CHAPTER 10: Martin

1643 Words
Maaga pa syang nagising dahil sa sino ba naman ang makakatulog agad sa hindi nya bahay tapos may kasama pang hindi mapagkakatiwalaan.  Bababa na sana sya nang makita nyang nakabukas ng bahagya ang kwarto ni Lopez. Katabi lang ng kwarto nito ang guest room na tinulugan nya kaya rinig na rinig nya ang malaking boses ni Gustavo. "Sure kanaba talaga sa iniisip mo?" ani Gustavo. "Yeah! We need her. May rasun kung bakit sya sinusundan ng mga kudos," sagot naman ni Lopez. "Sabagay may point ka. Baka may makuha tayong lead," sabi ni Gustavo. Sumilip si Eura ng dahan dahan. Nakahiga parin si Lopez at natatakpan ng unan ang mukha nito samantalang si Gustavo naman ay nakapamaywang na nakatayo at pilit na kinukuha ang unan sa mukha ni Lopez. "Umalis ka nanga! Natutulog pa ko!" iritang sabi ni Lopez sabay hampas ng unan kay Gustavo. Tatawa tawang naglakad si Gustavo papuntang pintuan kaya mabilis na umalis at pumasok ng guest room si Eura. Aysss! Anong gagawin ko? Gusto ko na talagang umuwi. Wala akong damit o kahit anong gamit man lang. Napatingin sya sa pintuan ng may kumatok. "Yuhooo! Munchkin! Gising kana?" tawag ni Gustavo. "Tulog pa!" sigaw nya. Binuksan naman nito agad ang pinto pagkarinig sa boses nya. "Gusto ko nang umuwi," bungad nya dito. "I know, but wala kang choice," umupo ito sa kama. "I have nothing here! Wala akong damit, sapatos, bra at panty," sabi nya dito na ikinapula ng mukha nito. Mabilis naman itong tumayo at lumabas ng kwarto. "Wait! Sasabihin ko kay Travis," sabi nito bago isara ang pinto. Natawa naman si Eura dahil sa reaksyon nito. ___   ___ Kumakain sila ni Gustavo ng agahan ng bumaba si Lopez. Gulo gulo ang buhok nito at nakapikit pa ang isang mata ng makita nya ito. Kumuha ito ng tubig at uminom. Humarap ito sa kanya kaya muntik nya nang mabitawan ang kutsara. Shocks! Kakagising lang ba't ang gwapo parin. "Magbibihis lang ako then aalis tayo," sabi nito bago tumalikod. "Ako ba kinakausap nun?" tanong nya kay Gustavo. "Siguro! Sayo nakaharap eh," sagot nito habang umiinum ng juice. Saan naman kaya sila pupunta? Ihahatid niya na kaya ako samin?  Hindi pa sya tapos kumain ng bumaba ito at bagong ligo na. "Tara na!" sabi nito at dere-deretso sa labas ng bahay. "Wait! Kumakain pa ko!" sagot nya dito. "Edi maiwan ka!" Pumasok ito ng sasakyan. Mukhang seryoso ito kaya dali dali syang uminum ng tubig at tumakbo palabas ng bahay. "Bye, Gustavo!" sigaw nya bago pumasok ng sasakyan. Magkaka appendicitis naman ako sa mokong na to! "Hindi pa nga tapos kumain ang tao eh!" angal nya dito. "Ako ba kumain na?" sagot nito. "Sinabi ko bang hindi ka kumain?" sagot nya. Mabilis nitong iniliko ang sasakyan kaya napasubsob at napahawak si Eura sa braso nito. Ay ang bango at ang tigas!  "Ano ba! Magdahan dahan ka nga!" Inayos nya ang sarili. "Sinabi ko bang hindi ka mag seatbelt?" pang aasar nito. Napabuntonghininga nalang sya at binaling ang atensyon sa labas. Bumaba sila sa isang mall. "Anong gagawin natin dito?" tanong nya. "Ano bang ginagawa dito?" sagot nito. Wow! Nasagot mo tanong ko. Pumasok sila sa Kimiyura Boutique. Mga lady's wear to ah. "Kailangan mo ng mga susuotin diba?" walang ka emo-emosyong sabi nito sabay upo sa waiting area. Pagkasabi nito ay dali dali na syang namili ng mga damit. Habang namimili sya ay nakita nya ang isang saleslady na lumapit kay Lopez. Hoy! Ako ang customer hindi yan!  Natawa si Eura nang bigla itong namutla at dali daling umalis. May sinabing hindi maganda nanaman siguro si Lopez. Hahahaa yan kasi. Flirt pa more! Pagkatapos nitong bayaran ang mga pinamili nya ay agad itong lumabas ng boutique. "Ui wait lang!" sigaw nya dito habang tumatakbo. Tumigil naman ito at hinintay sya. "Pwede hintay naman? Bigat kaya ng mga to," sabi nya dito. "Sinabi ko bang bilhin mo buong boutique?" angal nito sabay agaw ng lahat ng mga dala nya. "Aray naman! Anong gusto mo isang damit at short lang suotin ko buong linggo?" inis nyang sagot dito. Lihim naman syang napangiti dahil sa naisahan nya ito kundi wala syang dala. Wahahaha Pumasok muna sila ng supermarket bago umuwi para narin makapamili ng mga kulang sa gamit nya. Pumipili sya ng shampoo ng mapansin nya si Merry sa unahan. Dali dali syang umalis para hindi sya nito makita. Shocks! Ngayon pa talaga? Hinanap nya si Lopez at nakita nya naman ito sa fruit section at may hawak hawak na avocado. Napansin nya agad ang mga laman ng shopping cart nito.  Kahit na suplado ito, at least hindi sya magugutom diba? Nakakabilib dahil sa masarap itong magluto samantalang sya eh prito na nga lang nasusunog pa. Ngayon nya lang ito napagmasdang mabuti. Nakaka-attract talaga ang tangkad nito at ang matipunong pangangatawan. Yun bang tipo na kahit nakatalikod ay sigurado kang gwapo. Naka floral itong sando at naka short na puti. Bigla syang namula nang bigla itong humarap sa gawi nya. "Enjoying the view?" ngumisi ito. "Kapal mo! Bilisan mo na jan," sabay talikod. ___   ___ Pagdating nila ay nasa labas na si Gustavo at balisa ito. Mabilis itong pumunta kay Lopez at may ibinulong. Kita naman ang pag-aalala at galit sa mukha ni Lopez. Dali-dali nilang nilabas ang mga pinamili at ipinasok sa kusina. "Lock the doors at huwag kang magpapapasok ng kahit sino," sabi nito bago isara ang pintuan. Saan pupunta ang dalawa at mukhang nagmamadali? Pagkatapos nyang ayusin ang mga pinamili nila sa kusina ay kinuha nya naman ang mga damit na pinamili nya at inakyat sa guest room. Nasa kalagitnaan sya ng pagsha-shower nang makaramdam sya ng pang-iinit sa dibdib nya. Lumabas sya ng shower room at humarap sa salamin. What is this?! Ang hapdi ay nanggagaling sa pulang marka sa dibdib nya. Dali-dali nyang kinuha sa bag ang ointment na bigay ng dermatologist. Pinahiran nya ito ngunit lalo lang itong nang-init. Mabilis nyang hinugasan at inalis ang ointment. "Ahhhh!" sigaw nya nang parang hinihiwa ang balat nya sa sakit. Kahit na kakaligo lang eh kitang kita nya ang malalaking butil ng pawis nya dahil sa sakit. Bago nya matapos ang pagbibihis ay nagdilim ang buong paligid nya. Ang huli nyang naaalala ay napaupo sya dahil sa sobrang sakit. ___   ___ Gustavo POV Tumigil sila sa isang abandonadong bahay. "Meron ba?" tanong ni Travis. "Wala akong nararamdaman," sagot ni Gustavo. Mabilis itong pumasok sa bahay ng makompirmang walang kudos. Pagpasok nya ay agad nyang napansin ang mga bangkay ng mga mortal. "F*ck! Hindi tayo umabot!" Sinipa ni Travis ang isang upuan. Inisa isa nilang tingnan kung may buhay pa pero nabigo sila. Nilapitan nila ang isang bangkay na naiiba sa lahat. Ang kulay ng balat nito ay berde at naaagnas na. Hindi na malaman kung babae ba ito o lalaki. Kumuha si Travis ng kahoy at tinusok sa naaagnas na katawan nito. May lumabas na berdeng likido. "Sa tingin mo ano yan?" tanong nya habang pinagmamasdan ang berdeng likido. Napatingin sila sa isa pang bangkay na katabi lang nito. Ang balat nito ay unti-unti naring nagiging berde. Nilapitan nya ito at pinagmamasdan habang unti-unti narin itong naaagnas. Nilabas nya ang specimen bottle na dala nya at kumuha ng sample ng berdeng likido. Napatayo sila nang lahat ng bangkay ay naging berde ang balat at unti-unting naaagnas hanggang sa nawala at tanging mga damit lang ng mga ito ang naiwan. "s**t! Dapat malaman kaagad ni Seb to!" galit na sabi ni Travis. "May na trace kapa?" dagdag na tanong nito. "Base sa mga sinabi ni Martin kagabi ay ito palang ang natrace ko kanina," sabi nya dito habang pinapasok ang specimen bottle sa bulsa nya. Napakuyom ito ng kamao at mabilis na lumabas ng bahay. ___   ___ Pag-uwi nila ay dumeretso sila ng basement. Tumambad kanila ang nakangising kudos.  "SURPRISE! WAHAHAHAHAHA!" tumawa ito ng malakas. Nababalot sa mukha nito ang kasamaan. Nasa loob ito ng isang kulungan. Nakatayo at naka posas pataas ang dalawang kamay. Mabilis na binuksan ni Travis ang kulungan at inambahan ito ng malakas na suntok sa mukha at dibdib. Sumuka ito ng dugo dahil sa lakas ng pagkakasuntok. "Bakit mo kami binigyan ng maling impormasyon?" tanong ni Travis dito habang sinasakal ito. "Hahahaha! Bakit hindi?" matapang nitong sagot. Sa sagot nito ay lalong nagalit si Travis at naglabas ng malaking apoy gamit ang kaliwang kamay. "Teka! Sa ngayon ay sya lang ang pwede nating makuhaan ng impormasyon. Wag kang magpadalos dalos," pigil nya dito. Binitawan naman ito ni Travis na ikinatuwa ni Martin. "Nag-iisip din pala kayo! Binigay ko naman sa inyo ang lugar ah!" paubo ubong sabi ni Martin. "Pero sabi mo bukas pa! Nandamay pa kayo ng napakaraming mortal!" sigaw ni Travis.  "Lumalambot kana sa mga mortal? Hindi ko na kasalanan kung naniwala kayo agad! Hahahahahha!" tumawa ito ng nakakaloko. "Tingnan natin kung hanggang saan ang saya mo," sumenyas si Travis na ibigay nya dito ang larawang hawak hawak nya mula pa kanina. "Tsk! Tsk! Umm! Isang mortal. Saan nga ulit nakatira to Gus?" Hinarap nito kay Martin ang larawan. Biglang sumama ang mukha ni Martin pagkakita sa larawan. Pilit nitong tinatanggal ang pagkakaposas. "Sinasayang mo lang lakas mo. Sabi nang may nullidust ang mga posas na yan, kahit anong pilit mo hindi mo malalabas kapangyarihan mo," nang-aasar nyang sabi dito. "Papatayin ko kayo kapag ginalaw nyo si Lisa!" sigaw ni Martin. Pinipilit parin nitong makawala. "Lisa pala pangalan nya. Alam nya ba na isa kang halimaw? Alam ba nya na pumapatay kayo ng kalahi nila?" tanong nya.  Tumingin naman ito sa kanya. "Saan mo nakuha ang larawan!" tanong nito. "Alam mo simple lang naman yan eh. Sagutin mo lahat ng mga katanungan namin at magpapanggap nalang kami na hindi namin kilala itong babae mo. Deal?" nakangising sabi ni Travis. "Sinagot ko na lahat ng mga tanong nyo!" angil nito. "Anu-ano at saan ang mga operasyon nyo? Ano ang mga binabalak nyo? Kahit isa dyan ay wala kang naisagot na tama. Huwag mo kaming sisisihin kung wala ka nang Lisa na mauuwian," galit na sabi ni Travis. "Subukan nyo!" sigaw nito. Lumapit si Travis sabay sipa dito ng pagkalakas-lakas. "Hindi ko susubukan, gagawin ko!" nanggigigil na sabi ni Travis. Halos hindi na makamulat si Martin ng iwan nila sa basement. Dumeretso sila ng kusina at uminum ng tubig para naman ma relax kahit papaano. "Kailangan din nating malaman kung paano nila pinatay ang mga mortal kanina. Maaaring may kinalaman ito sa pag-iiba ng kulay ng kanilang balat at mabilis na pag decompose," sabi nya habang tinitingnan ang kulay berdeng likido na nasa loob ng specimen bottle. Napansin nilang nasa ayos na lahat sa kusina ang mga pinamili nila Eura. "Saan na yun?" tanong nya na ang tinutukoy ay si Eura. "Check mo sa taas," sabi nito. Mabilis syang umakyat sa taas pero walang tao sa kwarto nito. ___   ___ Hello mga lovez... How are you today? Please don't forget to like, add to library and follow me for more updates. Thank you for the support. Love lots
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD