7

1637 Words
Gio's POV "Naku Chang! Akala ko naman nakipag tanan kana!" Bungad sakin ni Pollyn. Napa-irap ako at napabuntong hininga. Tinapunan ko naman ng masamang tingin si impakta. "Nakipag tanan?! Pinag sasabi mo?" Sarkastiko kong tanong. Muli akong napahinga ng malalim at tumingin sa ibang direksyon habang pinapaypayan ang aking sarili. "Pano ba naman kasama mo lang naman ang isang Altairavez at Salazar kanina.." Sagot ni Pollyn, napakunot ang noo ko at nagbalik ng tingin kay Pollyn. "Oh? Eh ano naman?" Tanong ko, ano naman kung kasama ko si Dev at Vernon kanina? Anong big deal dun? Wala naman ibig sabihin 'yon. Napa singap si Pollyn. "Ano ba chang! Si Dev sikat dito bilang basketball player at siyempre halos pagmamay ari ng magulang niya ang School. Si Alexander naman, sikat na guitarista dito sa campus, and mind you mag kalaban ang family nila sa business industry.." Napa-awang ang pareho kong labi mula sa isa't isa. Nanlaki ang mata ko pero nakakunot pa rin ang aking noo. "At paano mo naman nalaman ang mga iyan, aber!?Tsaka, Alexander?" Napa singhap si Pollyn at pinag cross ang braso niya. Napa-irap ito. "Wala, naririnig ko usap-usapan ehh.. pinag uusapan ka nga kasi! Tsaka,Vernon Alexander kasi 'yun! Hayst! Ano na tayo Chang?!" Sagot niya. Bago napa-irap muli at tinalikuran ako. "Tama na kayong dalawa dyan, umuwi na tayo.." Akit ni Rio. Napa singap ako. "Eh bakit ba naman kasi hinintay niyo pa ako?! Eh magkakalayo ang bahay nating tatlo.." Ani ko, isipin niyo 'yun. Kahit silang dalawa ay magkalayo pero mag ka sabay paring umuwi. Para silang nag sasayang ng oras kakahintay. Ganun na nga! Nagsasayang sila ng oras kakahintay sa akin. "Naku chang! Diyan ka nagkakamali! Na realize ko lang kahapon na isang sakay lang kami ni Chang Rio. Magkasunod na lugar lang ang bahay namin ni chang Rio. Pero ikaw malayo talaga pero sabi ni chang Rio na hintayin kana daw namin." Halos si Pollyn nalang ang sumasagot sa tanong ko. Si Rio naman ay nananatiling tahimik at tila namumutla. Bigla tuloy ako nag-alala. Tinapik ko ito sa balikat at agad siyang nag baling ng tingin sa akin. "Uyy Rio okay ka lang ba?" Alala kong tanong. Hindi ito sumagot at ngumiti lang. Pero 'yung ngiti niya, halatang pagod, halatang pilit. Para bang may sakit siyang iniinda. Nakakapag-alala na. Nung isang araw nahimatay siya sa banyo. Tapos ngayon, namumutla naman siya. Napasaltik ang dila ko. "Umuwi na nga kayo nang makapag pahinga na, sige na kaya ko na sarili ko." Itinaboy ko na ang dalawa para makapag pahinga na sila. Napapalakpak si Pollyn. "Sige na chang! Ingat! Bye Bye!" Naglakad na sila paalis. Kumaway-kaway pa si Pollyn, si Rio naman ay simple lang na nag paalam. Habang naghihintay ako ng jeep nasasakyan at tuluyan nang nawala sa paningin ko ang dalawa ay naka rinig ako ng kakaibang ingay, nagsisigawan. "Kuya Dev kasi ang tagal! Kanina pa tayo hinhintay sa hospital nila mom at dad!" Pamilyar ang boses kaya napa tingin ako sa direksyong pinag mumulan ng ingay. "Dahil kasi sa Gio na yun! 'Wag niyo na ako sisihin- aray Franz 'wag ka manulak!" Sigaw ni Dev bago siya tuluyang maipasok sa kotse nila. Napakunot ang noo ko. "Anong nangyari dun?" Dev's POV Tumigil ako sa harapan nila Mile at Franz. Hinihingal pa ako at naghahabol ng hininga nang biglang mag sermon si Franz. "Kuya bakit ngayon ka lang?! Kanina pa tayo hinihintay nila mom!" Tiningnan ko ang mukha ni Franz, inis nanaman, hinihingal pa ako dahil sa pagtakbo mula sa field papuntang main gate, sermon agad?! Napatungo ako at ikinaway ang kamay ko sa harap niya. "Please lang Franz 'wag mo na ako bungangaan.." Turan ko at nag-angat ng tingin. nakita kong napa irap si Franz bago pinag cross ang braso niya. "Kuya kuya! Kuya Peter is here na, lets go na!" Conyong akit ni Mile ng makita niya ang sasakyan namin. Parehas na-agaw ang attensyon namin ni Franz ng nakababata naming kapatid. "Tara na.. they're waiting for us.." Franz coldly said. Napa-ayos ako ng tayo at huminga muna ng malalim bago kami maglakad ni Franz papuntang gate. Magkasabay kaming naglalakad ni Franz nang biglang humaripas nang takbo si Mile pabalik sa amin na kaninang nauuna. "Kuya! Nag text 'yung mga Doctor bumaba nanaman daw ang blood pressure ni dad!" Alalang turan ni Mile, nagka tinginan kami ni Franz. At parehas nanlaki ang mata namin. "We have to make it there fast!" Ani ni Franz nagtatakbo na kami palabas. Metro pa ang layo namin sa sasakyanwnang biglang higitin ni Franz ang Steak ng backpack ko. "Kuya Dev kasi ang tagal! Kanina pa tayo hinhintay sa hospital nila mom at dad!" Ani ni Mile habang binubuksan ang pinto. Itinulak naman ako ni Franz papasok ng sasakyan. "Dahil kasi sa Gio na yun! 