nang maka sakay kami sa sasakyan.
"Ah.. Eh ang totoo niyan ay wala naman talaga akong bibilhin. Palusot ko lang 'yun kasi nahihiya na ako.." Napa kamot si Gio sa batok niya. Napa buga ako ng hangin at umirap.
"Sa mall tayo kuya Peter.." Turan ko sa driver namin, umandar na ang sasakyan. At Bakas sa mukha ni Gio ang pagtataka.
"Sa mall?! Anong gagawin natin doon?!" Tanong niya sakin. Hindi ko siya pinansin sa buong biyahe at hindi na sinagot at pinag tuunang pansin ang mga tanong niya.
Pumasok kami ng mall at hinatak ko siya sa isang fast food chain. Pinagtitinginan kami ng mga tao, dahil kilala nila ako, kaya nagsuot nalang ako ng mask dahil baka maya-maya ay magkagulo na.
Maiging kakaunting tao palang ang nakakakita sakin na kasama siya. Maramirami na rin kasing posters naming magkakapatid dito sa mall.
"Dev hindi pa ako Gutom.. sa bahay nalang ako maghahapunan." Tama, ginabi na kami sa ospital. Napa sarap kasi ang kuwentuhan ni Mom at Gio.
Maski si dad ay nakiki tawa na rin. Ayun pinag tulungan ako ng tatlo.
"Edi ite-take out nalang natin, dalhin mo nalang sa inyo, text anyone in your house na 'wag na magluto.." Utos ko sa kaniya, hindi na siya nag-apila pa at ginawa nalang ng sinabi ko.
"Ilan ba kayo sa bahay?" Tanong ko at tintigan niya lang ako bago naka sagot.
"Lima." Sagot niya at tumango ako
Nag take out kami ng isang family bundle. Hindi ko alam ang laman noon pero alam kong kakasya iyon sa limang katao.
Umalis na kami ng fast food chain at dinala muna sa sasakyan ang pagkain.
"Samahan mo ako sa Louis Vuitton store may bibilhin ako.." Turan ko sa kaniya.
Tila hindi tinotopak ang babaeng ito at sumunod nalang. Siguro ay may gamot para sa mga baliw 'yung kinakain niya sa ospital kanina.
Tama! Dahil hospital 'yun, nilagyan nila ng gamot ang kinakain ni Gio! Itatanong ko pala sa mga doltor kung anong gamot ang inilagay nila sa pagkain ni Gio at bumait ang tarsier na ito.
"Dev maganda 'to." Turo niya sa isang limited edition na sapatos, maganda nga naman ito at tila bagay sakin.
"Uhm.. excuse me Ms. may size nine po ba nito for men?" Tanong ko sa sales lady ng store.
Maya-maya ay bumalik siya dala ang sapatos sa size na nine.
"Isukat mo na.." Excited na turan ni Gio, isinukat ko ito.Maganda ito tingnan sa paa ko at napaka comfortable.
Nag bayad na kami at umalis sa store, nag-akit naman si Gio sa bookstore.
"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa books." Turan ko habang sinusundan siya habang namimili.
Malaki ang bookstore na 'to, napadpad na rin ako dito noon ng samahan ko si Franz na mamili.
"Hindi ka naman kasi nagtatanong." Pag tataray ni Gio.. naku po! Nawala na ata ang bisa ng gamot.
Lumayo ako sa kaniya at naghanap na rin ng librong baka magustuhan ko, or ni Franz Or Mile.
Si Franz naman talaga ang mahilig sa aklat samin. Novel man or educational, si Mile naman science related lang at naahawa lang ito ni Franz.
Speaking of Franz, katulad ng lalaking nasa kabila ng shelf ang bunok ni Franz. Hindi ko makita ang mukha nito kaya pinuntahan ko ito sa kabila.
Muntik na kaming mag ka bungguan at parehas nanlaki ang mata namin nang makita namin ang mukha ng isa't isa.
"Franz?!?"
"Kuya Dev?!"
Sabay naming di makapaniwalang turan, bakit siya andito?!
"Sinong kasama mo?!"
"Sinong kasama mo?!"
Sabay naming tanong, napa buga ako ng malalim at ganun din siya.
"Never mind."
"Never mind."
Di kami makapaniwalang tumingin sa isa't isa.
"Okay stop...sinong kasama mo?! Franz ako ang panganay satin.." Matigas kong turan..
"No one kuya.. napadaan lang ako. Aalis na rin ako.." Turan niya at mabilis na umalis, weird.
Bumalik ako sa gawi ni Gio, pero Wala na siya sa kanina shelf na tinitingnan niya. Saan ba nagsusuot ang tarsier na 'yun?!
"Andito ka lang pala.." Napa buga ako ng hangin sa pagod kakahanap sa kaniya.
"Nawala ka kasi bigla kanina, kaya kala ko iniwan mo na ako, balak ko sanang umalis na pagka bayad ko." Turan niya at nagbayad niya.
"Nakita ko nga pala si Rio kanina dito. Mabilis lang nakipag usap sakin tapos umalis na.." Kwento niya and my brows furrowed.
"Weird lang kasi nakita ko din si Franz dito kanina, nag mamadali rin siya." Ani ko, kinuha na ni Gio ang pinamili niya at umalis na kami.
"Sa tingin mo magkasama sila?" Tanong ni Gio sa gitna ng biyahe.
I shrug. "Maybe.. mag kaklase naman sila Eh." Sagot ko. Pero imposible na sumama si Franz sa babae.
Saming tatlo ako lang talaga pinaka matinik sa chicks. Yung dalawang 'yun,l aglag pag dating sa babae.
"Andito na po tayo.." Ani ni kuya Peter.. bumaba si Gio ganun din ako. Ako na ang nagdala ng pinamili niya kahit marami ito kasama pa ang mga pagkain.
Nakakahiya naman kung makita ako ng magulang niya na walang dala tapos siya ang marami.
"Hi Ate Gio! And Kuya Devante Altairavez?!" Irit ng isang batang babae, or dalagita.
"Dev si Catrize ng pala kapatid ko, kilala ka niya dahil model daw kayong magkakapatid."Ani ni Gio habang inaayos ang mga pagkain.
"Kuya pwede po ba mag pa picture?!" Bakas sa mukha ni Catrize ang pagkagalak na makita ako.
Tumango ako at muli siyang umirit bago kumuha ng selfies naming dalawa. Nagpakuha pa ito sa isang binatilyo.
"Dev. siya nga pala si Zander kapatid kong lalaki, sumunod sa akin." Pakilala ni Gio.
"Hello po.." Kinamayan niya ako at ngumiti
"Dito kana kumain hijo." Akit sakin ng mama ni Gio.
"Tita 'wag na po..nakakahiya." Sagot ko, napatawa si tita at nagpa iling-iling.
"Wag kana mahiya, yan ngang anak namin dalawang araw nasa inyo. Sige na 'wag kanang mahiya.." Malamig ang boses ng mama ni Gio.
Sana lamang ay nakuha 'yun ni Gio.
"Hijo.. nanliligaw kaba sa anak ko?" Natigilan ako sa tinanong ng tatay ni Gio. Garalgal Ang boses nito halos katulad ng kay Gio.
Hindi naman garalgal ang boses ni Gio pero ito ay hindi na pang babae. Malagong ito pero hindi kasing lagong ng panlalaki o sa tatay niya.
Umiling ako. "Ay hindi po, kaklase ko po siya at ka grupo sa project namin, hinatid ko lang po siya." Sagot ko, nagulat naman ako sa tanong ni tito.
Natapos kaming kumain at nag paalam na ako. At umuwi na, nang maka uwi ako ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Naka higa ako sa kama nang may mapansin akong bagay na kakaiba. Dinampot ko ang panyo na kulay green. Hindi naman ako nagpapanyo ng green.
Inamoy ko ito, alam ko na kung kainong 'to. Sa babaeng tarsier na baliw.