"Never the same twice?" I murmured as I read the book I borrowed from Mariev. I'm starting to like it.
According to Fitzgerald, there are all kinds of love in this world but never the same love twice.
I continue lifting the page but someone knocked on my door.
"Pasok." simple kong sabi at tumitig sa pinto.
Kaagad akong ngumiti nang makita si Nay Rose. "Handa na ang almusal, hija. Hinihintay kana ng Mommy at Daddy mo."
"Sige po. Susunod na po ako, Nay." sagot ko at mas ngumiti sakanya.
Nay Rose is part of our family. Halos buong buhay niya sa pamilya namin siya kaya siguro hindi na siya nagkapag-asawa at nanatili nalang sa amin. I just love her so much.
"Sige, hija. Bumaba kana baka lumamig ang pagkain." magiliw niyang sabi sakin.
"Yes po Nay, salamat." tumango lang siya sakin bago muling lumabas.
Bumuntong hininga ako bago tumingin sa orasan sa dingding. Mukhang nawili ako sa pagbabasa kaya hindi ko napansin ang paglipas ng oras.
I'm a morning person. Nasa sistema ko na ang gumigising bago pa sumikat ang araw. Sumasayaw ako ng hindi bababa sa tatlong kanta kada araw. Well, it's my exercise everyday instead of jogging.
Tumayo na ako sa kinauupuan. Inilapag ko sa maliit na mesa ang librong hawak bago bumaba.
Our house is an open floor space of a two-storey house in where you will spot the kitchen and dining room areas from the living room.
I used some modest colors and minamalist designs for better space for us. Mga simpleng kagamitan lang din ang ginamit, kadalasan mga wooden table, chairs, and cabinets.
Along the area, you can see kitchen right in front of the dining room. The kitchen itself is designed with a white accent all over it.
Para sa akin, tamang tama lang ang laki ng bahay namin sa maliit na pamilyang mayroon kami. Kasama si Nay Rose, kaming apat lang ang naninirahan dito.
Simula ng makunan si Mommy sa dapat na kapatid ko ay wala na siyang kakayahan pang magbuntis ulit dahil sa epekto nito sa katawan niya.
Kahit mahirap tinaggap namin na hindi na ako magkakaroon ng kapatid. Ang masasabi kong magandang naging resulta nito ay kahit kailan hindi ko naramdamang maging malungkot dahil sa pagmamahal nila sakin.
Napangiti nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad papalapit ng dining room.
"Is there any other way, Rendel?" natigil ako sa paglalakad papalapit ng marinig ang nababahalang boses ni Mommy.
"Honey, I did all my best." sagot naman ni Dad.
"Oh my.. What will happen now?" anong pinag-uusapan nila? Mukha silang problemado.
Narinig ko ang mabigat na bumuntong hininga si Daddy. "Gagawan ko ng paraan, Enna. Don't worry."
"But what if it doesn't work again? Paano na? Paano ko sasabihin kay Elaina ang lahat ng ito?" nalilito na ako sa usapan nila kaya hindi kuna napigilang magsalita.
"Tell me what Mom?" halatang nagulat sila sa biglaan kong pagsulpot. Halos ilang segundo silang natahimik at tumitig sakin bago mabilis na nakabawi si Dad.
"Uh.. Nothing, anak." bahagya pang lumunok si Daddy saka bahagyang sumulyap kay Mommy na parang naghahagilap din ng sasabihin.
"Dad?" I probed.
"It's just about.. about your Tita Michelle, anak. Just about your Tita Michelle's case." kumunot lang ang noo ko. I feel like there's something wrong about them.
"Okay? So, what about it? May bago na bang nakukuha sa imbestigasyon nila Tito Edison?"
Tito Edison is my Dad's only brother, and Tita Michelle is his wife. Napansin kong gumaan ang ekspresyon ng mukha nila kumpara kanina na tensyonado.
Mommy cleared her throat. "Well, hanggang ngayon hindi parin matagpuan kung sino ang prime suspect sa pagpatay kay Tita Michelle mo." napahugot ako ng hininga.
Hindi ko maiwasang hindi maawa kay Tito Edison at sa mga pinsan kong sila Alice at Hansel.
Dalawang taon na ang nakakalias ng patayin si Tita Michelle sa araw mismo ng kaarawan niya. Hanggang ngayon sariwa parin sakin ang araw ng libing niya kung saan sobra ang sakit na dinulot sa pamilya namin lalo na kila Tito Edison.
Isang abogada si Tita Michelle at ang nag-iisang nakikitang rason ng mga pulis sa pagpatay sakanya ay ang huling pagkapanalo nito sa kasong hawak niya.
Isang makapangyarihan tao ang kalaban niya kaya kahit alam namin may kinalaman ito sa pagkamatay niya ay hindi matapos tapos ang kaso.
"Makuha pa kaya natin ang hustisya para kay Tita Michelle?" masyado ng matagal ang dalawang taon at wala paring malinaw na resulta. Hindi parin napaparusahan ang nasa likod ng pagpatay.
"Huwag kang mag-alala anak. Gagawin namin ang lahat para maparusahan ang totoong pumatay sa Tita Michelle mo." ang talagang inaalala ko ay ang mga pinsan ko.
Alam kong malaki ang naging epekto sakanila ng pagkawala ni Tita Michelle sakanila. Alam kong nasanay sila sa prisensya ni Tita Michelle, she's a loving wife and devoted mother despite of being a lawyer.
Noong nabubuhay pa ito nakita ko kung paano niya sinuguradong hindi mapapabayaan ang pamilya niya. Iyon ang dahilan kaya talagang hinangaan ko din siya.
"Heto ba ang ayaw ninyong paalam sakin?" mukha kasing problemado talaga sila bago ako pumasok.
Bakit ayaw nilang banggitin sa akin ang bagay na ito? Alam ko na ang tungkol sa kaso ni Tita Michelle kaya bakit parang nahihirapan pa silang sabihin sakin?
Tungkol ba talaga dito ang pinag-uusapan nila kanina? Am I thinking too much or is there really something here?
Nagsulyapan muna silang dalawa bago sumagot si Daddy. "Yes, hija. Naisip lang namin na baka masaktan ka sa balita kaya ayaw naming ipaalam sayo. Alam naming sobrang malapit ang pamilya natin. At alam din namin na sobrang mahal mo ang Tita Michelle mo." I let a deep breath before I looked at them.
"Makukuha din natin ang hustisya para sa kanya, Elaina.." malungkot na ngumiti ako kay Mommy sa paghaplos niya sa pisngi ko.
Sa huli, inakay na nila ako paupo kaya ngumiti nalang ako sakanila at pilit na inalis ang hindi maintindihang pakiramdam.
I feel like my parents are hiding something that has nothing to do with Tita Michelle's case.
It feels like it has something to do with our family.. and about me.