'Wag niyo na ako sisihin- aray Franz 'wag ka manulak!" Sigaw ko nang mas itulak ako ni Franz papasok ng kotse. Sunod si Mile at umupo sa likod ko. Isinara na ni Franz ang pinto at siya naman ang nasa passenger seat. "Kuya sa hospital bilis!" Tarantang utos ni Franz sa driver namin. Ilang minuto ay parang lumipad ang sasakyan, dali-dali kaming lumabas at humaripas ng takbo papasok ng ospital. Hindi na kami pumunta sa receptionist dahil amin naman itong ospital at alam namin ang pasikot-sikot dito. Naka-agaw kami ng attensyon mula sa ibang pasyente ganun din sa staffs at other nurses at doctors dito dahil sa pagtakbo namin na halos makabangga na kami. Nang makarating kami sa hospital room nila mom at dad ay mukhang under control na ang lahat. Maraming doctors at nurse ang naka palibot kay dad. At mukhang wala sa kanila ang kahit sino na natataranta. "How is he?" Tanong ko.. one doctor remove his face mask. "He's blood pressure is under control now, mabuti nalang at nandito pa siya before muling bumagsak ang blood pressure niya kung hindi ay mapapasama ang lagay niya.." Sagot ng isang Doctor. Tumingin muna ako kay dad bago muling ibinalik ang tingin sa doktor at tumango. "For now, mom niyo lang muna nag makaka uwi, your dad still needs to stay here dahil kailangan maging stable ang blood pressure niya. And of course, we need to monitor him. " Dagdag ng isang Doktor. Few minutes after ng ilan pang check-ups at bilin ay umalis narin sila at naiwan kaming mag-anak. "Mom.. how are you?" Lumapit ako sa tabi ng kama ni mom. She smiled and held for my hand. "I'm okay na Dev, for now kailangan natin ipag dasal ang dad ninyo.." Sagot niya and I nodded. While caressing her hand with my thumb and her head with my other hand. I went to dad's bed. I touched his hands. His hands are full of needles and dextrose. There's also a tube in his mouth at nakapikit siya. "Dad... please be strong for us. Hindi namin kakayanin kapag wala ka.."I smiled, muntikan na may luhang pumatak pero agad kong pinahid ito. I don't want crying, it will be weird. Specially gising si mom and I don't want her seeing me crying. Pumunta ako sa may couch kung saan andun si Franz at Mile. Minding their own businesses. "Doing something again Mile?" Tanong ko nang maka upo ako sa couch katabi ni Mike. "Project kuya.." Tipid niyang sagot, tumango ako at napa tingin naman ako kay Franz. "Ikaw? Project din?" Tanong ko, Franz coldly looked at me. He shake his head. "No kuya, para sa club 'to.." Sagot niya and started typing on his laptop. My brows furrowed. "Which one?" Tanong ko at napa angat siya ng tingin. He raised his left brow. "What do you mean which one?" His brows furrowed. "I mean which club, you have fencing club, football club, ano pa nga? Swimming at 'yung actual club." Sagot ko even counting with my fingers, showing it to him. He sigh."Fencing kuya, poster lang naman.." Sagot niya and I nodded, I sigh and about to lean on the couch when I suddenly remember about Gio. I still remember how she just stopped me and drag me toward's that Salazar. Not even asking me kung free ako. But she ask that guy. Siguro kahit tumanggi si Vernon ayos lang sa kaniya. Napa saltik ang dila ko. "Bwiset talaga ang Gio 'yan! Hayst!" Napa hilamos ko ang mukha ko. At napabuntong hininga. Then Franz suddenly talked. "Aren't you supposed to be thankful to her? Kasi kung hindi ka naistorbo or kung ano 'man ang nangyari related to Ate Gio, masusundo agad natin sila dad and then aabutan ng pag bagsak ng blood pressure si dad sa daan. Which may lead him to another major injury.. so hindi ka dapat nagagalit kay ate Gio by this moment but you should be thankful to her." Hindi ko alam kung maiinis or natutuwa ako dahil once in a lifetime ang dami ng mga salitang lumabas sa bibig ng kapatid ko. But at the same time, he's taking Gio's side. "Ano ba ang nakain mo at parang hindi kana tipid magsalita?" Pang aasar ko, he rolled his eyes. "Awan sayo kuya.." He ignored me and continue his work. I just brush those thoughts off. Maybe he's right, maybe I should be thankful to that butterfly, somehow. I lean on the sofa and sighed. I was startled as my phone vibrates, I took it out my pocket to see who it is. Unknown: Okay ka lang ba? My brows furrowed.. sino 'to? Hindi ko naman binibigay kung kani-kanino ang phone number ko. I started typing a reply. Me: Who's this? I sigh when I hit send. Wala pang isang minuto nang muling mag vibrate ang phone ko. Unknown: Hindi na mahalaga kung sino ako, I'm asking kung okay ka lang. Napa buga ako ng hangin. Me: Kung sino ka man, yes I'm fine! Now stop bothering me! I put my phone back to my pocket. And sighed, I admit it now thank you nalang talaga kay Gio, kung hindi niya ako hinarang malamang nasa masamang lagay ang dad namin. I just realized it now. May manuti rin palang maidudulot ang paru-paro na 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD