bc

Temptation Of The Mafia Boss

book_age18+
384
FOLLOW
1.0K
READ
possessive
sex
arranged marriage
dare to love and hate
mafia
billionairess
twisted
bxg
city
seductive
like
intro-logo
Blurb

Magsisimba lamang sana si Elora Arcelia Maxwell nang malaman niyang ikakasal siya sa isang lalaking hindi man lang niya kilala na si Dustin Lewis Suarez, isang Bilyonaryo at Mafia Boss.

Anong buhay ang kakaharapin niya sa kasal na puno ng sekreto at kasinungalingan?

chap-preview
Free preview
Simula
Elora’s POV Sa iba, ang kasal ay ang simula ng kanilang happy ending. Pero sa akin, ang kasal ay simula ng miserable kong buhay. Ang alam ko ang kasal ay isang sagradong pag-iisang dibdib na patunay kung gaano niyo kamahal ang isang tao. Ganun kasi ang nasaksihan ko sa lolo at lola ko pero bakit nandito ako ngayon? Magkaharap kami nitong lalaki na sa pangalan ko lang naman kilala. At pinapaalalahanan ang sarili na huwag sumagot sa tanong. Refuse when I can, run when I get a chance. “Elora, do you take Dustin to be your wedded husband to live together in marriage?” What? Tinatanong pa ba 'yan? Nope. I don’t think I can. “Do you promise to love, honor, cherish, and forsake all others, be faithful only to him so long as you both shall live?” pagpapatuloy pa ng pari. Faithful? Hindi ko nga kilala ang lalaking ito tapos kailangan maging faithful ako?! Father naman! Wala sa sarili akong umiling para alisin ang bumabagabag na tanong sa aking isipan. Napatingin ako sa pari na nakatingin din sa akin pabalik para malaman ang sagot ko. Wala akong maisagot dahil ano ba talagang ginagawa ko dito? Sobrang tahimik pa ng buong paligid na ramdam ko ang bawat hirap kong hininga habang iniisip kung anong dapat kong isagot. Dama ko rin ang lumalabas na pawis sa aking noo at kunti na lang mahihimatay na ako. At ngayon ko lang naisip na sana mahimatay ako nang makaalis ako dito. I swallowed hard as I tried to get rid of the lump on my throat so I could speak. Pero takot ako na baka iba ang masabi ko imbes na I do. Taking a deep breath to relax as my heart fluttered in my chest like a butterfly trapped in a glass jar. I hate this all! Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko para maging asawa ko. Hindi ako nakaligtas sa mabigat at mapagmatyag niyang tingin. Sa talim ng tingin niya, parang nasaksak na ako tagos hanggang sa buong pagkatao ko. Dustin Lewis Suarez, the heir of the Suarez Corporation and the legitimate face of the family business. And he’s here, looking so expensive and respectable man in his exquisitely tailored suit, which was perfectly made for his body. Walang duda na sa lahat ng lalaking nakilala ko, siya ang angat sa lahat. He’s tall, tanned skin, surpremely male on his strong jawline, perfectly in a clean hair cut, and he exuded a raw s*x appeal that could shake any girl’s equilibrium. Mukhang ayos naman siya sa nangyayari samantalang ako… gusto ko nang tumakbo palayo kung wala lang mga bodyguard na paniguradong dadampot sa akin kapag gumalaw ako sa kinatatayuan ko. This is absurd! Hindi ako masaya o umiiyak tulad ng ibang kinakasal. Wala man nga lang akong wedding bouquet at hindi man lang din ako nakasuot ng puting wedding dress. Simpleng red dress lang ito dahil akala ko magsisimba lang kami ni Mommy at pinauna na niya akong pumunta dito! Hindi ko alam na ikakasal pala ako tapos wala pa sila dito. Sana na lang din hindi kami dito sa simbahan kinasal dahil wala namang simbolo ang kasal na ito - wala itong saysay. At ngayon magiging asawa ako ng lalaking ito! “Miss Maxwell?” Hindi ko na nakontrol pa ang aking paghinga. Panic began to take hold of me. Luminga ako sa paligid at talagang wala akong matatakasan. Bakit may dala silang armas sa simbahan? Babarilin ba nila ako kapag tumakbo ako? My heart was beating loud and fast in my chest. And being alone here without anyone I know, makes me more depressed. “Miss-” “I-I d-do…” sinubukan ko ang lahat ng kaya ko para hindi ako maiyak sa sagot ko. Ni pagngiti ay hindi ko magawa. Muli kong binalik ang tingin ko kay Dustin. Marahas ang pagbuntong hininga niya ngunit tila isang bato naman siya habang nakatingin sa akin. Sobrang lamig ng kanyang tingin. Akala ko nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga ngunit ng kumurap ako, wala na ito. Magagalit ba siya kapag umatras ako? Ngunit ngayon napagtanto ko na hindi lahat ng kasal ay tungkol sa pagmamahal. Nakangiti namang tumingin ang pari kay Dustin at tinanong din ito at naging mabilis naman ang kanyang sagot. Hindi ko na nasundan pa ang ibang seremonya ng pari hanggang sa abutin na lang ni Dustin ang kamay ko. It was time for the rings. He squeezed my hand a bit, enough to convey his small warning. Tinignan ko siya, mata sa mata at muntik na akong atakihin sa kaba. Lalo na nung bumaba ang tingin niya sa aking labi bago ulit sa aking mata. Marahan niyang pinasok ang singsing sa aking daliri. Napatingin ako doon at isang magandang singsing na napapalibutan ng diamante ang nilagay niya. Sa ganda nito at saktong sukat nito sa daliri ko, tila ba napaghandaan ang pagbili ng singsing. Ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko na ikakasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, nagulat akong maabutan na makita nakatingin siya sa daliri kong may singsing at bahagya niya pang nilaro ito sa aking daliri. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko. It’s my turn. Inabot ko ang kamay niya para ilagay na rin ang singsing na binili niya para sa kanyang sarili. Pero marahil sa matindi kong kaba at panginginig ng aking kamay, nabitiwan ko ang singsing bago ko pa ito maipasok. Pinanood ko kung papaanong gumulong ang singsing sa ilalim ng upuan. Hindi ko na nilingon pa si Dustin, dali-dali kong binitiwan ang kanyang kamay at tumakbo para kunin ang singsing na nasa ilalim ng iniupuan ng kaibigan ata nitong si Dustin. Tumayo siya at akala ko siya ang kukuha ng singsing pero gumilid siya at mapang-asar na ngumiti sa akin. Asshole! Lumunod ako bago nilagay ang kamay sa aking puwetan para kung sakali man na umangat itong dress ko ay hindi ako masilipan. “Nakuha ko na!” medyo inis kong turan at inayos ang sarili. Nilagpasan ko ang kaibigan ni Dustin at lumapit na muli sa altar at sinubukan na umarte na tila wala lang ang nangyari. Pero gusto ko na talagang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. I felt my cheeks turn a bright shade of red. And now my ringless soon-to-be my husband looked so pissed staring at me. Anong magagawa ko eh sobrang kinakabahan ako? This is indeed my nightmare. “Shall we continue?” tanong ng pari. Mabilis akong tumango at binalingan si Dustin. “I’m sorry,” bulong ko sa labis na pagkahiya. Isang maliit na tango lang ang naging sagot niya. Naging mabilis ang pangyayari. Walang akong ibang narinig bukod sa lakas ng t***k ng puso ko hanggang sabihin na ng pari na… “I now pronounce you husband and wife…” Pagkatapos mismo na sabihin ng pari ‘yon ay sumenyas na siya sa kanyang tauhan at tumalikod sa akin at bumaba na sa altar. Lito kong binalingan ang pari na tumango lang at ngumiti, simpleng pagbati lang ang binigay bago din siya tumalikod at umalis na rin. Iyon na ‘yon? Kasal na ako? Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang din at walang kissing the bride, hindi rin naman ako papayag. Naging alerto kaagad ang mga lalaking armado at sila ang nag-escort sa amin palabas nitong simbahan. Tila pumasok lang kami sa simbahan at lumabas na parang walang nangyari. Pero dapat talaga magsisimba lang ako! In my twenty-six years of existence, I never dreamed that this would be how I got married. And worst of all, wala na akong chance para pakasalan pa ang lalaking dapat kong mahalin dahil natali na ako sa lalaking ito na kilala bilang The Fierce Billionaire. Yes, he really looks fierce and intimidating in all aspects and he’s definitely rich na hahabulin ng mga babae pero he’s a monster. Dustin Lewis Suarez was no prince charming like any girl fantasizing about him. Naririnig ko na kay Daddy na siya ang boss sa underworld business at talagang nakakatakot. At kaya lang naman niya ako papakasalan kasi maganda ito para sa kanyang business at para din daw bigyan ko siya ng anak. At pumayag si Papa na ipakasal ako para hindi siya gipitin ng lalaking ito at hindi ipakulong. Senador ang Papa ko at kailangan niya ng proteksyon ni Papa para sa illegal business ng pamilya nila. Kanina ko lang ito nalamang lahat bago magsimula ang kasal. Tumawag si Papa para lang sabihin sa akin lahat ng ito. Na hindi naman talaga pagsisimba lang ang pinunta ko kundi kasal ko na. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit wala ang parents ko ngayon. Hindi nila kayang manood na ikakasal ako sa lalaking ito! Pero sana bilang anak nila, gumawa man lang sila ng paraan para makita na ikakasal ako ngayon. Hindi iyong nagsinungaling pa para pumunta ako dito. I hate him for threatening my family. Dustin loosened his tie and walked to the car at the front of the convoy. “Take her to my house,” utos niya sa isa kanyang tauhan. Narinig ko ‘yon pero umarte ako na tila hindi ko narinig. Lumapit ang tauhan niya. “Mrs. Suarez, ihahatid na kita sa bahay niyo,” sabi ng pinakamalaki ang katawan at pinakamatangkad na kanyang tauhan. Mrs. Suarez… Bahay namin… This is all too much for me to take in just in one day! Tumango ako at tumikhim, humingi ng malalim para pigilan ang luha na kanina pa gustong bumagsak. Matagumpay ko namang naitago ngunit bigla namang may humawak sa aking siko at magkabilaan pa talaga ang taong nakaalalay sa akin. Bigo akong napabuntong hininga at sumunod na lamang sa kanila. Nang makapasok na sa sasakyan, napapagitnaan pa rin ako ng malalaki ang katawan na bodyguard. “I’m not running away, okay! Bakit ang dami kong bantay?” inis kong turan. “Mas mabuti talaga Mrs. Suarez na hindi kayo tumakas,” sagot naman ng nasa kanan ko. Isang oras din ang lumipas at wala man lang akong natanggap na text galing sa parents ko. Sakto rin naman nang makarating ako sa maganda at nagtataasan na gate sa likod ng malaking mansyon. Pero kahit gaano pa ito kaganda, nakakulong pa rin ako. This is still a cage and I don't want to be here. Ayokong makasama ang lalaking 'yon. Pero paano kung asawa ko na siya?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook