“Are you okay? You look pale.” bungad na tanong ni Calia sakin ng maka salubong niya ako sa hallway.
Tumango ako at ngumiti sakanya bilang sagot. Okay naman talaga ako! I'm super duper ultra fine!
Dinig ko ang tawa ni Nathalie mula dito sa pwesto ko. Tulad kahapon, nasa gitna parin namin ni Nathalie si Calia. Sarcastic pag dating sakin ang tawa niya, why!? Problema niya sa dyosang maganda na tulad ko!? Sa mukha ko ba ang problem niya? Duh, sorry nalang siya. I was born na maganda, dyosa, head to toe!
“Ikaw Eunyka...” Nathalie said while looking at me. “Hindi ko man lang narinig sa mga chismis na may boyfriend ka. May boyfriend ka ngaba?”
Tinaasan ko siya ng kilay.
Anong pake niya sa lovelife ko!? Hindi naman kami close para malaman niya.
I rolled my eyes. “Pake mo?”
Umiwas agad ako ng tingin at kinuha ang phone ko sa bag, para malaman niyang ayaw ko siyang kausap.
Calia hold my arm. She knows kasi na hindi ko bet itong walking clown na 'to. Well, sino ba kasi ang mag kakagustong maging kaibigan yan!? Si Calia. Calia is so mabait kaya seguro hindi niya matanggihan si Nathalie na sa tingin ko ay feeling close lang sakanya.
“Busy kasi sa pag-aaral si Nyka. Study first 'sya, ayaw niyang matanggal sa DL.” Calia said.
Yes, I'm a DL. Mabuti nga iyon, para malaman ng walking clown nayan.. na hindi lang ako maganda matalino pa. Eh siya!? Sa mukha pa lang going down na.
Taas kilay akong tumingin kay Nathalie para malaman ang reaction niya.
Nag paalam siya na papasok na sa class niya. Bago 'sya pumasok sa kanilang room na nadaanan namin kanina, tumingin 'sya sakin, kaya nag tama ang paningin namin.
Ngumiti 'sya sakin at pumasok na. Kumunot ang noo ko sa ngiti niya. Pansin kong makahulogan 'iyon, at hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin.
Relax Eunyka, iniinis kalang 'nyan.
Nakikinig kami sa mahabang lectures ng prof namin. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Naka lutang kasi sa sky ang brain ko.
Hindi parin maalis sa brain ko ang sinabi ng walking clown kahapon at itong naramdaman ko.
Bakit ko siya magustuhan? Hindi tama, hindi nararapat at hindi pwede. Bakit ako nasaktan ng ganun!? I have new bags from different designer brands. Branded sandals from U.K, branded clothes, branded makeup sets, and even branded accessesories. So, dapat lang sumaya ako. Andito lahat sakin ang gustong makuha ng mga babae dito sa YSU. Pero... bakit ramdam ko parin ang lungkot? Hindi pwede.
“You're alone? Why?”
Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Justine. Basketball captain ng YSU. Kilala ko ang tinig niya dahil naka landian ko 'to dati. When I was... I think first year, I guess.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang naka upo sa harapan ko. Tumaas agad ang kilay ko.
“Obvious ba!?” pag tataray ko.
He closed his arms over his chest at seryosong tumingin sakin. Tsk, alam ko namang hindi tinatablan ito ng masungit na attitude ko. Siya paba!? Mas masungit pa ito sa babaeng may mensuration.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa cup of coffee ko na nasa table.
“Are you busy?” tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Nilibot ko sa loob ng cafeteria ang aking paningin. Tinitingnan kami ng mga babaeng may gusto sa basketball captain na ito.
Tsk, as if namang kunin ko ang lalaking gusto nila! Isaksak niyo sa mga heart niyo yang si Justine!
“Why are you asking!?” I rolled my eyes. “Please, stop making way na landiin ako.”
He smirked at tila hindi maka paniwala sa sinabi ko. Why!? Totoo naman, ganyan yung mga lumalandi. Mag tatanong kung busy ka, kung hindi mag-aayang mag date. Kung oo naman sasabihin 'sayang'. Kung mag tatanong ka kung date ba 'to, sasabihin 'hindi friendly date'. Pero ang totoo, date naman talaga, nilagyan lang nila ng friendly!
“Are you serious?” he raised a brow. “Nag tatanong lang ako kung busy ka tapos ganyan ang sasabihin mo?”
“Oo... Yan naman ang hidden meaning ng question mo sakin! Stop asking nga kasi about kung busy ba ako o hindi!” pag tataray ko.
Tumawa siya at tinaasan ako ng kilay. Seryoso siyang tumingin sakin at umiling.
Tapos na kaya ang panahong nilalandi ko siya. Siya yung tumapos! Stop ko na raw ang pag lalandi ko sa kanya, dahil ang ex nyang coloring book mag papakamay kung hindi niya babalikan. Edi wow!
“Can you please, stop mixing English words and Tagalog words in one sentence.” he said.
“Why!? Do you have a problem with that!?” I asked him.
He shrugged. “Ang arte kasi sa pandinig.”
Napa awang agad ang labi ko. Me!? Maarte!? Ngayon ngalang kami nag kita, sasabihin pa niyang maarte ako?
Dinampot ko ang tissue sa table ko at binato sa kanya. Tumawa naman siya ng hindi ito naka abot man lang sa kanya. Lalo akong nainis!
Nilapitan ko siya at hinampas ng malakas. Hindi naman siya na tinag at mas lalo akong pinag tawanan.
Pansin kong naka tingin ang ibang istudyante samin. Tumaas agad ang kilay ko at tiningnan sila. Napa iwas agad sila ng tingin. Weak.
Hindi ko naman aagawin ang mga crush nila. Crush!? Duh, ano sila teenager? Uso pa iyon.
Napa isip ako ng sasabihin sakanya. Ayuko siyang sungitan, baka sungitan niya din ako at kung ano pa sasabihin niya sakin. May sumagi sa isipan ko kaya napa lunok ako.
“Ahm.. I have a question.” panimula ko.
Tumaas ang kilay niya at hinintay kung ano ang sasabihin ko. Huminga ako ng malalim at yumuko.
Sasabihin ko ba? Tsaka, hindi ko naman directly na sasabihin sa kanya. Mag tatanong lang!
“Pano kung may nagustuhan ka.. pero ayaw niya sayo dahil may gusto siyang iba. Anong gagawin mo?” tanong ko sakanya.
Huminga siya ng malalim at tumingin sakin ng may maliit na ngiti sa mga labi. I think he just smirked at me.
Tama bang mag tanong ako sa kanya? Natanong ko naman na sa kanya, bawal ng bawiin.
“Yung nagustuhan niya ba.. marunong mag salita ng straight tagalog?” patanong na sagot niya.
Kumunot agad ang noo ko. Malamang! Nasa pilipinas kaya tayo! Anong akala niya nasa South Korea kami dahil sa ganda ko? Oh come on! Ako lang 'to.
Tumango ako bilang sagot sa kanya.
“So, dapat marunong ka din. Malay mo.. ayaw niya sayo dahil maarte kang mag salita.” he chuckled.
Tumaas ang kilay ko at sinipa siya sa ilalim ng table. Baka tingnan ulit ako ng masama ng mga fangirls niya. Ang pangit kaya nilang tumingin, mukha silang si Valak.
“Umayos ka!” banta ko sa kanya.
Umiling siya. “Totoo, try mong mag salita ng makata. Malay mo, magustuhan ka nya pabalik.”
Bakit ngaba dito pa ako nag tanong? Alam ko namang walang kwentang kausap to! Masungit na, wala pang kwentang kausap.
I rolled my eyes at tumayo na. Iniwan ko siya doon na tawang tawa.
Umuwi na lang ako sa unit, wala naman akong mapapala doon sa school. Ayukong makinig, at kaylangan ko ng beauty rest.
Pag pasok ko pa lang, inihagis ko agad ang bag ko sa coffee table at humiga sa sofa. Manonood na lang ako dito. Mas mabuti na iyon, kisa makinig sa nakaka boring na lectures ng prof.
Sa subrang panonood ko sa Netflix hindi ko namalayan na gabi na pala. It's already seven in the evening, wala pa akong kain. Naku! Si Kurt lang naman kasi ang marunong mag luto samin, pero.. asan na siya? May practice pa seguro.
Automatic na tumayo ako ng biglang bumukas ang pinto.
Pumasok si Kurt na suot parin ang basketball uniform niya. Tumutulo pa ang pawis mula sa kanyang noo. Bitbit ng kaliwang kamay niya ang black duffle bag niya.
Napa buntong hininga ako ng may maalala. Makata?
“Ginoo... Bakit gabi ka na atang umuwi?” sambit ko gamit ang makatang salita.
Naka kunot noong binalingan niya ako. “Nakain mo?” tanong niya.
Napa awang ang labi ko. Gusto kong mag palamon sa sahig dahil sa kahihiyan.
Tumawa siya at umiling. “Wait lang, ipagluluto kita.” naka ngiting sabi niya at pumasok na sa kwarto.
Why!? Bakit ko ngaba na tanong iyon? Nakakahiya. Ano nalang ang mukhang ipakita ko sa kanya!? Nakakahiya kainis.
“Totoo, try mong mag salita ng makata. Malay mo, magustuhan ka nya pabalik.”
Magustuhan ka nya pabalik? Sinabi ko 'yon dahil gusto kong magustuhan niya ako pabalik?
Gusto ko ngaba siya?
I think..
May gusto na talaga ako sa kanya.
—————— to be continued...