Gustavo POV
"Wala si Eura dito!" humarap sya kay Travis. Nagulat ito sa sinabi nya. Inikot nila ang buong bahay pero wala ito.
"s**t!" sabi ni Travis habang nakasabunot sa buhok nito.
Eura POV
Nagising si Eura sa sobrang sakit ng ulo nya. Tumayo sya at pinagpatuloy ang pagbibihis.
Pagharap nya sa salamin ay namumula parin ang pulang marka sa dibdib nya pero hindi na ito mahapdi. Ang dating pabilog na marka ay naging hugis puso. Pano?
Nagtataka man ay pinagwalang bahala nya muna. Bumaba sya at naghanap kung meron bang gamot manlang. Ang sakit talaga ng ulo nya.
Para itong mabibiyak kaya nagpasya na muna syang lumabas at maghanap ng kahit anong pharmacy.
Pagbalik nya ay nasa labas na ang sasakyan ni Travis. Pumasok sya at nakita nyang pabalik balik si Gustavo at bakas ang pag-aalala sa mukha nito samantalang si Travis ay galit na galit.
Bumilis ang t***k ng puso nya nang sabay ang mga itong napatingin sa kanya. Mabilis na lumapit sa kanya si Travis at galit na hinawakan ang braso nya.
"Saan ka pumunta!" galit na tanong nito.
Nagulat sya sa reaksyon nito kaya hindi sya kaagad nakapag salita.
"Aray!" sabi nya habang sinusubukang tanggalin ang braso nya sa pagkakahawak nito. Napatingin naman ito sa braso nya at napabitaw. Parang iiyak sya nang makita nyang namumula ang braso nya.
"Ano bang problema mo! Lumabas lang naman ako saglit ah!" sigaw nya dito.
Magsasalita pa sana ito pero pinigilan nito at mabilis na lumabas ng bahay. Narinig pa ni Eura ang pang-alis ng sasakyan nito.
"Pagpasensyahan mo na si Travis. Marami lang talagang problema sa ngayon." Nag-abot ng yelo si Gustavo.
Nilagay nya ito sa namumula nya pang braso.
"Nandito ka sa bahay kaya responsibilidad ka namin, hindi ka dapat basta basta umaalis dito lalo pa at may mga humahabol sayo," mahinang sabi nito.
Hindi na sya umimik pa at umakyat nalang sa kwarto.
___ ___
Dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi nya pa nakikita si Lopez.
Nagtataka man ay hindi nya na sinubukan pang tanungin si Gustavo. Baka mamaya isipin nito na may pake sya. Over my dead sexy body! Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa nya sakin no.
Nabo-bored sya kaya naisipan nyang pumunta ng kusina. Gumawa sya ng avocado shake para sa kanila ni Gustavo.
Tatawagin nya na sana si Gustavo nang biglang sumama ang pakiramdam nya. Para syang matutumba. Uminum sya ng tubig at bumuti naman agad ang pakiramdam nya. Kailangan nya na talagang magpa check up. Parati ng sumasama ang pakiramdam nya.
"Euraaaaaaaaaa...," mahinang bulong.
Nagpalinga linga sya kung may tao ba sa paligid pero wala. Baka guni-guni ko lang.
"Euraaaaaaaaaaaaa...," ngayon ay mas mahina na ito. Para itong ipinapadaan sa hangin.
"Euraaaaa......" Sinundan nya kung saan nanggagaling ang bulong.
Napadpad sya sa likod ng bahay. Nasa madilim na parte ito kaya hindi mapapansin agad. Mayroong hagdan pababa. Isang basement? Para syang mina-magnet pababa. Tama ako, dito nanggagaling ang boses.
Hinawakan nya ang doorknob at nang pipihitin nya na sana pabukas ay may kamay na pumigil sa kanya.
Nakuryente bigla ang kamay nya kaya mabilis nyang binawi ito sa pagkakahawak sa doorknob.
Bigla syang natauhan at nawala ang boses na bumubulong sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" bumilis ang t***k ng puso nya pagkarinig sa boses nito. Kahit hindi sya humarap ay kilala nya kung sino ang nasa likod nya.
Nanginig ang mga tuhod nya nang dumikit ang dibdib nito sa likod nya at ramdam na ramdam nya ang init ng hininga nito sa batok nya. Humarap si Eura para sana makaalis pero lalong nadagdagan ang tensyon ng makita nya ang mukha nito.
Bakas sa mukha nito ang pagtataka at inis pero may kakaibang dulot ang mga titig nito. Napalunok sya ng bumaba ang titig nito sa labi nya.
"A-a-alis dyan!" pautal utal nyang sabi.
Pagtagilid nito ay mabilis syang tumakbo paakyat at papasok ng bahay. Dumeretso sya ng kusina at nakita nya si Gustavo na nakaupo at kumakain nanaman ng pizza.
"Namumutla ka?" tanong nito.
"Wala." Kinuha nya ang isang avocado shake at uminum. Inabot nya kay Gustavo ang isang shake na ginawa nya para dito.
"Ngek! Sensya na hindi ako umiinum nyan. Hehe," sabi nito habang nakangiti.
"Sa mokong nalang to," tukoy nya kay Lopez.
"Hindi rin yun kumakain ng avocado nu," sabi nito. Natigilan sya.
Kung hindi para dito, para kanino tong avocado na binili nito sa supermarket?
Biglang nag flashback sa kanya nung minsang nagkasalubong sila ni Lopez sa canteen at natapun ang bitbit nyang avocado cake.
"Hala mo! Paborito nya pa naman yan!" sabi ni Rosy.
Tanda nya pang namumula sya sa galit nun kasi last slice nalang yung nakuha nya. Kung hindi sila kumakain ng avocado, ibig sabihin binili nito to para sa kanya?
Kasabay ng naisip nya ang pagpasok ni Lopez. Nagtama ang kanilang mga mata. Naramdaman nyang umakyat lahat ng dugo nya sa mukha kaya napayuko sya.
"Yow!" sabi ni Gustavo.
"May pag-uusapan tayo," walang ka gana ganang sabi nito sabay alis.
Tumayo naman si Gustavo at sumunod dito dala dala ang box ng pizza.
Naiwan syang hindi parin makapagmove on sa mga iniisip nya.
Gustavo POV
Sinara nya ang pinto at siniguradong naka lock ito. Alam nyang importante ang pag-uusapan nila.
"Wura's helping us," hindi makapaniwalang sabi nito.
"Helping us? For what?" tanong nya habang nakasandal sa pintuan.
"Restore the Amory, yun ang sabi ni Seb. Kahibangan ang ginagawa nilang pagtitiwala," pailing iling nitong sagot.
"Wala na tayong ibang choice. Maraming alam si Wura na makakatulong habang hindi pa natin nakikita ang life essence ng Amory," sagot nya naman dito. Naiintindihan nya ang point ni Seb.
May inilabas si Travis mula sa bag nito.
"Si Lenie kamusta?" nakangiti nyang tanong dito. Tumingin naman ito ng masakit sa kanya.
"Okay! Alam ko namang ipagdadamot mo yan sakin. Ano yan?" pag-iiba nya ng topic.
"Mga bigay to ni Ari." Kinuha nito ang dalawang cellphone at hinagis sa kanya ang isa. Sa unang tingin ay parang ordinaryong cellphone lang ito.
"Magagamit natin to para makausap ang mga maharlikan ng hindi na pumupunta dun," sabi nito.
Tiningnan nya ang mga contacts, hindi mga pangalan ang nandoon kundi mga pictures.
"Kung sino ang gusto mong makausap, just click their picture," nakangising sabi nito.
May cellphone naman talaga sila sa Maharlika pero hindi nila nagagamit sa mundo ng mga mortal kaya kakaiba to.
"Regarding sa berdeng likido na pina examine ko kay Rias," seryosong sabi nito. Napatingin sya bigla dito. "They're turning humans into like them, MONSTERS!" galit na sabi nito.
"Pero bakit patay ang mga nakita natin?" tanong nya.
"They're injecting berioda, ang mga nakita natin ay mga testing subjects nila," sabi nito.
Ang berioda ay isang ipinagbabawal na likido sa maharlika. Ito ang rason kung bakit naging kudos si Bartzabel, ang pinakaunang kudos. Sa kagustuhan nitong maging immortal ay ninakaw nito ang berioda. Pero lahat ay may side effects, naging isa itong mabangis na halimaw na kinatatakutan ng maraming maharlikan. Nakapanghawa ito sa ibang mga maharlikan at naging kudos katulad nya. Simula ng umalis ito ay wala nang nakakita pa dito.
"Mabisa lang ito sa mga maharlikan. Iba ang maaaring maidulot nito sa mga mortal, maaari maging agresibo sila at mawalan ng control sa sarili. Worst ay maaari silang mamatay kapag hindi nakaya ng katawan nila," mahabang paliwanag nito.
"Pero bakit nila ito ini-inject sa mga mortal?" tanong nya. Masyado itong delikado para sa mga mortal.
"Yun ang aalamin pa natin. Hindi ko lang maintindihan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayare." Tumayo ito at nagpalakad lakad.
"Mukhang may malaking binabalak si Bartzabel," sabi nya.
"Yun din ang iniisip ng lahat, kaya inutusan ng Hari ang buong palasyo na maghanda sa kung anong mga pwedeng mangyare. Pero hanggat wala satin ang life essence ng Amory ay hindi tayo mananalo, lalo pa't nasa panig nila si Sandra," nanggigigil na sabi nito.
"Isa rin ba yan sa mga rasun kung bakit humingi tayo ng tulong kay Wura?" tanong nya kahit alam nya na ang sagot.
Tumango ito. "Mas dehado tayo kapag nasa panig pa nila si Wura. Malaki ang maitutulong nito kahit na tuso ito," sagot nito.
"Kailangan nating makalikom ng mga impormasyon," sabi nya.
Sabay silang napatingin sa isa't isa.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" tanong nya.
Ngumiti naman ito ng nakakaloko.
___ ___
Nagpalinga linga muna sila bago binuksan ni Travis ang pinto ng basement.
"Himala at tahimik ang aming bisita ngayon." Kumuha si Travis ng upuan at kalmadong umupo paharap dito samatalang sya ay nakasandal sa pader at pinagmamasdan lang ang mga ito.
Hindi parin kumibo si Martin pero matalim ang mga tingin nito sa kanila.
"Siguro naman ay magsasalita kana kapag nakita mo to," may dinukot si Travis sa bulsa nito.
Itinaas nito sa mukha ni Martin ang isang kwintas. Pagkakita ay namula sa galit si Martin at pilit inaabot si Travis.
"Anong ginawa mo kay Lisa!" sigaw nito.
"Wag kang excited! Wala pa akong ginagawa, gagawin palang pag hindi kapa nagsalita," nakangising sagot ni Travis.
Himala at kalmadong kalmado ngayon ito.
"Pag nakawala ako dito, ikaw ang una kong papatayin," nanggigigil nitong sabi.
"Tik! tak! tik! tak! Your time is running!" bulong ni Travis dito. "Ano ang plano nyo? Kapag hindi mo pa to sinagot, ulo na ni Lisa ang pasalubong ko sayo. You knew me!" seryosong pagbabanta ni Travis.
Naiinis man ay wala nang nagawa pa si Martin. "Inutusan kaming magparami ng lahi," matipid na sagot nito.
"Sino ang nag-uutos sa inyo?" tanong ni Travis.
"Si Sandra ang nag-uutos samin. Hindi kami basta basta nakakapasok sa Maharlika kaya humanap kami ng mas madaling paraan, yun ay ang mga mortal," sagot nito.
"Saan ang susunod nyong operasyon?" tanong ni Travis.
"Sasabihin ko pero ipangako mong titigilan mo na si Lisa," seryong sabi nito.
"Hindi man ako magaling sa mga pangako pero sige, depende kung tama ang ibibigay mong mga impormasyon," seryong sagot ni Travis.
___ ___
"Ako ang aalis para sa misyon," seryoso nyang sabi kay Travis habang naglalakad papasok ng bahay.
"Seryoso ka? Limang magkakasunod ang mga operasyong binanggit ni Martin. Pwede naman nating hatiin." Humarap ito sa kanya.
"Nope! Medyo nabo-bored narin ako dito. Hindi ako sanay nang hindi pinapawisan," sagot nya dito habang nag-uunat ng katawan.
"Tatawag naman ako from time to time kapag may mga bagong impormasyon na akong nakuha," dagdag nya pa sabay taas ng cellphone.
Hindi nya na nagagampanan ang pagiging aeros nya. Sa Maharlika ay halos araw araw silang nagsasanay at lumalaban sa mga kudos na nagbabalak pumasok.
Ang kakayahan sa pakikidigma ang nagpapasaya sa kanila kaya insulto para sa kanya ang walang ginagawa lalo pa't dalawa sila ni Travis ang naatasan sa misyong ito.
"Bahala ka," sagot nito at pumasok na ng bahay.
Alam nya namang may tiwala itong makakaya nya ang misyon.
Eura POV
"Euraaaaa.....," paulit-ulit na bulong sa kanya.
Dati ay natatakot pa sya pero ngayon ay medyo sanay na sya.
Nais nya mang puntahan ang basement nayun pero mahigpit na ipina alala ni Lopez na huwag nyang bubuksan yun.
Kumatok sya sa pintuan ni Lopez pero walang sumasagot kaya pumasok nalang sya. What?! Tulog parin?
"Lopez! Gising na!" tinapik tapik nya ito.
Hindi sila pwedeng malate. Ngayon ang appointment nya kay Doc. Santi.
Wala rin naman syang choice dahil wala si Gustavo dito.
"Kapag hindi kapa gumising dyan, aalis akong mag-isa!" sabi nya sabay yugyog dito. Nagulat sya nang hinawakan nito ang kamay nya at hinila sya pahiga.
"Anong ginagawa mo?" unti-unti nanamang umiinit ang mukha nya dahil sa nakapatong sya sa katawan nito.
Ramdam na ramdam nya ang init ng dibdib nito dahil wala itong suot na pang itaas. Tinitigan nya ang mukha nito. Shockkks! Ba't ang gwapo parin kahit tulog? Bumilis ang t***k ng puso nya ng magmulat ito ng mga mata at deretsong tumitig sa kanya.
"Ang bigat mo," nakangising sabi nito.
Mabilis syang tumayo. "Sa payat ko na to? Bumaba na nga timbang ko dahil nagugutom ako dito," naiinis nyang sabi.
Lumaki ang mga mata nya nang bigla itong tumayo. Naka boxer lang ito!!!
"Bastos!" Hinahampas nya ito ng unan habang nakapikit.
Bigla nitong hinawakan ang dalawa nyang kamay kaya napamulat sya. Ang lapit lapit nito sa kanya.
"Hintayin mo ko sa baba," bulong nito.
Pagkarinig nya ay tumatakbong lumabas sya ng kwarto. Tinatakpan nya ang tenga nya habang pababa ng hagdan dahil sa nakakairitang tawa nito.
Katatapos lang nilang mag-usap sa phone ng Mom nya nang makita nya ang mokong na pababa ng hagdan.
"What's for breakfast?" tanong nito.
"Wala kang maid dito," sarkastiko nyang sagot.
"Sabagay wala naman akong aasahan sayo," pang-aasar nito.
Dumeretso ito sa sasakyan kaya sumunod na sya.
"Oh!" sabi nya sabay abot ng ginawa nyang clubhouse sandwich.
"May lason ba yan?" tiningnan nito ang sandwich.
"Edi wag mo!" binawi nya ang kamay nya. Kinuha nito ang sandwich at inumpisahang kainin.
"Pa ayaw ayaw pa gusto rin naman," sabi nya.
"Gutom ako eh, wala akong choice," poker face nitong sabi habang ngumunguya.
Kaya pala naubos mo, wala kapang choice sa lagay na yan ha. Hindi nalang sya kumibo at humarap nalang sa labas ng bintana.
___ ___
All her test results were normal. Dapat nya itong ikatuwa pero mas lalo lang syang naguluhan.
Madalas syang mahimatay at sumasakit parati ang marka sa dibdib nya pero walang makita ang doctor na kahit ano mang komplikasyon. Binigyan lang sya nito ng bagong vitamins.
"May update ba sa case ko?" tanong nya kay Travis habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
Karapatan nya rin namang malaman kung hanggang kailan sya makikisama sa mokong na to. Baka isipin nito na masyado na syang nagiging komportable sa bahay nito. Hindi ito umimik, hudyat na ayaw nitong makipag-usap. Ummmp! Suplado.
Tumahimik nalang sya lalo pa't wala sya sa mood makipag world war dito.
___ ___
TEASER
"Okay na nga! Ang kulit mo!" muli itong tumayo.
Sa inis nya ay hinila nya ito paupo kaya nawalan ito ng balanse at nasubsob sa kanya.
Napahiga sya nang lalo nitong nilapit ang katawan sa kanya.
Shocks! I'm cornered again!
Nawawala nanaman sya sa sarili dahil sa mga titig nito.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang biglang bumukas ang pintuan.
"Hi!" nakangiting bati ng nasa pinto.
___ ___
Hi lovez❤️
Please do like,add to library and follow me for more updates ❤️
Thankies