Dev's POV
Nang makapasok si Gio sa closet ay agad ko 'yung ni-lock. Hindi niya iyon mabubuksan mula sa loob dahil passcode ang nilagay ko.
Nag bilis bilis akong nagbihis at nag ayos bago dahan dahang lumabas at bumaba.
Nang maka baba ako ay nakita ko agad si Franz na nasa dining table. Maayos na agad ang hitsura nito at naka salamin.
But as usual, he is wearing his usual poker face and his attention fully occupied by his laptop.
"Ba't andito ka?" Tanong ko at umupo na sa katabi niya.
"Bahay ko din 'to kuya.. maaring sa ibang bahay ako na tulog pero dito ako kakain.." Wala niyang buhay na sagot at hindi man lang ako tiningnan.
Dun kasi siya sa kabilang bahay natutulog awan ko ba, pinili niya 'yung may swimming pool sa harap wh madalang naman Lumabas.
Inabot ko ang kanin ag itlog, pero ang hotdog ay hindi ko abot. Tatayo na sana ako nang iabot sakin ito ni Franz nang hindi manlang inaalis ang tingin sa laptop at siging tipa Don.
"Thanks.." Ani ko at nag hum lamang ito bilang
sagot.
"Si mom?" Tanong ko.
"Naka alis na, pupuntahan si dad sa hospital." Sagot niya at nanahimik na kami.
"Balita ko anjan si ate Gio.." Natigilan ako sa pag kain.
"Pano mo nalaman?" Taka kong tanong.
"Sabi nang nga tauhan natin..may himala daw na nangyari at may kaibigan kang pinapunta dito." Sagot niya at sumubo ng pagkain.
"Asan na siya? Bakit di mo kasama bumaba?" Naka tingin lang siya sakin habang ngumunguya.
"Ah.. andun sa kwarto ko, naka higa. Sabi ko kasi kakain lang ako.." Sagot ko,.he looked at me as if he is analyzing my moves.
"You're lying kuya.. anong ginawa mo sa kaniya?Tsaka malabo na kusang pupunta si ate Gio sa kwarto mo.." Turan niya,ibinaba ko ang kobyertos at tiningnan siya sa mata.
"Mata sa mata, lalaki sa lalaki, kapatid sa kapatid..wala ka bang tiwala sa'kin Franz? Huh?" Inis kong turan pero umiling lamang siya at pinag ikutan ako ng mata.
"Meron naman kuya.. pero 'yung pumunta si ate Gio sa kwarto mo? Medyo wala.." Pang iinis niya lalo.
"Bahala ka.." Ani ko at nagsimula na ulit kumain.
"Sir may tao po, kaklase niyo daw po.." Napa tingin sakin si Franz na naka kunot ang noo.
"May project kasi kami.." Sabi ko habang naka tingin kay Franz.
Tiningnan ko ang isa naming katulong.
"Sige papasukin niyo na.." Saad ko at tumango ang kasambahay.
Ilang segundo ay nakinig namin ni Franz ang lagatak ng sapatos palapit samin.
"Hey.." Napa angat kami ni Franz ng tingin.
"Andito naba si Gio?" May halo pang hiya sa boses ni Vernon, pa sikreto akong umirap.
"Yes kakain lang ako at tatawagin ko na siya mamaya.." Sagot ko kay Vernon at tumango siya.
"Saan ko ilalagay mga materials?"tanong niya
"Umupo ka muna, eat too if you want.." Akit ko.
"No need, I have eaten breakfast already.." Sagot niya, umupo na lamang siya sa harap namin ni Franz at nag cellphone.
Nagpatuloy ako sa pagkain.
"Uh... Dev, palabasin mo daw si Gio sa closet mo." Nanlaki ang mata ko, si Franz naman tiningnan ako.
"Oh shit.. baka na lock siya..punatahan ko lang." Tumayo ako at tumakbo.
"Sama ako kuya.." Rinig kong turan ni Franz pero ang boses niya ay seryoso.
Nang makarating kami sa kwarto ay halos masira ang pinto ng closet ko sa kakahampas ni Gio.
"Palabasin mo 'ko!!" Sigaw mula sa loob, nang mabuksan ko ang pinto ay biglang tumama sakin ang isang Louis Vuitton na jacket.
"Walangya ka talagang lalaki ka! Kinulong mo pa ako dun!" Himanpas hampas ako ni Gio.
Si Franz naman ay sinubukang ilayo sakin si Gio.
"Tumigil ka nga.. di Kita kinuling.. baka na lock mo ang sarili mo.." Depensa ko.
"Diablo ka talaga! Diablo!" Sigaw niya at dinampot ang bag niya at lumabas.
"Diablo? Ano 'yun?" Takang tanong ni Franz.
"Malay..." Nag kibit balikat ako at lumabas na rin.
Nang makarating kami sa dining table ay nag-uusap na si Gio at Vernon. Naka latag sa sahig ang outline at sketch ng gagawin namin habang silang dalawa ay naka lupasay sa sahig.
"Sa Art Room tayo gumawa.." Akit ko sa kanilang dalawa.
Si Vernon nag angat ng tingin pero si Gio hindi, nakita kong tinapik ni Vernon si Gio pero nasundan ito ng hagikhik nito.
"Sumunod nalang kayo sakin.." Turan ko, tumayo na si Vernon ganun din si Gio.
Inilapag nila ang mga materials sa sahig at inilatag ang outline sa lamesa.
"Gladly I bought everything we need.." Naka ngiting turan ni Vernon. Napa singhap lang ako pero hindi nila narinig.
"Start na tayo?" Tanong ni Gio at tumango ako.
"Kuya, ask ni kuya Franz kung you're going downstairs ba or I will bring your miryenda here?" Naagaw ang attensyon naming tatlo ni Mile nang sumilip ito sa art room.
"Paki dalhan nalang kami Mile busy pa ehh.." Tumango siya at umalis na.
"Gio paki abot naman ng glue gun.." Paki-usap ni Vernon. Nakuha na ni Gio ang glue g*n nang bigla siyang napa aray.
Halos mabitawan namin ni Vernon ang hawak namin na part ng sky scraper
"What happened !?" Alala kong tanong.
"Wala 'to..napaso lang." Sagot niya at inihipan ang daliri niya.
"I'll be back.." Turan ko at agad kinuha ang ointment sa medicine kit dito sa art room.
Every room in our house may medicine kit para kung saan ka man abutin ng aksidente.
"Use this.." Ini abot ko kay Gio ang ointment.
"Hindi na Dev..okay lang.." Sagot niya, umirap ako at napa pitik ng dila.
"Wag na makulit Ms.Barzuelo.." Seryoso kong turan. Dahan dahang inabot ni Gio ang ointment at nilagay sa palad niya.
Wait. Did I just got worried about this girl? Hayst!
"Kuya eat muna kayo.." Muli pumasok si Mile sa kwarto at inilapag sa isang table ang tray na may dala ng pagkain.
"Bakit ikaw ang nag dala? Asan ang mga tauhan natin?" Taka kong tanong.
"They are busy kasi sila kuya, so I volunteered na dalahan kayo ng snacks." Conyo niyang sagot.
"Sige na kuya, I will go downstairs na ulit.." Paalam niya at umalis na.
"Kuya Dev-
"Hey baby!" Umalingawngaw ang boses ni KB sa loob ng art room.
"What are you doing baby?" Tanong niya at hinalikan ako sa pisnge.
"A projects baby." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.
Nakita ko sa pinto na umiling iling si Franz at umalis.
"Why is that girl here?" Turo ni KB kay Gio.
"Pake mo? Eh ka grupo niya ako." Sagot ni Gio..napa tawa ako.
"Baby! Dont laugh nga.. inaaway niya ako tapos tinatawanan mo lang?!" Pag iinarteng tanong ni KB, minsan talaga na aartehan na ako sa girlfriend ko ehh..
"Sige na baby, busy kasi kami, I cant hang out with you today." Sagot ko kay KB, nag pout siya which is cute.
"But baby, madalang na nga tayo mag kita kasi ang daming schoolwork's tapos weekend ngayon pero busy ka.." Malungkot niyang turan.
"Next time nalang baby please? Promise kapag tapos na kami I'll call you immediately.." Pag lalambing ko.
"No! Tomorrow! We'll be going to the mall. Tapos man kayo or hindi.." Umalis siya sa bisig ko at nag martsa palabas.
Tinaklab niya ang pinto na naging dahilan nang malakas na tunog nito.
Nang tuluyan siyang maka alis ay narinig ko ang tawanan ni Gio at Vernon.
"Baby don't nga inaaway niya ako..bwiset!" Pang gagaya ni Gio kay KB.
"Pare.. toyohin pala girlfriend mo?" Ani ni Vernon na ikinatawa ni Gio..umirap lang ako at tiningnan ang oras.
Almost 7pm na, dito na sila nag lunch of course, malapit naman na matapos ang project namin kaya okay lang.
Makakaya namin itong tapusin ngayong araw. So tomorrow makakapag date na kami ni Kayzee.
"We're done!" Anunsyo ni Vernon..
"Yes finally! High five!" Sigaw ni Gio atnakipag high five.
"Hoy Dev na May toyo ang girlfriend..high five.." Tawag niya, nakipag high five pa rin ako at nginitian siya ng pilit at halata niya kaya napa tawa siya lalo.
Biglang tumunog ang phone ni Vernon.
"Hello?"
"Yes...okay..okay okay I'll be there.." Ibinaba ni Vernon ang tawag.
"Uhh guys... sorry ha.. I have to go na kasi may emergency sa bahay..hindi ako makakapag linis.." Turan nito.
"Sige sige.. marami ka naman nai tulong.. kami nalang ni Dev ang mag lilinis.." Tiningnan ko si Gio, pero pinang lakihan niya ako ng mata..
"Thanks guys... I have fun..good bye." Takbo na palabas si Vernon ng kwarto ay naiwan kami ni Gio.
"Ikaw lang mag lilinis niyan.. ikaw lang ang nag volunteer.." Turan ko at bumagsak sa couch.
"Aba! Aba Mr.Altairavez... tumulong ka rin, ka grupo kita..kaya tulungan mo ako maglinis." Sita niya sakin.
"Sinabi mo na.. tumulong ako, and besides sagot ko ang venue at miryenda niyo. Even lunch.. so ikaw nalang mag linis.." Ipinatong ko ang braso ko sa mata ko at pumikit.
"Ayaw mong tumulong ha.." Narinig Kong sabi ni Gio at kumunot ang noo ko..what does-
"Ahhh!Gio Aray!!" Sigaw ko at agad inalis ang braso sa mukha ko bago tingnan ng masama si Gio.
"Yan! Nang magising ka at maglinis na!" Sabi niya at tumayo na, nag simula na siyang mag linis.
Tiningnan ko ang hita ko, baliw talaga 'yang babaeng 'yan. Pinisil ba naman ang hita ko nang napaka lakas.
Ginulo ko ang buhok ko at tumayo na rin, nag simula na rin akong maglinis.
Nang matapos namin linisin lahat ay naka hinga ako ng maluwag.
"Tapos na rin.. uuwi na ako..thanks Dev ha?" Tumango lamang ako habang naka upo sa couch..si Gio ay kinuha na ang kanyang gamit ay aalis na.
"Oh Ate Gio.. aalis kana?" Napa tingin ako sa pinto nang narinig ko ang boses ni Franz.
"Kuya Dev.. sabi ni mom ay dito mo na daw paka inin si Ate Gio.. ihatid mo na din daw siya pag uwi sabi ni mom.." Walang kalutay lutay na bigkas ni Franz.. nag katinginan kami ni Gio.
"Uh Franz sabihin mo sa mom niyo 'wag na nakakahiya.." Sagot ni Gio.
"Wag kana mahina Ate Gio, gusto ka din daw maka usap ni mom..Tara na.." Umalis na si Franz sa harap namin.
Hindi na naka sagot si Gio.
Sumunod kaming dalawa sa dining table at andun na si mom at ang dalawa kong kapatid.
"Hey Dev finally you're here...Hi hija.." Bati ni mom sa'min ni Gio..
"Seat at kakain na, kayo nalang ang hinintay." Umupo na kami ni Gio.
As usual we prayed before eating , buti nalang pati si Gio sanay an mag dasal bago kumain.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si mom..
"Gio right? Kumusta naman ang anak ko sa School?" Tanong ni mom kay Gio, muntikan pang nasamid si Gio dahil sa tanong ni mom.Nakakahiya kaya.
"Okay lang po siya tita.. mabait na.. student po si Dev.." Sagot ni Gio at napatingin siya sakin.
"Babayaran kita." Bulong ko sa kaniya, dahil alam natin na hindi totoo ang sinabi niya ag kailangan ko itong bayaran. Napa ismid naman si Gio sakin.
"Well that's good, nung nalaman ko kanina na may pupunta kaibigan ang anak kong si Dev ay tuwang ako. Madalang siyang mag invite ng friends niya dito sa bahay.." Kwento ni mom.
"So... girlfriend kana ba ni Dev?"
"Mom..!" Sita ko kay Mom nang magsimulang ubuhin si Gio.. inabutan ko siya ng tubig at hinimas ang likod niya..
"Ay naku po tita..hindi po." Sagot ni Gio at bumagsak ang expression ni mom.
"Mom you know I already have a girlfriend.." Turan ko and mom looked at me.
"But I don't like her..I like Gio." Sabi ni mom nang naka ngiti kay Gio.
"Thank you po.." Nahihiyang turan ni Gio.
Nang matapos kaming kumain ay ipinahatid na ni Mom sakin si Gio sa bahay nila.
"Thank you nga pala Dev ha.. bye ingat ka!" Kumaway siya at pumasok na sa bahay nila..ako naman ay umuwi na.
Gio's POV
Nang makapasok ako ng bahay ay laking gulat ko nang naka bantay sakin sila mama at papa pati si Zander at Cat.
"Bakit?" Takang kong tanong.
"Hmm... Dev pala ate ha?" Kinilatis ako ni Zander.
"Infareness Ate..masipag ka ihatid.." Kiniliti ako ni Cat..
"Anong apelyido nung lalaking iyon anak?" Tanong ni papa.
"Hayst papa naman ehh..Altairavez po." Sagot ko at tumili si Cat.
"Talaga Ate?!? Crush ko kaya yung mga Altairavez!!" Tili ni Sam.
"Pano mo naman sila nakilala?" Tanong ko, eh grade eight palang si Cat.
"Ate ano kaba?! Models kaya sila!" Nanlaki ang mata ko, models sila!!?
Bakit hindi ko alam?!
"Hay naku.. bahala ka.. aakyat na ako at lagod ako. Kumain na rin po pala ako.. goodnight ma, pa, Cat ,Zan.." Tuluyan na akong pumasok ng kwarto.
Naka higa na ako at malinis na din nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Mokong Na Altairavez:
Gio May problema..
Napa irap ako nang mabasa ko ang text at nagsimula nang mag type.
Me:
Ano?!Bakla ka?
Napatawa ako sa sagot ko.
Mokong Na Altairavez:
Baliw ka talaga! Hindi! Nasira yung project natin.
Tangina! Pano na 'yan!
Me:
Sige..pupunta ako jan bukas,ako nalang mag aayos. 'Wag na natin abalahin si Vernon
Mokong Na Altairavez:
Sige ikaw bahala..goodnight?
Tinitigan ko ang huling text ni Dev, nag goodnight siya sa'kin?!?
"Nag goodnight siya sakin?!?" Di ko makapaniwalang bigkas na medyo malakas at narinig ni Zander.
"Hay naku Ate! Dev pa more!" Hindi ko na siya pinansin ag tiningnan muli ang text ni Dev.
Bwiset bakit ako kinikilig?! Kinikilig ako?! Hindi!Hindi ako kinikilig.
"Bwiset talaga.." Itinago ko na ang phone ko at natulog.
Bwiset ka talaga Devdev.
Ay! Hindi ko pala natanong sa kaniya yun, sayang.
Napatawa ako sa iniisip ko.