CHAPTER 14: Inside me

2063 Words
Akala ni Eura sa movie nya lang ito makikita at sa mga libro mababasa. Standing outside was a half beast half man. Kagimbal gimbal ang mahahaba nitong mga ngipin at matatalas na mga kuko. Napapalibutan ang buong katawan nito ng mga madadabong na balahibo. It was indeed a wolfman! He was desperately searching for his prey. He growled ng magtama ang kanilang mga mata. Hindi ni Eura alam ang gagawin nya. Para syang napako sa kinatatayuan nya. She was never been this frightened! Nang unti-unti itong lumalapit, lahat sa paligid nya ay parang nagslo-slow motion. "Aaaaaaaaaaaa!!!!!!" Wala na syang nagawa kundi ang sumigaw at pumikit nalang ng itaas nito ang mga kamay at handang sunggaban sya. Pinakiramdaman nya kung may masakit ba sa katawan nya pero wala syang nararamdaman maliban sa nanginginig nyang mga tuhod. Patay naba ko? Nagulat sya ng may biglang yumakap sa kanya. San Pedro?! "Ayos kalang?" mahinang tanong nito. Napamulat si Eura ng mga mata nang marinig nya ang boses ni Lopez. Tumingala sya at nagsalubong ang kanilang mga mata. Nasasalamin sa mga mata nito ang galit at labis na pag-aalala. Nang-init bigla ang mga mata ni Eura at napahagulgol nalang sya sa sobrang tuwa. Ang init ng dibdib nito ang nagpapatunay na hindi sya nananaginip. Totoong niligtas nya ko! Naramdaman nya ang dalawang kamay nito na dumantay sa beywang nya. Namula bigla ang mga pisngi nya. "Aa-anong ginagawa mo?" tanong nya dito. "Wag kang assuming! Tinatanggal ko lang ang pagkakagapos mo," anito. Ayy! Nang matanggal sa pagkakatali ang mga kamay nya, inilibot nya ang paningin sa buong paligid. Nasa abandoned warehouse sila. "Ayyy!" nagulat sya ng may masagi ang paa nya. Ito yung wolfman na nakaharap nya kanina. Wala na itong buhay. "Pssssst!" saway sa kanya ni Lopez. "Wag kang maingay!" Hinila sya nito patago sa isang drum. "Grrrrruuurrrrr! Grrruuuurrrr!" angil ng isang mabangis na hayop. Sa hindi kalayuan ay nakita nya ang isang lalaki at isang babae na nakamaskara. "Sila yun! Sila yung mga kumidnap sakin!" natatakot nyang sabi. Napatakip sya ng bibig ng masaksihan nya kung paano ang mga ito unti-unting nagiging halimaw. Lalong nagwala ang dalawang halimaw ng makita ng mga ito ang kasama nilang wala ng buhay. "Lopez, anong gagaw...," wala na ito sa likod nya. Nagulat si Eura nang mula sa taas ay sunggaban ni Lopez ang isang halimaw at walang kahirap hirap na binale nito ang leeg. Tatakbo pa sana ang isa nang mula sa kamay ni Lopez ay may tumubong mga sanga at tumusok sa iba't ibang parte ng katawan ng halimaw. What the HECK just happened! Ang huli nyang naaalala ay ang mga nagbabagang mata ni Lopez na tumingin sa kanya. ___   ___ Travis POV "Ang amory ang pumoprotekta sa katawan ni Eura laban sa dark essencia," ani Rias. Kasalukuyang nasa bahay na sila at ginagamot ni Rias si Eura. Sinabi nito na ang laman ng itlog na pula na nasa bahay ni Eura ay ang Amory at pumasok ito sa katawan ni Eura nang maramdaman nito ang presensya ng dark essencia. "Kaya pala sya hinahabol ng mga kudos," sabi naman ni Gustavo. Kahit papaano ay nahinto ang ibang mga operasyon ng mga kudos dahil sa ilang mga laboratoryong sinalakay ni Gustavo. "Kung aalisin ko sa katawan ni Eura ang amory, maaaring ikamatay nya ito dahil sa dark essencia," paliwanag ni Rias. "Kung