10

1721 Words
Gio's POV "Kayo na ni Dev, ate?!" Tiningnan ko ng masama si Zander. Ano nanaman ba ang pumasok sa isipan nito?! "Anong pinagsasa sabi mo?! Hindi 'no!" Hagalpak ko, paano naman pumasok sa isip niya na kami na ni Dev!!? Tsaka imposible 'no! May girlfriend 'yung mokong na 'yun! At saka galit na galit ako sa diablo na 'yun!Tapos magiging kami?! Kadiri! Para kong ibinenta kay Satanas ang kaluluwa ko kapag sinagot ko si Dev! Saka hindi nga ako nililigawan paano ko sasagutin?!? Mas pipiliin kong tumandang dalaga kaysa maka relasyon ang Diablo na 'yun! Kahit siya nalang ang natitirang lalaki sa mundo, pipiliin ko pa rin na mamatay mag-isa. Dahil kapag siya ang naka tuluyan ko, para narin akong namatay sa konsomisyon sa Diablo na 'yun! "Ate masyado kang defensive napapag halata E!" Banat naman ni Samantha. Papunta nanaman kasi ako sa bahay nila Dev, bwiset talaga! Paano kaya nasira yung project namin?!?Hayst! "Sige na aalis na ako, asan sila mama at papa?" Tanong ko sa kapatid kong parehas nagkakape "Nasa labas ate, nag wawalis si mama. Tapos si papa nag aayos ng jeep." Tumango nalang ako at kinuha na ang aking backpack saka lumabas ng bahay. "Aalis na po ako ma, pa." Parehas ko silang hinalikan sa pisnge. "Gaya ng sabi ko kahapon anak ha, mag iingat." Bilin sakin ni mama at.tumango ako. Sumakay na ako ng jeep pupunta ulit sa subdivision nila Dev. "Good morning kuya guard. Ito na po ID ko" Ini-abot ko kay kuya guard yung ID ko. Pero hindi niya tinanggap. Nagtaka ako. "Hindi na po kailangan maam, nasa guest list na po kayo ng mga Altairavez." Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw?! Guest list?! Pano nangyari yun?! "Ipinalagay na po kayo ni Mrs. Altairavez sa guest list o special list nila. Kapag pupunta po kayo dito hindi niyo na po kailangan ibigay ID niyo. Paki sulat nalang po ng pangalan." Ini abot niya sakin ang log book at pumirma ako saka niya ako pina pasok. Guest list? Special list? Hindi ba't ang pagkaka-alam ko sa mga kompanya o opisina lang ang ganun? Kasi usually sa mga office kailangan mo muna mag book ng appointment sa taong gusto mong maka usap. "Good morning po Ms.Barzuelo.. pasok po kayo." Hindi pa manlang ako nakaka katok sa gate ay agad na itong bumukas at sinalubong ako ng bagong mukha. Hindi siya ang naka usap ko kahapon, malamang ay bago ito o di naman kaya ay bago sa duty. "Hinhintay na po kayo ni Madam sa dining." Sabi nito at tumango ako. Gaya din ng kahapon hindi na niya ako sinamahan sa loob ng palasyo este mansion. "Good morning Ms.Barzuelo, nasa dining na po si madam hinihintay kayo for breakfast." Ani habang naka ngiti ng babae na kahapon rin nag guide sakin sa dining. Nang makarating ako sa dining ay si tita palang ang andoon gaya ng kahapon. "Oh hija! You're here finally! Hinihintay talaga kita para maka sabay kang kumain." She blurted out happily. Napangiti ako at umupo malapit sa kaniya. "Hindi na po sapat kayo nag abala." Nahihiya kong turan. "Don't mind it, let's go, let's it breakfast..paparating na ang tatlo kong kalalakihan." Dgdag pa niya and I smiled, nag simula na kaming kumain ni tita. Isang mabangong aroma ang umalingawngaw sa ilong ko, hinanap ko ito, nagmumula ang mabangong-amoy mula sa iniinom na kape ni tita. Bigla tuloy akong natakam,i sa akong malaking taga hanga ng kape. Sa bahay ay hindi pwedeng walang kape. Dahil sakin na halos hangga't may makakape ay magtitimpla ako at mag timtimpla. "You want coffee hija?" Alok ni tita, hindi na ako mag papakipot pa. "Yes po tita, kung hindi niyo po mamasamain." Alanganin pa akong tumawa. Tita chuckled at sumenyas sa isa sa nga katulong na naka paligid samin. "Give Gio what ever coffee she like." Tita said, tumango ang lalaki at tumingin sakin "What coffee do you like Ms.Barzuelo?" Tanong sakin ng lalaki. "Gio nalang ang itawag mo sakin, simpleng kape lang ay ayos na sakin, palagyan nalang ng creamer at 75% na sugar." I smiled at him he nodded and leave. Ayaw ko naman ng katamisan na kape kaya 75% lang, kapag kami ay oorder ng milktea ng mga kapatid ko o di kaya naman nila Rio at Pollyn ay 'yun lang ang percentage ng sugar ko. "Hey mom!" Parehas kaming nag angat ng tingin ni tita nang may tumawag sa kaniya. Sunod sunod na hinalikan ng tatlong magkakapatid ang pisnge ni tita at umupo na sa kani kanilang upuan. "Devdev sa tabi kana muna ni Franz umupo." Ani ni tita, dahan-dahan akong napatingin sa likuran ko dahil doon naka tuon ang attensyon ni tita nang sinabi niya ang mga katagang iyon. Laking gulat ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Dev, as if tinitingnan niya ang buong pagka tao ko, nailang tuloy ako. I heard Dev groan before sitting beside Franz. Mahina akong natawa dahil sa expression ni Dev. "By the way Gio hija kilala mo na ba ang mga anak ko? I'm sure you're familiar with my Devdev, boys introduce yourself to Gio." Turan ni tita mag aapila sana ako ng mag salita ang nasa tabi ko. Hindi ko pa siya kilala Eh Pero siya yung nag dala ng meryenda samin kahapon. "But mom kilala naman na po kami ni ate Gio, right?" Tumingin siya sakin at ngumiti, ang ngiti niya ay nakaka humaling, napaka inosente rin ng mukha niya. "Mile don't be like that. I'm sure your ate Gio is still confused right hija?" Napa ngiti ako kay tita at tumango. "See? Now introduce yourselves.." Ani ni tita sa tatlo at excited na ngumiti. Sabay-sabay huminga ng malalim ang tatlo indikasyon na naiirita sila. Lalo na si Dev na umirap pa. "Fine mom, I'm Franzix Daugnh Altairavez, middle child, call me Franz." Ani ni Franz na naka poker face lang. Nag kekwento si Rio sakin na ganito daw talaga ang Altairavez na ito. Mas posible pa ata na pumuti ang uwak kaysa makita ang isang Franz Altairavez na ngumiti. Bakit kaya? "Hi! I'm Electro Milestone Altairavez, I'm the bunso of the family, you can call me Mile or Stone but I prefer Mile." Turan ni Mile na nasa tabi ko. Nakipag handshake pa ito na dinaluhan ko din. "Kuya Dev it's your turn.." Siniko ni Franz si Dev na ikina irita lalo ni Dev. "No need magkaklase kami." Turan ni Dev na hindi nag aangat ng tingin. "Devdev don't be like that.." Saway ni tita sa maamo na boses. "Trust me mom, kilala na niya ako, seat mates kami." Inis na turan ni Dev, na aano nanaman ba ang Lalaking ito? "Never mind, siya si Devdev ko Gio, my first born. Pinaka makulit din nung mga bata pa sila." Kwento ni tita at humagikhik pa ito. Tumawa din si Mile atsi Franz naman ay umiling-iling. "Mom don't.. nakakahiya." Ani ni Dev habang naka tungo, ako naman ay natawa lalo. Nahihiya ka pa palang diablo ka? "I'm done I'm going now mom." Paalam ni Dev at tumayo. Napakunot bigla ang akong noo. Nakakalimutan na niya na may gagawin kami?! Iiwan niya ako dito?! "Oh no you don't Dev, hindi mo iiwan ang bisita mo." Matigas na turan ni tita, natigilan si Dev sa paglalakad. "But mom I have a date with KB, magagalit siya kapag hindi ako sumipot." Sagot ni Dev, narinig ko naman na napasinghap si Franz. "Kinikitkitan ka lang niya ng pera." Bulong ni Franz na hindi nakinig ng iba. "Seat down Dev, tell that girlfriend of yours na hindi ka makakapunta, you're busy, utos ko 'yon. Patrick!" Ikumpas ni tita ang kamay niya at lumapit ang isang lalaki. "Tawagan mo agad ako kapag pumunta 'yung babaeng 'yun at nag eskandalo." Utos ni tita sa lalaki, tumango ang lalaki at umalis. "Now seat down at nakain pa tayo.. masama ang mag-away sa harap ng grasya." Turan ni tita, walang nagawa si Dev kundi umupo at kumuha ng saging. Nang matapos kaming kumain ay kaniya-kaniya kaming nag alisan, si Franz na taka ayos ay pupunta daw ng mall at may bibilhin. Si Mile ay sa kwarto niya lang pumunta at may gagawin daw na science project. Si tita pupunta daw sa ospital at kami ni Dev ay nagtungo na sa art room nila. "Bakit pupunta si tita ng ospital?" Lag uutita ko kay Dev Inangat niya ang tingin niya sakin ero agad din ibinalik sa ginagawa namin. Aba't gago to ah! Snob ang diablo ! "Hoy diblo! Bakit pupunta ospital- "Tumigil kana nga tarsier!" Putol niya sakin, ano daw? Tarsier?! Aba'y gago talaga 'to ah! "Tarsier ka jan! Paano naman ako naging tarsier?!bakit naka sabit ba ako sa puno?! Ha?! Nakita mo na ako na naka sabit sa puno!?" Inis kong turan, gago talaga! Diablo na nga gago pa! "Hindi pa, pero sa laki ng mata mo, kahit hindi kana sumabit halata nang tarsier ka." Ibinatikal ko ang tape na hawak ko. "Gago ka!" Inatake ko ng hampas si Dev na ikina harang ng braso niya sa mukha niya. "Aray Gio! Masakit! Hoy! Babaeng tarsier tumigil ka!" Awat niya sakin, umurong siya pero agad ko rin siyang hinabol. Buti nalang at naka upo kami sa sahig kundi kanina pa ako mahulog sa bangko kung nagkataon. "Aray! Gio tama na!" Natigilan ako sa paghampas ng parehas niyang hawakan ang magkabila kong pulso. Sabay kaming napatingin ni Dev sa pinto ng bigla itong bumukas "Maam, sir miryen...da." Natigilan ang katulong sa pagsasalita,bakit? Anong Meron? Muli akong tumingin kay Dev, nag taka ako, bakit nakatingin ito sa hita niya, sinundan ko ang tingin niya,Tangina! Agad akong naka tayo at umalis sa kaangan niya. Inilapag ng katulong ang pagkain sa lamesa at umalis na rin. Naiwan kami ni Dev na nasa awkward atmosphere. "Ah..t-tapusin na natin yung project. B-Baka maka habol kapa sa date ninyo ni KB." Nauutal kong turan. Bwiset ka Gio! Nakakahiya 'yun! "S-Sige.. magandang idea yun." Nauutal rin niyang turan, bakit parehas kaming nauutal?! At namumula?! Napadaan ako sa salamin at agad nanlaki ang mata ko, malaki naman na talaga siya. Pero ang pulang pula ang mukha ko, umalis na ako sa harap ng salamin at nagtungo kay Dev upang tulungan siya na dinidikit ang isang parte ng sky scraper namin. Napatingin ako sa kaniya at maski siya ay namumula, bakit ba kami nagkakaganito? "Ayan! Tapos na!" Hirit niya at pinag masdan namin ang project namin. Sana naman ay hindi na ito masira dahil hindi ko na kakayaning pumunta pang muli dito matapos makita ng isang katulong ang posisyon namin ni Dev. "S-Sige..uuwi na ako." Agad kong kinuha ang bag ko at nag atubiling bumaba. "Sandali lang po Ms.Barzuelo.." Hinarang ako ng isang lalaki. "Sir Vedra, pinapasabi po ni Madam na pumunta daw po kayo sa ospital ngayon. Isama niyo na din daw po si Ms.Barzuelo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD