Gio's POV
"Mag iingat anak.. tsaka malaking bahay ang pupuntahan mo baka maligaw ka.." Bilin sa'kin ni mama.
It's Saturday at ngayon kami magkikita kita nila Vernon at Dev sa bahay ng mga Altairavez. Inaamin ko kinakabahan ako. Its Altairavez household I'll be going at.
Pinag handaan ko ang araw na ito, nagpatulong ako sa kapatid kong babae na mamili ng damit na isusuot.
High waisted jeans ang sabi ni Cat na maganda, pinasuot niya ako ng three fourths na t-shirt saka ito iti-nuck in sa pants ko. Naka converse ako na pula sa pang paa.
Nakakahiya naman siguro kung pupunta ako dun na hindi maayos at presentable ang suot ko. Naka sakay na ako ng jeep papunta sa address na binigay sakin ni Dev.
Dala ko na din ang sketch at outlines.
Tumigil ang jeep sa isang gate, nag taka ako.
"Hanggang dito nalang mo yung jeep miss." Bigkas ng driver tumango ako at bumaba pero siyempre nakapag bayad na ako.
Isa itong subdivision, at gate palang nito ay pang mayaman na.
"Saan po kayo miss? At ano pong pangalan?" Tanong ng guard sakin na nasa guard house.
"Maria Giovanne Barzuelo po pupunta po ako kay Devante Savedra Altairavez.." Sagot ko, tumango ang guard at pumunta sa Isang telephone sa guard house.
May kausap siya dito, tumango tango siya bago binaba ang tawag.
"Paki sulat nalang po ng pangalan niyo sa log book Maam, tsaka makikibigay na din po ng ID." Sinunod ko ang mga sabi niya, School ID ang binigay ko sa kaniya.
"Maam pag labas niyo po saka niyo makukuha ang ID ninyo.." Turan niya, tumango lamang ako at saka niya binuksan ang malaking gate ng subdivision.
Nang makapasok ako ay laking ginhawa sa pakiramdam. Awan ko ba pero kinakabahan ako kanina habang kausap yung guard.
Binilang ko ang bawat block sa subdivision, pati bahay at street. Nang makarating ako sa linya nang bahayan kung saan andun ang bahay ni Dev, nag simula ko nang kilatisin ang mga bahay.
"Brown ang bubong.." Bulong ko, jindi naman mahirap hanapin iyon, kaso talagang malaki ang subdivision na ito at magkakalayo ang bahay.
Dahil yung ibang bahay parang may sarili ulit na subdivision na sa kanila sa sobrang laki ng lote na pag mamay ari.
"Alin kaya dito?" Tumingin ako sa dalawang bahay na napag gigitaan ako. Parehas itong malaki gaya ng sabi ni Dev.
May swimming pool ang isa at ang isa naman ay tila may garden sa harap.
Pero ang sabi ni Dev na ang bahay nila ay parehas may swimming pool at garden sa harap. Wala nang ibang sinabi si Dev na hitsura nang bahay nila.
Parehas malaki, parehas brown ang bubong, 'yung isa may pool 'yung isa may garden.
"Pano na 'to?! Alam naman niya na may kapit bahay sila tapos hindi clear and instruction.." Ungot ko at napa kamot sa ulo.
"Maam ano pong hanap nila?" Nagulat ako ng may nag salita mula sa gate ng isang bahay na pinag pipilian ko.
"Uh.. ate saan po kaya ang bahay ni Devante Savedra Altairavez?" Nahihiya kong tanong.
"Ay Maam! Dito po.." Sagot niya,tingnan ko ang bahay lero ang bahay na tinutukoy niya ay ang may garden at ang walang pool.
"Sigurado po ba kayo? Kasi sabi po sakin ni Dev- I mean Mr.Altairavez ay may pool din ang bahay nila..." Turan ko, kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ng babae.
"May pool po dito maam.. nakikita niyo po 'yang bahay na katabi na may pool?" Turo niya sa katabing bahay at tumango ako.
"Sa Altairavez din po 'yan... 'yun din po.. tsaka 'yun.." Nanlaki ang mata ko.. so meaning yung mga bahay na naka palibot sa'kin ay sa Altairavez?!
"Anjan po ba si Mr.Devante Altairavez? Pinapapunta po kasi niya ako at may project kaming gagawin.." Tanong ko, paano ko ba sasabihin kung pwede akong pumasok?
"Ah ganun po ba Maam? Ngayon lang po nag papunta si Sir Vedra ng kaibigan niya.. sige po titingnan ko.." Sagot niya at umalis.. Vedra?Si Dev ba tinutukoy niya?
Tumingin ako sa paligid.. ang mga bahayan na nasa paligid ko ay sa kanila?
Pero ang tinutukoy ko kanina na parang isang subdivision sa loob ng isa pang subdivision ay katulad ng bahay nila Dev.
Talagang ngang mayaman sila.. parang palasyo na ang bahay nila.. halos sakop nito ang kalahati ng subdivision na Ito.
"Maam.. tulog pa po si sir Vedra..pero sabi po ni Madam ay pumasok na kayo.." Binuksan niya ang gate at pinapasok ako.
Kung maganda na ang bahay nila kung titingnan mula sa labas, ay na triple ang ganda nito sa loob.
Para akong nasa fairytale dahil sa ganda ng mga bulaklak sa garden nila. May fountain at may pool napaka layo ng estado ng buhay nila sa buhay ko.
Papunta ako sa isang pinto na nakikita ko, maganda ang pinto na iyon, may mga carvings at designs.
"Maam hindi po yan ang pasukan.. garbage room po 'yan.." Nagulat ako nang pigilan ako ng babae. Garbage room?!?Eh mas maganda pa 'to sa bahay namin!
"Dito po tayo Maam.." Sinundan ko siya, muntik nang mahulog ang aking panga ng makita ang main door ng bahay nila.
"Nanaginip ba ako?" Bulong ko, narinig kong humagikhik ang babae.
"Ganyan na ganyan din po ang reaksyon ko nung unang araw ko dito.." Kwento niya at napa ngiti ako.
Binuksan niya ang pinto na para bang ang bigat igat nito dahil sa sobra nitong laki.
"Diretso lang po kayo Maam.. may mga ibang katulong po kayo jan.. sabihin niyo lang ang pakay niyo at siguradong may utos na si madam sa mga 'yun." Bilin ng babae at umalis na. Hindi manlang ako nakapag pasalamat.
Ginawa ko ang sinabi niya at dumiretso ng lakad, napaka laki ng bahay nila! Ang gaganda ng gamit, may mga ginto at marble din na gamit.
"Sa dining po tayo Maam.." Nagulat ako nang inalalayan ako ng isang babae. Siguro nga katulong sila dito pero mas level up.
Dahil may mga uniform sila, pero di gaya ng suot ng isa kanina.
"Hinhintay po kayo ni madam sa loob.." Iniwan niya ako na nakatanga doon. Madam?!? Mama ba 'yun ni Dev?!?!
Hala! Eh baka mukhang haggard na ako dahil sa biyahe at paghahanap ng bahay.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang naglakad sa dining room nila. Pero ang hindi ko naman alam ay isang palang buffet room ito.
Napaka laki ng dining room nila!At napakaganda!ang haba ng table at ang dami ng pagkain.
"G-Good morning po.." Bati ko nang agad kong makita ang babae na naka upo sa dulo ng lamesa.
"You must be Ms.Barzuelo right?" Bungad nito sa'kin alam niya pangalan ko?
"Nasabi ng guard sa'kin na may pupunta daw sa bahay nang anak kong panganay, kasama na rin don na sinabi ng guard ang pangalan mo kaya alam ko." Nakaka basa ba siya ng isip!!? PAano niya nalaman na 'yun ang insiip ko?
"Halata kasi sa mukha mo na nagulat ka nang alam ko ang apelyido mo.." Nanlaki ang mata ko,what the?!
Napatawa ito ng bahagya. "Don't be shy sweetheart.. come on, eat with me.. maraming naka hain.."Inakit niya ako at nginitian.
Ang ganda ng ngiti niya, pero hindi ko pa nakikita ang isa manlang sa anak niya na ngumiti kaya wala akong alam kung sino ang nagmana sa magka kapatid.
"Ahh wag na po Madam.. nakakain na po ako." I refuse, nakakahiya kaya, may mga bad habit pa man din ako sa pagkain.
"What's with the madam sweetie? Mga katulong ag trabador lang ang natawag sakin ng ganun.. for you it's tita.. since ikaw ang unang babae at kaibigan na pinapunta dito ni Devdev ko.." Ang cute naman ng nickname Devdev..pang aasar ko pala 'yun kay Dev mamaya.
"Ah ganun po ba? May isa pa po kaming ka grupo na dadating,hihintayin ko po muna siya.. si Dev po ba?" Tanong ko.
"Natutulog pa sa kwarto niya, go check on him, sa third floor 'yun room on the left. May naka lagay na 'do not disturb' but you can go inside.." Turan niya habang inaasikaso ang pagkain niya.
"S-Sige po..pupuntahan ko na po.." Sagot ko and she nodded.
"Go sweetie." With that pumunta na ako sa nakikita kong hagdan. At 'yung hagdan na 'yun ay ang nasa gitna ng kanilang palasyo.
Double wing iyon pero napag desisyunan ko na sa right wing dumaan. Bawat hakbang ko ay ninanmnam ko. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makaka punta sa ganito ka laking bahay.
Bahay pa ba 'to? Omansion? Siguro palasyo.
Wait. Did she just say third floor? Nag hanap ulit ako ng isang hagdan. Pero imbis na hagdan ang makita ko,isa iyong elevator.
"What the..!?" Pumasok ako dito sa sobrang pagka excited ko, I press third floor at nagsimula nang umakyat hto,Hanggang sa napatingin ako sa baba.
"s**t!" Irit ko, glass ito sa lahat, glass ang pader, kisame at sahig. Aatakihin ata ako sa puso nito.
Tumunog ang elevator senyales na nasa third floor na ako.
Lumabas ako aT laking gulat ko nang makita ang sangkaterbang pinto.
"Left daw diba?" Paninigurado ko, hindi ko inintindi ang kanan at nagsimula nang hanapin ang pinto na may naka lagay na 'do not disturb' gaya nga ng sabi ni tita.
"Dev?" Tawag ko ay kumatok.
"Dev!?Si Gio 'to.." Katok ko ulit.
"Dev papasok na ako! Buksan mo 'yung pinto!" Nilalakasan ko ang boses ko, buti nalang at wala pang ibang tao dito.
Naglakas loob ako at binuksan na nag pinto, the f**k?! Hindi siya nag lolock?Paano kung pasukin sila nang magnanakaw?
Pero imposible, may mga security camera dito ag mga tao sa labas.
Nang maka pasok ako ay sobrang dilim dito. Wala halos source of light kaya agad kong kinuha ang phone ko at nag flashlight.
Kung malaki ang bahay malamang malaki rin ang mga kwarto. Medyo hindi na ako na surprise sa part na 'yun.
Inaasahan kona na malaki ang kwarto ni Dev.
Nakarating ako sa may bintana at naka isip ng isang ideya.
Sa isang iglap ay pumangi babaw ang liwanag sa buong kwarto nang bukaan ko ang kurtina. Narinig kong suminghap si Dev.
"The f**k!cClose the damn curtains!" Nanlaki ang mata ko, ang hot ng morning voice niya. Kahit mag mura siya ay nakaka tindig balahibo ang boses niya.
Ganun ba yun? Kapag Altairavez ka? Kahit siguro hilik niya ang hot- Ano ba Gio! Focus! Ano bang pinag iisip mo!?
Umiling ako at hindi sinunod ang utos niya na saraduhan ang kurtina.
"f**k! I said close the f*****g curtains!" Hindi ko ulit ito sinunod ag pumunta sa may kama niya. Nalot na balot siya ng kumot mula ulo hanggang paa.
"Gising na Dev!" Inalog ko ang katawan niya.
"Hoy! Dev gising na!" Inalog ko ulit siya pero mas malakas.
"Go away!" 'Yun lang ang sagot niya at napairap ako.
"Baka nakakalimutan mo! Saturday ngayon, gagawa tayo ng project.." Pag tataray ko.
"I didn't forget about it.. just go away you midget.." Napa buntong hininga ako, saka ko hinigit ang kumot na naka balot sa kaniya.
At doon ay muntikan nang mahulog ang panga ko. Naka h***d si Dev at walang pang itaas, at sa pang baba naman ay boxers lang ang meron siya.
"Ahhh! Bwiset Dev! Bumangon kana at mag bihis!" Hinampas ko sa kaniya pabalik ang kumot at tumalikod. Nakita ko ang couch malayo sa kama niya at umupo doon saka kinuha ang phone ko.
"Get out of my room.." Utos niya, nag angat ako ng tingin at tinginan siya.
"Fine.." Dinampot ko ang bag ko at aktong lalabas na nang pigilan niya ako..
"Wait! Don't! 'Wag ka pala umalis, maliligo na ako, ipili mo ako ng damit.." Utos niya at bigla akong napa baling sa kaniya.
"Are you kidding me? Hindi mo ako utusang diablo ko. Tsaka malay ko sa taste of fashion mo?!" Sagot ko sa kaniya.
"'Wag ka nang mabunganga, just do what I said. Para mapa bilis.." 'Yun ang huli niyang sinabi bago pumasok ng..I'm guessing bathroom.
Sinara ko ang pinto at muling ibinaba ang bag ko. Lumapit ako sa isang pinto na I'm guessing ay isang closet niya.
Scratch that, walk in closet niya.
Pag bukas ko ng pinto ay tumanbad sakin ang hile hilerang mga damit.
May kapatid akong lalaki kaya alam ko 'to. Alam ko ang kukunin ko.
Nag hanap ako sa mga drawer ng brief, napili ko ang isang grey na brief ng Calvin Klein.
Then I went to the pants section. Yes pants section, mukha kasing mall itong walk in closet niya.
Tiningnan ko ang isang maong na pantalon, sabado ngayon, kung si Zander na kapatid ko ang mag dedesisyon, malamang shorts lang ang pipiliin nun.
Mainit daw kasi kapag maong pants. Kaya nag hanap ako ng mga short, jersey shorts ang kadalasan kong nakikita.
"Yun!" Kinuha ko ang isang short ng Fila. Pwede 'to.. pang itaas naman.
Naghanap ako ng magandang pang itaas. Black 'yung short na nakita ko. Ano kayang maganda na pang itaas?
Hinahawi ko ang mga t-shirt na isa isa,napa tigil ako nang makita ko ang isang Super Mario na t-shirt. What the!
"Ito nalang HAHAHHA" Napa tawa ako, Siguro ay maiinis sakin si Dev kapag nakita niya ang pinili ko.
Pero kasalanan niya, ako ang pinapili niya. Lumabas ako ng walk in closet niya at ipinatong nang maayos ang mga napili ko.
Itinuon kong muli ang sarili ko sa cellphone, nag text na din si Vernon na malapit na siya. Ilang minuto ang naka lipas nang biglang tumunog ang door knob ng bathroom ni Dev.
Lumabas ang topless at tuluan na Dev mula sa cr. Kung hindi ko pipigilan ay baka tumulo ang laway ko. Average lang ang katawan ni Dev.
Hindi malaki at hindi rin fit. Siguro ay dahil iyon sa kaniyang pag babasketball.
"Asan na yung damit?" Tanong niya, na gising ako mula sa katotohanan nang mag tanong siya.
"A-Ah Eh..n-nasa kama mo." Utal kong sagot, napa pitik ang dila niya at umiling iling habang tumatawa.
Malamang ay dahil sa pag kaka utal ko.
"Hindi ka lalabas?" Irita niyang tanong, bakit ba laging mainit ang ulo nang mokong na 'to?
"Wag na.. pumunta ka nalang sa walk in closet mo.." Sagot ko sa kaniya habang naka tuon ang sarili ko sa cellphone.
"Inuutusan mo ba ako?! Eh kwarto ko 'to!" Nag taas pa siya ng boses.
"Edi ako nalang ang pupunta sa walk in closet mo... sabihin mo nalang kapag tapos kana.." Pumasok ako sa walk in closet niya at naupo sa sahig.
May malambot na carpet iyon kaya comfortable na din.
Nag taka ako ng ilang minuto na ang nakaka lipas ay hindi pa niya ako kinakatok.
"Dev tapos kana ba?" Sigaw ko sa pinto. Kumatok ako baka sakaling hindi niya napapansin.
"Hoy Dev tapos kana ba?!?" Sigaw ko ulit at mas pina lakas ito.
Pinihit ko na ang Door knob. Pero bakit hindi na bukas?!
"Hoy Dev palabasin mo ako!!" Sigaw ko at pilit na binibuksan ang door knob at hinahampas ang pinto.
"Bwiset talaga!" Sigaw ko at lumayo sa pinto, nakita ko ang phone ko na nag ilaw.
Sakto! Andito na si Vernon!