tama yang sinasabi mo, mas delikado ang lagay niya dito lalo pa't nakatakas si Martin!" naiinis nyang sabi. Sinamantala nito ang bawat gabing wala sya para makatakas. "Uhhhhmmmm.... HALIMAW!!" napabalikwas ng bangon si Eura. "Relax! Nasa bahay tayo," mahinang sabi ni Gustavo. "Gustavo? Rias?" nagtatakang tanong nito. "Ikaw! Alam kong hindi yun panaginip. May lumabas sa kamay mo na mga sanga," turo nito sa kanya. Naglabas si Travis ng mga sanga mula sa kamay nito na mas lalong nagpalaki sa mga mata ni Eura. Nagtatatalon ito sa kama nang unti-unti nyang pinapagapang ang mga sanga papunta dito. Tawa sya nang tawa dahil sa reaksyon nito. "Travis!" pailing iling na saway ni Rias. Nag orasyon ito dahilan para mawala ang mga sanga. "Ano kayo?! Hindi kayo mga tao!" natatakot na tanong ni Eura. "Ngayon kapa talaga natakot pagkatapos kitang iligtas?" seryoso nyang tanong dito. Sa sinabi nya ay kumalma naman ito agad. "Ikukwento ko sayo ang lahat pero kailangan muna nating umalis dito," nag-aalalang sabi ni Rias. "Sa-saan naman tayo pupunta?" naguguluhang tanong ni Eura. "Sa Maharlika!" seryoso nyang sabi sa mga ito. ___   ___ Eura POV "Bakit hindi nalang tayo ng portal?" tanong ni Gustavo kay Rias. "Nakalimutan mo bang hindi nakakadaan sa portal ang mga mortal?" ani Rias. Mukhang sya pa ang dahilan sa mahabang byahe na to. Kasalukuyang nagmamaneho si Travis. Katabi nito si Gustavo at dalawa naman sila ni Rias sa likod. Hindi parin sya makapaniwala sa mga nasaksihan nya. Pinakiramdaman nya ulit ang sarili nya. Wala na syang sakit na nararamdaman at wala narin ang mga sugat at galos nya. Totoo ngang ginamot ako ni Rias. Anong klaseng mga nilalang ang mga to? "Ayos kalang?" tanong ni Rias. Ngumiti sya dito pero sa isip nya sino ba magiging okay sa lagay na to? Kinidnap sya ng mga halimaw na yun tapos ngayun malalaman nyang may kapangyarihan pala sila Lopez??? Mahilig sya sa mga fairytails and fantasys but pag sya pala mismo ang makakasaksi ay nakakakilabot din. "Ano yung mga kumidnap sakin kahapon?"  naalala nyang itanong. "Yun ang mga kudos na humahabol sayo. Kaya nilang mag ibang anyo, yun ang sinasabi mong mga halimaw. Ang uri nila ang kalaban naming mga maharlikan," mahabang paliwanag ni Rias. "Pero anong kailangan nila sakin? Bakit nila ako hinahabol?" tanong nya. "Ang pulang itlog na sabi mong nakita ng mga kaibigan mo, nasa loob nun ang hinahanap naming Amory. Pumasok ito sa katawan mo. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng buhay ng lahat ng mga maharlikan. Para tuluyang mawasak ang maharlika, gustong angkinin ng mga kudos ang amory. Kaya ka nila hinahabol," singit naman ni Gustavo. "Kung nasa loob ko nga ang amory na tinutukoy nyu, may paraan naman siguro para makuha nyo to sa katawan ko?" Humarap sya kay Rias. "Meron, pero hindi lang amory ang nasa loob mo. May nakita din akong dark essencia. Isa itong sumpa ng kamatayan samin na kung sino ang malalagyan ay biglaang mamamatay. Dahil malapit lang sayo ang amory, pumasok ito sa katawan mo para maprotektahan ka. Kaya kong kunin sa katawan mo ang amory pero ikamamatay mo ang dark essencia," ani Rias. Magtatanong pa sana sya nang biglang huminto si Lopez. "Nandito na tayo," anito. Nasa labas sila ngayon ng isang CANDY SHOP? Anong gagawin namin dito? Pagpasok nila ay biglang nataranta ang lahat ng mga staff ng shop. Nagsitakbuhan ang mga ito para salubungin sila. Yumuko ang mga ito sa harap ni Lopez. Sya ba may-ari neto? Inikot ni Eura ang paningin nya. Para syang bumalik sa pagkabata sa mga nakikita nya. Gummies, chocolates and candies. Kahit ang mga staff ay nakasuot ng mga nakakaaliw na customes. Hindi nakakapagtaka kung bakit ang daming bata dito. Sa kanan ay play ground at sa kaliwa naman ay may clown na sumasayaw. Naagaw ang pansin nya ng isang lalaking tumatakbo papunta sa kanila. Katulad ng mga staffs ay naka custome din ito pero mapapansin ang awtoridad sa tindig nito. Ito siguro ang manager. "Kamahalan," huminto ito sa harap ni Lopez at yumuko. Kamahalan??? Yumuko ng bahagya si Lopez bilang bati dito. "May kasama kaming mortal," tukoy ni Lopez sa kanya. "Anu ba Sha?!!" nandidiring sabi ni Gustavo habang inaalis ang isang staff na babae na nakakapit sa braso nito. "Namiss mo ba ko darling?!" ani Sha. "Kaya ayaw ni Gustavo dumaan dito, hihihi," natatawang bulong ni Rias. "Dito po tayo," iginiya sila ng manager sa isang elevator. Isang floor lang naman bakit may elevator pa? Pumasok sila at bumaba ng ground floor. Pagbukas ay lalo syang nagulat sa nakita nya. Isang dagat? "Anong sasakyan natin dito?" bulong nya kay Rias. "Ayun oh!" Itinuro nito ang isang bangka na korteng seahorse. Sky blue ang kulay nito at napapalibutan ng mga iba't ibang kulay ng corals and pearls. WOW!!!! Lumapit sila dito. Mga 15 ka tao ang makakasakay sa haba nito. Tinulungan sya ni Gustavo na makasakay. "Thank you!" ngumiti sya dito. "Ako rin darling!" Patalon talong sabi ni Sha. Natawa sila ng hindi ito pinansin ni Gustavo. Ang manager na kalaunan nalaman nyang Miguel ang pangalan ay pumwesto sa pinakaharapan. Ito siguro ang magmamaneubra ng bangka. Kasunod ay sina Gustavo at Sha. Sa likod ng mga ito ay silang dalawa ni Rias. Si Lopez naman ay parang may sariling mundo na sa pinakadulo talaga ng bangka pumwesto kahit ang dami pang bakanteng upuan. "Kainin mo to," may inabot si Rias na kulay puting tableta. "Para saan to?" tanong nya. "Malalaman mo mamaya," nakangiting sabi nito. Isinubo nya ito ng makita nyang nagsubo rin sina Rias at Gustavo. ___   ___ Mga sampong minuto na sila sa gitna ng dagat ng makaramdam sya ng matinding lamig. Nagulat sya ng may maghagis sa ulo nya ng itim na jacket. Nang init ang buo nyang katawan dahil alam nya kung kanino ito. Wala na syang choice kaya mabilis nya itong sinuot. Humarap sya sa likod para magpasalamat sana nang biglang lumusong ang bangka pailalim ng dagat. "Aaaaaahhhhhhh!!!!!" sigaw nya sa gulat. Humarap sya kay Rias pero mukhang nag eenjoy pa ito. "Relax! Breathe! Hindi tayo malulunod," anito. Kinalma nya ang sarili at... nakakahinga nga ako! "Nakakahinga ako sa tubig?" manghang tanong nya kay Rias. Tumango naman ito. "Dahil yan sa tabletang binigay ko kanina," anito. Pabilis ng pabilis at palalim ng palalim ang bangka. Biglang lumiwanag ang buong paligid at marami na syang nakikitang mga isda. Nakikita nya na ngayun ang dinadaanan nila. Nasa malaking tubo sila na gawa sa tubig. Para itong highway dito sa ilalim ng dagat. Ang mga isda ay malayang nakakalangoy sa gilid, taas at baba nila. Maraming mga itinuturo sa kanya si Rias nang biglang nahulog si Sha. Tiningnan nya si Gustavo. Hindi