6

1611 Words
Gio's POV "So today everyone magkakaroon kayo ng groupings for your project, in your project gagawa kayo ng miniature ng kahit anong sky scraper na mapipili ninyo." Ang iba ay na lungkot at ang iba ay natuwa. Kung tutuusin ay dapat handa sila sa mga ganitong bagay dahil sa Engineering Department sila pumasok. I sat there still, waiting na mai-announce ang ka grupo ko. Last period na 'to sa araw na 'to kaya hinihintay ko nalang na matapos at makakauwi na ako. "Your group consist of 3 members only.. okay first group.." Bumunot na ang guro namin. "Buenaventura, Cuanco, Clifford." Napa hinga ako, buti nalang ay hindi ako kasama sa grupo na iyon dahil hindi ko sila kilala. "Vantres, Egnasio, Mexillano.." Buti naman ay hindi ako kasama sa grupong iyon, puro mga kalalakihan. Sana manlang ay may babae akong ka grupo, o kung hindi man ay ka kilala ko. "Barzuelo.." Ay s**t! Natagalan sa pag babasa ang teacher namin ng kasunod.. malabo na rin kasi ang mata ni Maam. "Salazar..and.." Salazar? Hindi pamilyar, well naririnig ko at nakikita ko na din ang lalaking iyon, Oo lalaki, pero hindi kami close. "Altairavez." "What?!?" Nagulat ako ng ka sabay kong napa Sigaw si Dev. "Maam..are you sure?! Si Barzuelo?! Ka grupo ko?!" Sigaw ni Dev, aba naman! Para namang magiging dumbbell ako! Baka siya pa nga maging dumbbell samin. "Yes Mr.Altairavez, I don't care kung may conflict kayong dalawa, that's the groupings na binigay ko aT yun ang masusunod.." Sagot ni Maam Kichoso. Wala nang nagawa si Dev na nasa tabi ko kung hindi samaan ako ng tingin. As if naman na matatakot ako sa lalaking 'to. Natapos ang groupings shits at dismissal na. Ito naman talaga ang hinhintay ng lahat. Si Ian na iba ang kagrupo ay tila ayos lang sa kaniya ang mga kasama nito. Hindi na ako nagawang samahan dahil mag-uusap pa daw sila ng ka grupo niya. Eh kami kaya? Malabo na makipag usap si Dev tsaka lagi naman si snob 'yun, wala mo gwapo. Si Vernon kaya? Asan naba siya? Napa takbo ako pabalik ng classroom. Marami pa rin ang tao dito dahil mag uusap usap nga hinggil sa gagawin nila. "Asan na kaya-Aray!" Napa singhap ako nang muntikan akong matumba sa sahig. "Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan.. hayst!" Sinamaan ko ng tingin si Dev, siya talaga ang malas sa buhay ko. Feeling ko nga ay babagsak kami sa project na ito dahil sa kaniya. "Hoy Dev! Umiiral nanaman ang ka demonyohan mo! 'Wag ka munang umalis at pag uusapan pa natin yung project natin.." Dinuro duro ko pa siya, inis na inis na talaga ako dito. Pag may time mag papacheck ako ng blood pressure ko. "Hindi pwede! May pupuntahan ako!"Galit niyang turan. "Pake ko! Isusumbong kita kay maam kapag hindi ka nakipag cooperate samin! Ano ka dumbbell?!Tangatangahan?! Pabigat?! Pabuhat?! Dumb- "Oo na! Oo na!! Ang bunganga mo talagang babae ka! Sige na!" Pag putol niya sa salita ko, aba't anak ng-! Sumisigaw pa! "Sige na! Pumasok kana dun at baka wala na si Vernon!" Sigaw ko pabalik.. nakarinig ako ng isang pag singhap mula nanaman sa mga kaklase kong babae na nahuhulog ang panty kay Dev. Eh mukha namang pato. "Sige! May aangal?! Sinisigawan ko ang Devante ninyo?! Bigwas gusto?! Pag lang nalaman laman ko na dumbbell kayo sa grupo niyo! Ingungudngod ko 'yang mga nguso niyo sa lupa!" Banat na banat ang litid ko kakasigaw. Buti naman at nanahimik lang ang mga pato. Muli kong sinuri ang classroom baka sakali at sana ay nandun pa si Vernon. "'Yun!" Turo ko ng makita siya sa isang tabi, naka polong puti lang ito at naka ayos ang buhok pero napaka lakas ng dating. Hinigit ko si Dev papunta kay Vernon. "Aray naman!" Pag iinarte nito nang mabitawan ko ang pulsuhan niya. "Uhm...Vernon right?" Nahihiya kong tanong, nang magtaas ito ng tingin ay tila may liwanag na sumabog. Napaka ganda ng ngiti niya, ang mga ngipin ay napaka puti, ang hulmahan ng ilong niya ay parang dinaig ang London Bridge dahil sa matangos niyang ilong, at magandang nose bridge. "Uyy Gio.. kung bakit daw!" Hinampas ni Dev ang balikat ko at saka ako nahimasmasan. "Ahh..ehh ano?" Wala ko sa sariling turan, napa hagikhik nalang si Vernon, kahit ang tawa nito ay pang gwapo din. "Tanga talaga..." Narinig kong bulong ni Dev saka ko kinurot ang hita nito. "Tumahimik ka!" Sita ko.. nagtama ang mga mata namin ni Vernon. Napaka gwapo talaga! "You're Ms.Barzuelo right? And Mr.Altairavez? Ka grupo ko sa project..?" Gila ay naninigurado siya sa kaniyang mga tinuran. "Ahh yes.. tatanong ko lang sana kung pwede mag meeting tayo ngayon about sa project..pero kung may gagawin ka okay lang..." Naka ngiti kong turan. "Bakit siya tinanong mo kung may gagawin Eh ako basta mo nalang hinigit.." Bulong ni Dev sa tenga ko na agad kong nahampas sa braso. Napansin iyon ni Vernon kaya siya'y napatawang muli. "I'm free..are you two?" s**t! Ang gwapo niya kapag nag E-English! "Yes I am.." Sagot ko naman, dapat English din!English 'yung tanong eh. "How about you Mr.Altairavez?" Napa baling ako ng tingin kay Dev. "Subukan mong humindi, kikitilan kita ng buhay.." Pag babanta ko sa kaniya.. ngumisi lang ito. "I'm fine with it Mr.Salazar.." Sagot ni Dev na ikina luwag ng dibdib ko. "So what are we waiting for? Dito ba tayo mag-uusap or.. do you want to talk somewhere else?" Tanong niya.. napatingin ako kay Dev..ano ba isasagot ko dito? Tiningnan lang din ako ni Dev na para bang naguguluhan sa tingin ko, ang slow naman eh!!Nanghihingi ako ng tulong Dev! Intindihin mo naman! Pinanlakihan ko ng mata si Dev, pero 'yun lang din ang ginawa niya sakin. Kaya hinampas ko na siya. "Ah..yes..medyo maingay kasi dito sa classroom.. tara sa soccer field.. mas better dun.." Sagot ni Dev, nagpa tango tango lang si Vernon. "If that so.. I'll just fix my stuffs.."Paalam niya, itinabi na niya ang mga notebook niya and put away other things. "Let's go?" Akit niya, tumango ako at nagsimula na ang dalawang mag lakad. Nauuna silang dalawa ni Dev maglakad habang ako naman itong nasa likod nila. Tila lahat ng daanan namin ay tumatabi ang mga tao. Cause I'll be honest, gwapo naman si Dev, pero as I said, diablo lang talaga. Ito namang si Vernon, presko atmaaliwalas ang mukha. Hindi ako magtataka kung marami rin siyang taga hanga gaya ni Dev. "Saan tayo uupo?" Tanong ko ng makarating kami sa field. "Let's just sit here.." Ibinaba na ni Vernon ang bag niya, gumaya nalang ako at umupo na rin. Mabuti nalang ay hindi ako katulad ng ibang mga babae dito sa campus. Una, ang aarte kung sila ang aakitin na umupo sa sahig ay malamang mag iinarte ang mga iyon. Ikalawa, mga naka palda it dress sila kaya mahihirapan silang umupo. "So.. what sky scraper are we planning to do?" Panimula ni Vernon. "Uhm...maraming sky scrapers sa Hong Kong, mukhang maganda kung isa sa mga sky scrapers nila ang gawin natin.." Suggestion ko. "How about you Mr.Altairavez? Any thoughts?" Ibinaling ko ang tingin ko kay Dev, 'yan?! May maisip?! May isip pa pala yan?! "None, maganda na ang naisip ni Gio-I mean Ms.Barzuelo.." Napa awang ang aking bibig, what's with the formality?! "Okay.. so ano ba ang mga magagandang sky scraper sa Hong Kong? Para mai-plano na natin?" Tanong ni Vernon, or should I call him Mr.Salazar? Since nagiging formal kaming tatlo dito. "You know ' The Arch' is a very beautiful sky scraper... we can just do that." Sagot ko, tumango si Vernon habang naka ngiti, "Pero hindi ba napakaraming details nun?Mahihirapan tayo lalo na't miniature ang gagawin natin,hindi ba?" Bumaling ako ng tingin kay Dev. "I agree with Mr.Altairavez..nalthough maganda ang 'The Arch' cause I've seen that in real life mahihirapan tayo dito.." Nanlaki ang mata ko,so naka punta na siya ng Hong Kong?! "What about.. 'Bank of China Tower'..hindi kailangan ng masyadong details nito but kung gagamit tayo ng magagandang materials, maganda ang kalalabasan ng project natin.." Proud na turan ni Dev. "I've been in Hong Kong as well so nakita ko na ang tunay na ganda nito.." Dagdag pa niya.. nanliit bigla ang tingin ko sa sarili ko.. so sa aming tatlo ako palang ang hindi nakaka pumunta sa Hong Kong. "That's a great idea Mr.Altairavez... what do you think Ms.Barzuelo?" Bumaling ang tingin sakin ni Vernon maski ni Dev. Ano pa Bang magagawa ko?Its two versus one.. "Then let's do that.. I agree with Mr.Altairavez's idea.." Sagot ko at ngumiti si Dev, pero pang asar na ngiti iyon.. inirapan ko na lamang ito. Napatingin ako sa relo ko... 6:30pm?! Seriously?Napa tingin ako sa kalangitan, violet na ito, more like pink to violet ombré. Napaka ganda. "Kung settled na ang sting gagawin sagot ko na ang materials.. when and where will be our next meeting to the project? Pwede na siguro this coming weekend right?" Tanong ni Vernon. "Sagot ko na venue.. Saturday 7am.. gagawa ako ng group chat and I'll send you the address.." Turan ni Dev.. Vernon nodded. "Great.. Saturday then, 7am..may iba pa ba kayong concerns? Or may mga dapat pa bang pag-usapan?" Tanong ni Vernon. "If kay Mr.Salazar and materials, and sakin ang place.. ano sayo Ms.Barzuelo?" Tila ba talagang iniinis ako ni Dev. Malamang ay dahil hindi ako kasing level ng pamilya nila ni Vernon. "Well.. gagawa nalang ako ng plates. Para pag dating ng Saturday, gagawa na agad tayo is that okay?" Sagot ko ang Dev nodded. "That will do.. meron pa ba?" Vernon asked at wala nang sumagot. "Kung tapos na.. pwede na tayong umuwi diba? See you tomorrow guys!" Kinuha niya ang bag niya a isinakbat iyon. Naiwan kaming dalawa ni Dev. "Sino ngayon ang dumbbell satin?" Pang iinis niya. "Alam mo ang kapal mo. Hindi porket sayo na ang venue ehh sure na may maitutulong kana.. subukan mo lang na mag loko Dev, yari ka sakin!" Inis kong turan bago naglakad papunta nang main gate. "Nakakainis talaga! Napaka yabang ng diablo na 'yan! Gwapo sana- Natigilan ako bigla sa pagsasalita at paglalakad. Gwapo? Si Dev? Gwapo? Kadiri!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD