“Sasusunod kapag wala ako. Bumili ka na lang ng lutong pagkain. Para hindi ka magutom, at kung ano-ano pa ang masabi mo.” nilapag niya ang abodo sa dining table.
Sumulyap siya sakin. Naka upo lang ako at nanonood sa mga ginagawa niya.
Kainis kasing Justine nayon. Mukhang niloloko at pinagtripan niya lang ako, pero uto-uto naman ako at sinunod pa siya!
“Bakit mo ba nasabi 'yon? Nag mumukha kang dalagang pilipina na nanggaling sa lumang panahon.” naka kunot noong tanong niya.
Kasi naman! He think he's funny? I hate him na talaga. Akala ko seryoso na talaga siya! Wala talaga siyang kwentang kausap!
Umiling ako at nag simulang kumain. Kumuha ako ng kunting fried rice at nilagay sa plato ko. Kumuha nadin ako ng madaming adobo, masarap mag luto si Kurt. Akala ko nga nung una, HRM ang course niya, pero medical pala.
Nag simula na din siyang kumain kaya napa tingin ako sa kanya. Bakit ko naramdaman 'to? Ang kapal naman ng mukha kong maganda. Mahal na mahal niya si Calia at alam kong... Wala akong mapapala sakanya. Pero bakit? Kainis naman eh!
“Kurt?” pag tawag ko sa atensyon niya.
Nag-angat siya ng tingin at tumingin sakin. He raised his brow.
“Maarte ba ako?” I asked him directly.
Nilunok nya ang kanyang nginunguya at maayos na uminom ng water.
Well, I'm just asking lang naman. Kasi diba!? Maarte raw ako sabi nung human animal na Justine na 'yon. Baka hindi maarte ang tingin nya sakin, sinabi lang ni Justine 'yon para mainis ako.
“Hindi.” he answered.
Oh! Diba! Hindi raw siya naartehan sakin. Pahamak lang talaga ang Justine na 'yon!
“Why?” tanong ko.
Napa isip siya ng sasabihan. Bakit ngaba hindi 'sya naaartehan sakin? 'hindi ako naaartehan sayo, kasi mahal kita.' charot.
Assuming masyado.
“Tingnan mo nga...” sabi niya sabay turo sa pinggan ko. “Kinain mo yung niluto ko kahit hindi ako nag huhugas ng kamay.”
Halos lumaki ang mga eyes ko sa sinabi niya. Hindi siya nag hugas ng kamay niya!? Galing siyang practice tapos hindi siya nag hugas ng kamay!? Marami kayang germs ang dumidikit sa basketball ball, tapos baka malipat sa pagkain, at mapunta sa katawan ko!
Mag sasalita pa sana ako pero bigla siyang tumawa ng malakas. Naka hawak siya sa kanyang tyan, tinuturo pa ako habang tumatawa.
“Kung makita mo lang talaga ang reaction mo matatawa ka talaga...” he laughed so hard. “Relax ka lang. Naligo ako bago pumunta ng kusina.”
Tsk, overacting again Eunyka!
Napa iling ako at tinuon ang paningin sa pag kain. Kainis! Ang seryoso ng question ko tapos puro kalokohan ang answer nila!
“Seryoso nga kasi.” I whispered.
Napa tingin ako sa kanya ng lagyan niya ng adobo ang plate ko. Paabos na kasi ang adobo ko, kaya seguro nilagyan niya. Hindi niya ginagawa 'to sakin... Baka akala niya ako si Calia.
“Totoo... Para sakin, hindi ka maarte.” ngumiti siya at tumango. “Wag ka na lang mag tanong kong bakit, basta... Para sakin hindi ka maarte.”
Tumango ako at ngumiti pabalik sa kanya. Babatukan ko talaga yang si Justine tommorow kapag makita ko ang human animal na 'yon.
Si Kurt na ang nag hugas ng mga pinggan. Hinayaan ko na lang siya. Hindi naman kasi ako marunong mag hugas nyan. Hindi ko alam kung paano, gusto kong matuto, pero hindi pumayag si Kurt. Papagalitan raw ako ni mommy kapag nag pumilit ako.
Pumasok na lang ako sa kwarto at natulog na. Need ko ng beauty rest, maganda na me, but I need to rest pa naman.
Duh! Everybody need to rest.
Kinabukasan late akong pumasok. May game sila Kurt ngayon, final ata, I don't know.
“Excited na ako!” masiglang sabi ni Calia samin.
Kasama ang mga kaklase naming mga babae, nag tungo agad kami sa gymnasium pag katapos ng klase.
“Wag mo ng sabihin yan. Halata sa mukha mo!” mapanukso siyang tinawanan ng mga kaklase kong babae.
Nakitawa na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.
“Ang galing naman kasi ni Kurt, binigyan niya tayo ng libreng tickets. Sino ba kasi satin ang girlfriend niya?” kunot noong singit na tanong ni Angelica.
Tumawa ako at tinaasan ng kilay si Calia. So, wala talaga silang alam?
“You don't know?” tinaasan ko siya ng kilay. “Ang hihina nyo naman sa chismis.. akala ko expert na kayo? Wrong pala ako ng na naisip.”
Tumawa sila sa sinabi ko. Sanay na sila sa attitude ko, kaya wala na akong problema doon. At tsaka, level one pa lang naman yan, may level two, level three and may highest level pa yan. You wanna try!? Wag na, hindi naman tayo close.
“Busy kami sa studies, kaya seguro hindi namin alam. Kainis.” reklamo ni Hannah.
Tumawa kaming lahat at pumila na. Naka pasok naman kami agad. Subrang ingay ng mga istudyante sa loob.
Umupo na kami sa pwesto namin. Medyo malayo ang nakuhang tickets ni Kurt. Kwento sakin ni Calia kanina, nahuli raw kasi si Kurt, at paubos na ang mga tickets ng makakuha siya. Kaya no choice ito nalang nakuha niya.
Lima lang kaming mag kaklase ang nandito at binigyan ng tickets ni Kurt. May mga sariling mundo naman kasi ang iba naming kaklase. Yung mga lalaki naman, imbes na manood. Nandoon silang lahat sa cafeteria para mag ml. Wala naman kasing attendance, kaya mas gusto nilang sa ml na lang kisa manood.
Pumasok ang team nila Kurt sa gymnasium kaya umingay ang paligid.
Gabi na ng matapos ang game, panalo ang tean nila Justine at Kurt. Syempre naman mananalo talaga sila, nasa kanila ba naman ang captain. Kaya seguro hindi nanood ang ibang mga kaklase ko dahil walang trill ang laro.
Well, true naman. Hindi naman talaga ako manonood kung hindi lang ako pinilit ni Calia na sumama. Sayang raw ang ticket na kinuha ni Kurt kung itatapon lang namin.
At tsaka... Gusto ko siyang makita..
Nag paalam nang umuwi sila Angelica samin ni Calia. Kaya naiwan kaming dalawa ni Calia dito sa labas ng gymnasium, hinihintay si Kurt.
I crossed my arms over my chest dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Naka jacket si Calia kaya hindi niya ramdam ang lamig ng hangin. Napa tingin ako sa jacket niya ng may napansin.
BALENCIAGA
KJD||19
Ito ang personalize jacket ni Kurt. Nakwento niya sakin, ibibigay niya raw ito sa babaeng mahal niya at gusto niyang pakasalan.
I cleared my throat at umiwas ng tingin.
“Okay ka lang? Nilalamig ka ba? Sayo na tong jacket ko.” akmang huhubarin na ni Calia ang jacket pero pinigilan ko siya.
“No need.. uuwi din naman na tayo.” I said using my soft voice.
Pag dating sa bestfriend ko lumalambot ang puso ko. Hindi ko siya kayang saktan, masakit para sakin na saktan siya.
“Sure ka?” tanong nya.
Tumango at ngumiti. Hinawakan ko ang pisngi nya para huwag na siyang mag-alala sakin.
“Calia my friend!”
Napairap ako ng makita si Nathalie na patakbong tinungo ang pwesto namin ni Calia.
Ano raw!? Calia my friend!? Yuck! Baka mahawa ang bestfriend ko sa walking clown na 'to.
“Nathalie andito ka pala.” yumakap siya kay Nathalie ng makalapit ito samin. “Nanood ka pala ng game, hindi mo man lang sinabi samin.”
Akma siyang yayakap sakin pero tinaasan ko siya ng kilay at humakbang palayo sa kanya. Baka mahawa ako.
Tumawa siya sa ginawa ko. Nagulat naman si Calia at humawak na lang sa bewang ko. Hindi ba nya gets na ayaw ko dito sa walking clown na friend nya!? Tapos nakikipag kwentohan pa rin siya! Right! Calia is so mabait!
“Eunyka. Hindi mo man lang sinabi samin o kay Calia na may condo unit ka pala.” naka ngising sabi ni Nathalie.
Fuck.
“Condo unit?” kunot noong tanong ni Calia at bumaling sakin.
Napalunok ako. f**k!
“Yes! Condo unit...” ngumiti siya. “Nakita ko kasing pumasok si Eunyka sa isang condominium malapit lang dito.”
Fuck. f**k!
Is she investigate about Kurt and I!? f**k you Nathalie! f**k you from the bottom of my bones!
—————— to be continued...