Tatlong araw na mula ng umalis si Travis.
Gustong gusto nya nang umuwi sa bahay at makipag bonding sa mga kaibigan nya pero mahigpit nitong ipinagbilin na huwag na huwag lalabas ng bahay. Uuwi na muna siguro sya sa kanila bukas. Hindi naman siguro nito malalaman.
Katatapos nya lang maghapunan nang humahangos na pumasok si Lopez. Mabilis nitong isinara ang pinto at sumandal dito. Nakahawak ito sa dibdib at maraming sugat sa katawan.
Malayang dumadaloy pababa ang dugo sa mukha nito. Tumakbo si Eura papalapit dito. "Lopez! Anong nangyari sayo?" nagtataka nyang tanong.
Ang sabi lang nito bago umalis ay may aasikasuhin lang pero pagbalik nito ay ganito na ang itsura.
"Eura!" Hinawakan nito ang braso nya bago napasubsob sa dibdib nya at nawalan ng malay.
"Lopez!" sigaw nya. Hindi nya malaman ang gagawin. Inihiga nya ito sa sofa. Ang daming sugat nito sa buong katawan. Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo Lopez!
Tumawag si Eura kay Doc. Santi para matingnan nito si Lopez. Nababahala sya dahil patuloy sa pagdaloy ang dugo sa ulo at mukha nito. Hindi nya alam ang gagawin ko. Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala parin si Doc.Santi kaya tinawagan nya ulit.
Sinabi nitong hindi daw nito makita ang address na sinasabi nya. Sinabi nya ang description ng bahay pero bakanteng lote lang daw ang nakita nito. Nagtataka man ay binigyan nalang muna sya ng instructions nito para mapatigil ang paglabas ng dugo.
Napalunok sya ng makita nyang namumutla na ito. Mabilis nyang sinunod ang instructions ni Doc.Santi kahit natataranta na sya. Mabuti nalang kahit papaano ay may medicine kit sila dito.
Napatingin sya sa sugat nito sa dibdib. Natatangi ito dahil kulay berde ito at may mga itim na ugat sa buong paligid nito. Nilinis nya ito at nilagyan ng bandage. Kahit naiilang ay binihisan at pinunasan nya narin ang buong katawan nito gamit ang maaligamgam na tubig. Pinagmasdam nya ito habang natutulog. Paano pala kung wala ako dito. Paano pala kung umuwi ako.
___ ___
-_-
O_-
O_o
Nagising si Eura dahil sa init ng araw na dumadampi sa pisngi nya. Nakatulog pala ako dito sa sala.
Inayos nya ang kumot ni Lopez at dumeretso sa kusina para maghanda ng makakain nila.
"Ahhhh!" sigaw nito.
Nabitawan ni Eura ang kutsara na hawak hawak nya sa gulat. Mabilis nya itong nilapitan dahil sa namimilipit ito sa sakit. Sumisigaw ito habang sapo sapo ang dibdib.
Kinuha nya ang kamay nito na nakatakip sa dibdib at nagulat sya sa nakita nya. Ang sugat nito ay unti unting lumalaki.
Maya maya pa ay nanginginig na ang buong katawan nito.
"Lopez!" Bigla nya itong niyakap dahil sa hindi nya alam ang gagawin nya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang may kinatatakutan sya na ewan.
"Ano bang nangyayare sayo?" Namalayan nya nalang na tumutulo na pala ang mga luha nya.
"Iyakin," mahinang sabi nito.
Mabilis nya itong binitawan kaya napangiwi ito sa sakit.
"Ay Sorry!" nag-aalala nyang sabi dito.
Sinamaan nya ito ng tingin nang makita nyang nakangisi ito. Kinuha nya ang medicine kit at pinaupo ito.
"Okay na ko," sabi nito sabay tayo.
"Kanina lang nanginginig ka tapos sasabihin mo ngayong ayos kana?" Hinawakan nya ito sa braso at pilit inupo.
"Okay na nga! Ang kulit mo!" muli itong tumayo.
Sa inis nya ay hinila nya ito paupo kaya nawalan ito ng balanse at nasubsob sa kanya. Napahiga sya nang lalo nitong nilapit ang katawan sa kanya.
Tug! Tug! Tug! Parang sasabog ang puso nya sa bilis ng t***k nito. Shockkks! I'm cornered again!
Nawawala nanaman sya sa sarili dahil sa mga titig nito. ~o~
Nasa ganoon silang posisyon nang biglang bumukas ang pinto.
"Hi!" nakangiting bati ng nasa pinto.
Sabay silang napatingin ni Lopez. Itinulak nya ito ng pumasok ang isang babae.
She's wearing a plain red dress. Ang ganda nya! Mabilis itong lumapit sa kanila.
Simpleng simple lang ang suot nito pero nakakagaan ng loob ang maamo nitong mukha. Sa tantya nya ay magkasing edad lang sila. Bumabagay ang curly hair nito sa maliit na mukha nito. Nabigla si Eura ng yumakap ito kay Lopez.
"Ang tagal mo," sabi ni Lopez dito.
"Pasensya na, marami lang inasikaso. Good that your alive!" nakangiting tugon nito.
Lumapit ito sakin. "Hi! I'm Rias! Guard..." hindi na nito naituloy ang sasabihin.
"Doctor!" singit ni Lopez.
"Gamutin mo na nga ako!" ani Lopez sabay hila rito.
Pumasok ang mga ito sa kwarto ni Lopez. Naiwan sya sa baba na nagtataka. WHAT JUST HAPPENED??! Is she his girlfriend?
Napaupo sya sa sofa. Bakit hindi nya ito naisip agad. Natural lang na may girlfriend ito at in fairness maganda naman talaga ang girlfriend nito. Niligpit nya nalang ang lahat ng kalat sa sala.
Nang papasok na sya sa kwarto nya ay napatigil sya sa harap ng pinto ni Lopez. Ba't ang tahimik? Baka may ginagawa?
Sa naisip nya ay may biglang kumirot sa dibdib nya. Ummmp! So what? Wala akong pake!!!!
Mabilis syang pumasok sa kwarto at sinara ng malakas ang pinto.
"Hindi manlang nahiya! Kung magdadala sya ng girlfriend dito dapat pinauwi nya na ako noh! Bastos!" nanggagalaiti nyang sabi.
Nagulat sya nang may kumatok. Tumayo sya at binuksan ito.
"Hi!" todo ngiting bati ni Rias.
Nagulat sya nang bigla sya nitong yakapin.
"Eura right?" tinitigan sya nito. "You're so pretty!" Anong sasabihin ko? Magte-thank you ba ko? Awkward kaya.
Nang hindi sya nakasagot ay mabilis itong pumasok ng room at umupo sa kama.
"Again, I'm Rias, one of his friends" ngumiti ito.
Hindi nya maintindihan pero ng marinig nya ang salitang 'friends' ay napangiti sya bigla. Maling akala nanaman pala ako.
"Mabuti at natitiis mo naman ang ugali ni Travis?" tumayo ito at umakbay sa kanya. Mukhang magkakaroon sya ng kakampi dito. Haha
"Hey! Kakarating mo lang ang ingay mo na," sabay kaming napaharap sa pinto.
Nakasandal sa pinto ang nakangising gorilla!
Nagulat sya dahil malakas na ito at wala na ang mga galos at sugat sa ulo nito.
Nilapitan nya at tiningnan ang dibdib nito.
"Hey! Ginagawa mo?" tanong nito.
"Asan na ang mga galos mo? May sugat ka dito sa dibdib," nagtataka nyang tanong dito.
Napakunot naman ang noo nito. Lumapit si Rias at hinaplos ang mukha ni Eura. Ilang sandali lang at unti unti ng dumilim ang paligid nya.
Travis POV
Ginamitan ni Rias ng kapangyarihan si Eura upang makatulog ito. Nasalo nya naman ito agad at inihiga sa kama.
"Akala ko binura mo na," sabi nya dito.
"Muntik na tayo dun ah! Pumasok ka kasi agad," sabi ni Rias.
Ang plano nila ay burahin ang alaala ni Eura tungkol sa sugat nya sa dibdib. Mula sa kamay ni Rias ay may puting liwanag na dumaloy sa buong katawan ni Eura.
"Kahit ako ay nagtataka kung bakit wala na ang berioda sa dugo mo. Sigurado ka bang natamaan ka sa dibdib kahapon?" tanong nito.
"Siguradong sigurado ako, hindi ko inaasahan na may berioda silang dala. Kung hindi lang ako natamaan ay tyak na nahabol ko sila!" naiinis nyang sagot.
"Tatlong araw na ang nakakaraan nang tumawag si Gustavo at ipinaalam na may laboratoryo ang mga kudos sa kabilang bayan. Marami akong nalaman sa pagsalakay ko dun," dagdag nya.
Binaba ni Rias ang dalawang kamay at seryosong humarap sa kanya.
"Nagrereproduce sila ng maraming berioda. Tama ang sinabi ni Martin na may plano silang magparami at mga mortal ang ponterya nila ngayun. Marami akong nakitang mga testing subjects nila. Mga mortal ito na unti-unting nagiging kudos," seryoso nyang sabi dito.
"Maaaring may idinagdag sila sa berioda. Kung purong berioda lang ay ikamamatay ito agad ng mga mortal. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit wala na ito sa dugo mo? Kung babasehan natin ang oras nang pagtama sayo at oras ng pagdating ko, dapat ngayun ay malala na ang lagay mo o di kaya ay naging kudos kanarin," seryoso nitong sabi.
Magsasalita pa sana si Travis nang sabay silang napatingin kay Eura. May umiilaw sa dibdib nito. Nilapitan ni Rias at tiningnan kung ano ito.
"Tingnan mo to," tawag ni Rias.
Lumapit sya at may nakitang pulang marka na hugis puso sa dibdib nito.
"Ano yan?" tanong nya dito.
"Huwag naman sana." Pumikit si Rias at itinutok ang dalawang kamay sa dibdib ni Eura. May mga ibinubulong itong orasyon. Pagdilat nito ay umiilaw ang mga mata nito hudyat na may na diskobre ito. Humarap ito sa kanya.
"Dark essencia! Panong nagka dark essencia sa katawan nya?" Tumingin ito muli sa katawan ni Eura.
Ang dark essencia ay kabaliktaran ng life essence. Kung ang life essence ay mula sa amory na nagbibigay ng lakas at buhay sa lahat ng maharlikan, ang dark essencia naman ay galing kay Bartzabel na humihigop ng buhay ng sino mang magkakaroon nito.
Sa narinig nya ay bigla syang nawala sa sarili. Mabilis syang bumaba ng kwarto at pumasok ng basement. Lalong nagdilim ang paningin nya nang makita nyang nakangisi si Martin.
"Sabihin mo! Bakit may dark essencia sa katawan ni Eura!" sigaw nya dito.
"Hindi ko alam," mahinang sagot nito.
"Hindi mo alam o ayaw mo lang sabihin!" Sinuntok nya ito sa mukha nang paulit ulit.
"Bakit ba labis kang naaapektuhan sa mortal na yun?" ngumisi ito.
Bigla syang natigilan. Pabalik balik sa isip nya ang tanong nito.
"Wala kana dun! Ngayon sagutin mo ang tanong ko!" Sinakal nya ito.
"Wala akong kinalaman dyan. Alam..mong si..Lord Bartzabel lang ang may kapangyarihang magbigay ng dark essencia diba," habol hininga nitong sagot. Paano? Bakit? Binitawan ko ito.
"Babalikan kita," sabi nya bago umalis ng basement. Bumalik sya kung nasan sila Rias.
"Meron pa akong nararamdaman sa loob ng katawan niya. Hindi ko matiyak kung ano dahil sa natatakpan ito ng dark essencia pero ito ang rason kung bakit patuloy na lumalaban ang katawan nya." Humarap at lumapit ito sa kanya.
"Susubukan kong makagawa ng gamot para malabanan ang dark essencia," dagdag nito.
"Alam mong imposible yan," seryoso nyang sabi dito.
"Hihingi ako ng tulong kay Wura," sabi nito habang bumababa ng hagdan.
"Delikado yang pakikipag-ugnayan nyo ni Seb kay Wura." Sinundan nya ito pababa.
"Sa ngayon ay tumutulong sya, yun nalang muna ang isipin natin. Isa pa, tinutulungan nya kong makagawa ng gamot para sa berioda," napangiti ito sa sinabi. "Teka, hindi mo pa nakukwento sakin kung bakit hinahabol si Eura ng mga kudos." Dumeretso ito ng kusina at kumuha ng tubig.
"Ang tiyak ko lang ngayon ay may kailangan si Bart kay Eura. Hindi ito mag-aaksaya ng oras sa isang mortal kung wala itong kailangan. Yun ang aalamin ko," seryoso nyang sagot dito. "Nararamdaman kong malapit ko nang mahanap ang amory," dagdag nya.
Lumapit ito sa kanya at yumakap.
"Hindi na ako magtatagal. Tatawagan kita kapag may nagawa na akong gamot. Alamin mo kung saan nya ito nakuha. Baka magka lead tayo," ngumiti ito bago nawala.
Pumasok si Travis nang kwarto ni Eura at pinagmasdan ito.
Ano ang kaugnayan mo Eura kay Bartzabel at sa amory?
___ ___
Hello lovez❤️
How are you? Hope you're all safe and healthy
Thank you for your support