Simula nun ay nararamdaman ni Eura na may parating nang sumusunod sa kanya.
Kahit sa school ay doble ingat narin sya.
Pero sa awa naman ng Maykapal ay hindi na nya muli pang nakita ang lalaking humabol sa kanila ni Gustavo. Siguro ay paranoid lang sya masyado. Dahil narin siguro sa clueless sya sa mga nangyayare.
"Wait lang CR lang ako. Sunod nalang ako sa canteen," wika nya.
"Orderan ka nalang namin? Ano prefer mo?" ani Rosy.
"Anything thanks," sagot nya.
Nag-aayos na sya ng biglang may kumalabog sa ikalawang cubicle ng CR. Tiningnan nya ito gamit ang salamin.
Ang CR ay may apat na cubicles. Dahil sa malapad ang salamin ay kitang kita ang buong palikuran. Pinakiramdaman nya ito. Naagaw ang pansin nya ng nakabukas na bintana at nakatuon ito sa ikalawang cubicle.
Muli ay kumalabog ang cubicle. Natatakot man ay sinubukan nyang silipin kung may gumagamit. May nakita syang pares ng sapatos. May mga putik ito na halatang galing sa labas. Natigilan sya dahil sa alam nya na lalaki ang nasa loob nito.
Napaharap ulit sya sa salamin. Maya maya ay may narinig syang nakakangilong tunog ng isang matalim na bagay na hinihiwa sa semento. Natigilan sya.
Dali dali nyang ipinasok ang mga gamit nya sa bag at nang unti unti ng bumubukas ang pinto ng cubicle ay tumakbo na sya palabas. Nagkataon nanaman ba? Ayyssss.
"Ha!" nabigla sya ng masalubong nya si Lopez.
"May, may, may...may lalaki sa CR!" halata sa boses nya ang takot na nararamdaman. Mabilis naman itong tumakbo kung saan sya galing.
Sinundan nya ito pabalik sa CR. Sinipa nito ang cubicle pero wala silang nakitang lalaki. Ang sahig ay punong puno ng putik. Nilapitan nya ito dahil sa seryoso itong napatingin sa pader.
Lalo syang natakot ng nakita nya ang pangalan nyang nakaguhit sa pader gamit ang isang matalim na bagay. Kung hindi ito lalapitan ay hindi ito agad mapapansin.
"Bakit ka sinusundan ng mga kudos!" galit na hinawakan nito ang braso nya.
"Aray! Anu ba! Kudos? Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong alam sa mga nangyayare!" galit nya ring sagot dito habang pilit na kinukuha ang braso nya sa pagkakahawak nito.
"Eurs!" rinig nyang tawag ni Merry.
Sa taranta ay dali-dali syang lumabas ng cubicle. "Isara mo yan!" utos nya kay Lopez. Pagsara nito ay bigla namang litaw ni Merry.
"Eurs, okay kalang? Ang putla mo." Hinawakan nito ang mukha nya.
"OO NAMAN!" mabilis nyang sagot.
"Ang tagal mo eh kaya sinundo na kita baka naligaw kana papuntang canteen," pabiro nitong sabi.
"Tara na, gutom na ko," mabilis nyang hinawakan ang kamay ni Merry at lumabas ng palikuran.
___ ___
Habang kumakain ay naiisip nya parin ang mga nangyayare. Natatakot sya para sa kaligtasan nya.
"Ui! Okay kalang? Kanina kapa walang kibo," nag-aalalang tanong ni Rosy.
Tumingin sya sa dalawa. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pag-aalala. Tama bang wala akong pagsabihan?
"Syempre naman, medyo masama lang pakiramdam ko," pilit ngiti nyang sagot sa mga ito.
Okay na siguro na hindi nya muna sabihin sa mga ito. Baka pati sila ay madamay.
"Come on, cheer up! Last day ng sem natin ngayun. Anong plan para sa summer break? Tuloy natin ang napag-usapan? Hehe," excited na tanong ni Merry.
Tuwing summer break kasi ay palagi silang nag a-out of town. Ngayun ay plano naman nilang pumunta sa probinsya nila Rosy.
"Sure, everything's ready narin naman eh. Mas masaya kasi tayo lang talaga ang tao dun," sabi ni Rosy.
Marami pa silang mga exciting na pinag-usapan kaya kahit papaano ay nakalimutan nya ang takot na nararamdaman.
___ ___
"Nay, naka alis na po ba si Manoy?" tanong nya kay Nay Rosa. Kanina nya pa kasi tinatawagan si Manoy pero out of reach. Last nilang pag-uusap ay going na daw ito.
"Oo nak, wala paba sya dyan? Kanina pa yun umalis," sagot naman nito.
"Sige po, hintayin ko nalang po," sabi nya dito bago nya ibinaba ang cellphone.
Usually pag ganitong oras ay nandito na si Manoy. Kahit text man lang ay wala syang natanggap mula dito.
Nasa labas sya ngayun ng gate ng school at medyo madilim na kaya hindi narin sya at ease. Wala naring mga estudyante, ang guard nalang na nagbabantay sa gate ang kasama nya sa labas.
"Wala pa po ang sundo mo Miss?" tanong nito. Medyo matanda na ito pero halata namang malakas pa ito.
"Wala pa po tang ee, pero parating na po yata," ngumiti sya dito. Sa lahat ng mga guard ay ito ang pinaka close ng mga estudyante dahil sa mabait ito. Tatang na nga ang tawag ng lahat dito kahit ng mga teachers.
Magsasalita pa sana ito ulit ng bigla itong natigilan at napasapo sa leeg. Napaupo ito bigla.
"Tang, ayos lang po ba kayo?" nag-aalala nyang tanong dito. Mas lalo syang nataranta nang napayuko ito at hindi na nagsasalita.
"Tang!" lalapitan nya sana ito ng may nakita syang isang lalaki na lumabas mula sa likod ng guard house.
Nanginig bigla ang buo nyang katawan sa nerbyos dahil sa ito ang lalaking humabol sa kanila ni Gustavo at basi sa sapatos nito ay ito rin ang lalaki kanina sa CR. Napalunok sya at napa atras ng unti unti itong lumalapit sa kanya. Hinawakan nya ng mahigpit ang bag nya at tumakbo ng mabilis.
"Ahh!" sigaw nya ng hinila nito ang buhok nya.
"Bitiwan mo ko!" Hinampas nya ito ng dala nyang bag pero hinawakan lang nito ang braso nya. Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa buhok nya.
"Arrg!" Napahawak ito sa gitna ng mga hita ng sipain nya ito.
Shocks! Lalo ko yatang nagalit ito. Naglabas ito ng patalim at ngumiti ng nakaloloko. Tumakbo ito papalapit sa kanya kaya napapikit nalang sya sa takot.
Pinakiramdaman nya ang sarili nya kung may masakit ba sa katawan nya pero wala syang nararamdaman maliban sa tuhod nyang nanginginig.
Minulat nya ang mga mata nya ng makita nya si Lopez sa harap nya. Nakatalikod ito sa kanya at hawak hawak nito ang kamay ng lalaking may patalim. Nagulat sya ng suntukin ni Lopez ang lalaki at nabitawan nito ang patalim.
Maya maya ay may mga lumabas na mga lalaki mula sa madilim na parte ng kalsada. Biglang may sumulpot na sasakyan sa harap ni Eura. "Eurs! Sakay!" ani Gustavo. Dali-dali syang pumasok sa sasakyan at tiningnan si Lopez.
Pinalilibutan ito ng mga lalaki na sa tantya nya ang bilang ay nasa sampo.
Humarap sa kanila si Lopez at tumango. Mabilis na pina andar ni Gustavo ang sasakyan at umalis.
"Teka! Si Lopez? Bakit natin iniwan?" natataranta nyang tanong dito.
"Kaya nya na yun," wala manlang bahid ng pag-aalalang sabi nito.
"Ayos kalang? Mabuti naka abot kami," tanong nito.
"Sino yun? Anong kailangan nila sakin?" tanong nya dito.
Hindi ito kumibo kaya hinayaan nya nalang muna. Natatakot pa sya hanggang ngayon. Paano si Tatang? Tumulo ang mga luha nya dahil sa naisip nya. Nang dahil sa kanya ay may namatay.
Hindi narin sya nagtanong kung bakit dito sila dumeretso sa bahay ng mga ito at hindi sa bahay nya. Pagpasok nila ay pinaupo sya ni Gustavo at nag-alok ng tubig.
"Salamat," sabi nya dito. Tumango ito at umupo sa harap nya.
"Hintayin nalang natin si Travis," sabi nito.
"Tumawag kaya tayo ng police?" sabi nya dito. Sasagot pa sana ito ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Lopez. Wala manlang bahid ng sugat sa katawan nito.
"Yow! Niligpit mo ba?" tanong ni Gustavo dito.
"All clear," sagot nito.
"Wait! Si Tatang?" Tumingin sya kay Lopez.
"Nakatulog lang sya," nakatingin ito sa kanya.
Ay salamat naman! Para syang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Umupo ito sa tabi ni Gustavo.
"Bakit ka hinahabol ng mga kudos?" tanong ni Lopez habang nakatitig sa kanya.
"Wala nga talaga akong alam," kulit nito ha.
"Wala kabang nakuhang impormasyun kanina?" tanong ni Gustavo dito.
"Matigas sila. Mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa magbigay ng impormasyon," mariing sabi nito.
"Kung ganon ay wala tayong ibang choice, mas mabuti kung dito ka na muna habang hindi pa natin alam kung bakit ka nila hinahabol," seryosong sabi ni Gustavo sa kanya.
"What? You mean dito muna ako matutulog ngayun?" balik nyang tanong dito.
"Ngayun at hanggang sa hindi pa natin alam kung ano ang kailangan nila sayo," sagot nito.
"What?? Hindi pwede! Pano ang parents ko? Mag aalala sila. Pano ang buhay ko? Magtatago ako dito? Pwede namang doon nalang ako sa bahay magtago diba?" natataranta nyang sabi dito.
"Sige umuwi ka. Paglabas mo dito sigurado kabang hindi ka masusundan ng mga kudos? Tingin mo ba hindi nila mapapasok bahay nyu?" naiinis na sagot ni Lopez.
Natigilan sya sa sinabi nito. Kapag umuwi sya ay tiyak na malalagay sa panganib pati buhay ng parents nya at nila Nay Rosa. Wala na syang nagawa kundi sumang-ayon nalang.
She called her parents para magpa alam na magse-stay muna sa friends nya for a few days. Alam nyang nagtataka at nag-aalala ang mga ito pero para rin naman ito sa kanilang lahat.
"Bakit hindi nalang tayo humingi ng tulong sa mga police?" suggestion nya sa mga ito.
"Kudos are not just ordinary people, ang mga nakita mo kanina? 1% palang yun ng mga kaya nilang gawin," pagpapaliwanag ni Gustavo.
"Anong ibig mong sabihing they're not just ordinary people?" tanong nya dito.
"Dami mong tanong," Tumayo si Lopez at pumuntang kusina. Maya maya ay may naririnig na syang mga ingay sa kusina.
"Wait lang Eurs, ayusin ko muna ang guest room sa taas, relax ka muna dito." Tumayo si Gustavo at patakbong umakyat sa pangalawang palapag ng bahay. Aixt! I don't know what to think or what to do anymore. Masyado nang maraming nangyare at nahihirapan na kong i absorb lahat.
Ummm...biglang kumulo ang tyan nya nang maka amoy sya ng masarap na pagkain mula sa kusina. Dali dali syang tumayo at palihim na sinilip si Lopez. Akala nya nagwawala ito, nagluluto pala.
Nakatalikod ito at mabilis na naghihiwa ng patatas. Matangkad ito siguro ay mga nasa 6'2 ang height nito. Naka black itong t-shirt at nakapantalon.
Bigla syang natawa dahil sa kulay pink ang apron nito at heart printed pa ang design.
"Problema mo?" sabi nito habang nakatalikod parin at busy sa ginagawa.
"Favorite color mo pala pink, hahahahaha." Pumasok si Eura ng kusina at umupo sa counter. Natigilan naman ito at napatingin sa apron na suot nito.
"Si Gustavo ang bumili nito," mahina nitong sabi sabay tanggal ng apron at itinapon sa basurahan.
"Ui pikon!" pang-aasar nya pa lalo dito.
"Hey! Ano yang niloloto mo chef?" bigla namang singit ni Gustavo habang pababa ng hagdan. Hindi kumibo si Lopez kaya lumapit si Gustavo dito.
"Wait! Bakit nasa basurahan to?" sabay pulot ng apron.
"Binili mo yan ikaw magsuot," inis na sabi ni Lopez. Bilis namang magalit nito. Hahahaha
Hanggang sa matapos silang kumain ay nag-aasaran parin ang dalawa. Naalala nya sina Merry and Rosy. Sana ay hindi sila magalit sa kanya kung hindi man sya makakasama sa supposedly out of time nila.
"Hey munchkin, anong iniisip mo?" Iniabot ni Gustavo sa kanya ang kape. Kasalukuyang nasa terasa sila ngayun dahil sa nag aya itong uminom ng kape.
"Iniisip ko parents ko, friends ko, buhay ko. Pano kaya kung hindi nyu ko naabutan kanina," parang maiiyak na sabi nya dito.
"Ano kaba, isipin mo nalang na ligtas ka. Tutulungan ka naman namin ni Travis eh, kaya kanga nandito," humigop ito ng kape.
"Pero bakit nyo ko tutulungan? Bakit nyu kilala ang mga humahabol sakin?" taka nyang tanong dito.
"May mga bagay na mas mabuting hindi mo alam para maging ligtas ka. Mas maraming alam, mas delikado," seryoso nitong sabi.
"Habang nandito ka at kasama namin, tiyak na ligtas ka," dagdag pa nito.
___ ___
Hello loverz..
Nakakaloka to! Ano kaya ang magiging buhay ng ating bida habang kasama si Travis?
Thank you everyone for your support
Please do like❤️❤️