Eura POV
Habang lumilipas ang mga araw ay lalo lang syang nangungulila sa mga magulang at kaibigan nya. Hindi nya na talaga kaya to!
Tok! Tok! Tok!
"Lopez?" tawag nya dito.
Binuksan naman nito agad ang pinto ng kwarto nito. Halatang kakagising lang nito at wala sa mood.
"What?" wala sa modong tanong nito.
"Gusto kong bisitahin sila Mom," sabi nya dito.
"So?" sabay sara nito ng pinto. Ano?! So daw?!!! SO pala ha!
Mabilis syang nag-ayos at lumabas ng bahay. Hindi na sya nagpasundo kay Manoy dahil gusto nya sanang surpresahin ang kanyang mga magulang. Nagtatampo na kasi ang mga yun sa kanya.
Nagpalinga linga sya para masigurado nyang walang sumusunod sa kanya. Mahigpit nyang hinawakan ang dala nyang bread knife. Mas mabuti ng maingat. Sa lahat ng nadala ko ito pa talagang bread knife nu. Hahaha
Nagpara sya ng Taxi at nagpahatid sa bahay. Malayo palang ay kita nya na si Paola, bunsong anak ni Manoy, na naglalaro sa garden.
"Paopao!" tawag nya dito.
Agad naman itong lumingon. Pagkakita sa kanya ay mabilis itong tumakbo at yumakap.
"Ate Euwe!" Humalik ito sa pisngi nya.
"Magaling kana?" tanong nya dito. Tumango naman ito agad.
"Laro tayo ate Euwe!" Hinila sya nito papunta sa mga laruan nitomg mga lego.
"Later lang baby ha? Halika, puntahan natin sila Mom." Kinuha nya ang kamay nito at iginiya papasok ng bahay. Nakita nya si Aling Gloria na nagluluto sa kusina.
"Aling Gloria!" tawag nya dito.
"Ay! Kuring mundo!" Nabitawan nito ang hawak na isda. Napangiti si Eura ng tumawa si Paola sa nakita. Likas kasing magugulatin si Aling Gloria.
"Mam Eura! Mabuti po at umuwi na kayo!" masaya nitong bati.
"Si Nay Rosa po?" gumanti sya ng ngiti dito.
"May binili lang sa palengke Mam. Ihahanda ko po kayo ng pagkain," alok nito.
"Huwag na po, sila Mom po?" tanong nya dito.
"Hindi ba nila sinabi sayo? Nag out of town sila ng Daddy mo. Kahapon sila umalis, eh di naman sinabi kung kailan uuwi," aniya.
Bigla syang nalungkot sa sinabi nito. Wrong timing naman oh!
Iniwan nya nalang muna si Paola kay Aling Gloria at umakyat ng kwarto.
"I miss you bed!" sigaw nya habang pagulong gulong sa kama.
"Ay palaka!" Napasigaw sya ng makita nya si Lopez na nakaupo sa study table habang may binabasa.
Tumayo si Eura at mabilis na inagaw dito ang diary nya.
"Anong ginagawa mo dito! Pano ka nakapasok?!" tanong nya dito.
"Sinundan kita, easy!" Tumayo ito at nag-ikot ikot sa buong kwarto. "May nararamdaman akong hindi maganda dito," anito.
"Wait! Sinong nagsabi sayo na pwede mong hawakan yang mga gamit ko! Wait! Wait!" Pilit nyang inaagaw dito bawat gamit na hahawakan nito.
Natigilan ito nang may naaninag sa ilalim ng kama. Mabilis itong lumuhod at biningwit kung ano man ang nasa ilalim.
"Ginagawa mo?" takang tanong nya dito.
"Saan mo nakuha to?" Tumayo ito habang hawak hawak ang pulang itlog.
Nakalimutan nya nga palang kunin ito mula sa ilalim ng kama. Pinagmasdan nito itong mabuti at walang sabi sabing binasag gamit ang tuhod nito.
"HU---WHAT HAVE YOU DONE!" gulat nyang tanong dito.
"Saan mo to nakuha?!" ulit nito.
"Ipinaalaga sakin yan ng kaibigan ko! Sa Little Baguio nila yan nakuha," sagot nya.
Panong ang bilis nya lang nabasag to samantalang ng mabitiwan ko to eh hindi manlang nabasag? Wala rin itong laman. May itlog bang ganto? Shockkks! Anong gagawin ko? Anong ipapakita ko kay Charles pag-umuwi sya dito. Eto kasing unggoy na to eh!
Sinamaan nya ito ng tingin.
"May ipapasa ako sayo ngayon. Baka familiar ka," sabi nito sa kausap sa phone. Pinicturan nito ang shell ng itlog.
Nagulat sya ng bigla sya nitong hilahin.
"Teka! Ano ba!" pagpupumiglas nya.
Binitawan naman sya nito.
"Uuwi na tayo!" seryoso nitong sabi.
"Eto ang bahay ko!" kinuha nua ang kamay nya sa pagkakahawak nito.
"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw nito.
Asa kang sasama ako sayo! Pagkatapos mong basagin ang binigay sakin ni Charles!
Nagtungo ito sa terasa at walang pag-aalinlangang tumalon pababa.
Tumakbo si Eura papuntang terasa at nakita itong naglalakad papalabas ng gate. Papaanong?????
Uummmp! Hindi manlang ako pinilit! Sabagay kahit pilitin nya ko hindi naman talaga ako sasama sa kanya. Feeling gwapo!
___ ___
"Bye Eurs!" Humalik sa pisngi nya si Merry.
"Bye! Goodnight!" ngumiti sya dito bago pumasok ng sasakyan.
Pauwi na sya galing mall. Sinamahan nya si Merry na bumili ng regalo for her Mom's birthday next sunday. Hindi nakasama sa kanila si Rosy dahil masama ang pakiramdam nito. Tahimik lang syang nakamasid sa labas ng bintana. Isang linggo na ang nakakalipas nang umalis sya sa bahay ni Lopez.Ewan ko ba, these days parang wala ako sa mood. For the first time in my life I felt empty.
Nakaka-bonding nya naman ang mga friends nya but there's this feeling na parang may kulang. Lumabas si Manoy at binuksan ang gate.
She was busy scrolling her phone nang napatingin sya bigla sa bintana.
Sa di kalayuan ay nakatayo si...LOPEZ? Timing naman pagpasok ni Manoy kaya pagtingin nya ulit ay wala na ito.
Mabilis syang bumaba at tiningnan ulit ang paligid kung saan nya nakitang nakatayo ito. Namamalikmata lang ba ako?
"Namimiss mo??" tanong sa isipan nya.
A-S-A! Sino makaka miss sa unggoy na yun?
___ ___
Nagising sya nang kalabog mula sa labas.
-_o
Madilim pa pala. Nang makapag adjust na ang mga mata nya sa dilim ay napabalikwas sya dahil may lalaking naka maskara na nasa labas ng terasa.
"Who are you!" nanginginig nyang tanong dito.
Itinaas nito ang isang kamay at may itinuturo sa gilid ng kama nya. May nahagip ang mata nya na gumalaw sa gilid nya. Noooo!!! Ayaw kong tumingin!!
Napalunok sya ng may footsteps syang naramdaman papalapit sa likod nya.
Sisigaw na sana sya ng may biglang tumakip sa ilong at bibig nya.
Ang huli nyang naaalala bago sya mawalan ng malay ay pumasok ang lalaking nakamaskara sa kwarto at nilapit nito ang maskara sa mukha nya.
___ ___
Arayyyy! Ang sakit ng ulo ko!!!
Wala syang makita! Sinubukan nyang igalaw ang mga kamay nya pero nakagapos sya. Asan ako?!
May mga ugong at busina ng sasakyan syang naririnig mula sa labas. Teka! Ba't nagalaw ang kinauupuan ko! Wait! Nasa sasakyan ba ko?
Nang makapag-adjust na sa dilim ang mga mata nya, inikot nya muli ang paningin nya. Natigilan sya ng may mapansin syang mga nakasabit sa unahan. Hindi nya maaninag ng mabuti kung mga tao ba o hayop ang mga ito.
"Hello!" sinubukan nyang sumigaw. Walang sumagot. Parang mahihilo at masusuka sya sa masangsang na amoy ng paligid. Bigla syang nakaramdam ng takot ng huminto ang sasakyan.
Pinakiramdaman nya ang paligid. Hindi katulad ng kanina, tahimik ang labas ng sasakyan. May narinig syang mga naglalakad patungo sa kinaroroonan nya.
"Hello! Tulungan nyo po ako!!!" sigaw nya. Nagbabakasakaling may makarinig at tulungan sya.
Para syang mawawala sa ulirat ng pagbukas ng truck ay mga nakalambitin na sako ang bumungad sa kanya. Sigurado syang may laman ang mga sakong ito dahil sa dugong tumutulo mula rito.
Hindi sya sigurado kung baboy o baka o ano mang klaseng hayop ang mga ito dahil sa pa-straight ang korte ng mga ito.
Nabigla sya ng may humawak sa braso nya, hinila at sinipa sya nito papalabas ng truck. Tumilapon sya papalabas dahil sa lakas ng pagkakasipa nito.
Masakit man ang mga braso at tuhod nya, pinilit nyang makatayo. Tatlong mga naka maskara ang nasa harapan nya. Sa tantya nya base sa mga physical features ng mga ito ay dalawang lalaki at isang babae.
"Anong kailangan nyo sakin!" sigaw nya. Kailangan nyang maging matapang para sa sarili nya. Napatingin sya sa loob ng truck ng mapansin nyang gumagalaw ang isang sako.
"Ummmmm!" ungol mula sa sako.
Nang marinig nya ito ay napasigaw sya. Hindi hayop ang nasa mga sako!
"Aaaaaaaaaahhhhhhhh..." Natigil ang sigaw nya ng biglang may nagtali sa pagitan ng bibig nya.
Lumapit sa kanya ang isang lalaki at pabaligtad sya nitong pinasan.
"Ummmm! Ummmmmm!" Hinahampas nya ito ng paulit ulit.
Sa pagpupumiglas ay hindi nya namalayang pumasok sila sa isang madilim na kwarto.
"Ummmppp!!!!" Napangiwi sya sa sakit ng bigla sya nitong bitawan at ihampas sa sahig. Napaluha sya sa sakit ng likod nya.
Narinig nya pa ang malakas na pagsara nito ng pinto.
Panaginip lang ba to? Napakabilis ng mga pangyayare! Hindi ko maintindihan. Katapusan ko na ba?
Natatakot sya para sa buhay nya. Kanina lang ay ang malambot na kama ang hinihigaan nya, ngayun ay itong malamig na semento.
"Tulong!!!!" sigaw nya sa isip habang humahagulgol ng iyak.
Hindi nya alam kung nasaan sya, sino itong mga kumuha sa kanya at ano ang gagawin nila sa kanya.
Sapat na ang mga nasaksihan nya sa truck para isiping nanganganib ang buhay nya. Lopez!!!!!!
Hindi ko alam bakit ikaw ang una kong naisip but please help me!!
___ ___
Hinang-hina na sya. Halong gutom, uhaw, sakit ng katawan at takot ang nararamdaman nya ngayun.
Nang marinig nya ang pag-alis ng truck ay bigla syang nabuhayan. Kailangan nyang makaisip ng paraan kung paano makakalabas dito.Sinubukan nyang tanggalin ang pagkakagapos ng dalawa nyang kamay pero malabo dahil sa higpit ng pagkakatali nito.
Mabuti nalang at hindi nakatali ang dalawa nyang paa kaya madali syang nakalapit sa pintuan. Tumalikod sya at sinubukang buksan pero nakakandado ito mula sa labas. Shockkks!!
Hihintayin nya nalang bang mamatay dito ng walang ginagawa? Kung sumama sana sya kay Lopez, wala sya ngayun dito.
Napa atras sya when she heard a deep threatening growl outside. Parang galing ito sa mabangis na hayop. Labis syang nagulat nang masira ang pintuan dahil sa lakas ng pagkakabukas dito.
Ang lalo pang nagpanindig ng mga balahibo nya when a man NO! a BEAST walked in.
___ ___
Hello lovez ❤️
Thank you for your unending support
Lovelots❤️❤️