manlang ito makikitaan ng pag-aalala. Magsasalita sana sya nang biglang may malaking isda ang lumangoy sa gilid nya kasabay nito ang isang SERENA???? Ang isa ay naging dalawa,tatlo hanggang sa hindi nya na mabilang. Pinalilibutan ng mga ito ang bangka. Nagulat sya nang may humawak sa braso ni Gustavo. "Sha?" hindi makapaniwalang tanong nya dito. Ang maiksing buhok nito ay naging mahaba at ang kaninang mga paa nito ay naging buntot ng isda. Katulad ng iba pang mga serena, napakaganda ng buntot nito. Mixed yellow and green ang kulay. "Welcome here in Atlanta!" maligayang bati ni Miguel. Pagkasabi nito ay nagsilitawan ang mga serena at sereno. Yumuko ang mga ito bilang pagkilala kay Lopez. "They are AQUAS! Sila ang mga maharlikan dito sa dagat," ani Rias. "Ibig mung sabihin nasa Maharlika na tayo?" hindi makapaniwalang tanong nya. "Part of," anito. Nang tumango si Lopez ay unti-unti nang nagsialisan ang mga aquas. Minsan ay may sumasabay sa kanilang mga turtles, rays at malalaking mga isda. "Wooooooppp!!" Napakapit sya kay Rias nang mabilis na umahon ang bangka. Nang makababa sila sa dalampasigan ay nagpaalam narin sila Miguel at Sha. Parang gusto nyang sumakay ulit. "Hey! Nag enjoy kaba munchkin?" Inakbayan sya ni Gustavo. "Para ngang ayaw bumaba," ani Rias. Natawa si Eura sa sinabi nito. Naglakad pa sila ng kaunti at bumungad sa kanila ang isang bangin. Inikot nya ang paningin nya pero maliban sa dagat at kaunting lupa at wala na talagang madadaanan. "Saan tayo dadaan?" tanong nya. "Wait! Whhheeeet! Wheeeet!" sumipol si Gustavo. Nagsilitawan ang mga malalaking ibon. Doble sa size ng tao ang laki ng mga ito. Nagtago sya sa likod ni Gustavo ng may isang ibon na patungo sa kinaroroonan nila. Sa laki ng pakpak nito ay para silang liliparin sa lakas ng pagaspas. "Hey hero! Ako rin namiss kita," ani Gustavo habang hinihimas ang ulo ng ibon. "Krruuuu! Krrruuuu!" Sumilip ang ibon at nagtama ang kanilang mga mata. "Huwag mong takutin ang bisita natin hero," natatawang sabi ni Gustavo. Lumapit ang ibon sa kanya at tinutok ang ulo hudyat na gusto nitong magpahawak. Tumingin sya kay Rias at tumango naman ito kaya unti-unti nyang hinawakan ang ulo ng ibon. "Tara na!" naiiritang sabi ni Lopez. KILL JOY TALAGA!!! "Hey buddy, ingatan mo si Eura ha?" Bigla syang kinarga at pinatong ni Gustavo sa taas ni hero. "Krrruuuu! Kruuuhh!" sagot naman nito. May isa pang ibon na lumapit sa kanila at dun naman sumakay si Rias. "Teka! Teka! Ako lang ba sasakay dito?" natatakot nyang tanong. "Sa bigat mong yan hindi na makakaya ni hero pag dalawa pa kayo," nang-aasar na sabi ni Lopez. Magrereklamo pa sana sya nang biglang tumalon sa bangin si Lopez. Kasabay nun ang paglipad ni hero kaya napayakap sya dito. Umayos sya ng upo nang nagsteady na ang lipad ni hero. Sa kanan nya ay si Rias. "Welcome here in Utopia!" Biglang sumolpot si Gustavo sa kaliwa nya. Nagulat sya nang makita nyang may malalapad itong pakpak na kulay puti. "Isang AEROS si Gustavo. Sila ang mga maharlikan dito sa himpapawid," sigaw ni Rias. Hindi pa sya nakakabawi ng pagkagulat ng lumitaw sa tabi ni Gustavo si Lopez. Wala itong pakpak pero lumulutang ito. Marami pa talaga syang hindi alam sa pagkatao nito. ___   ___ Hello lovez❤️ Thank you for reading
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD