Eura POV
"Wag kang titigil sa pagtakbo!" utos ng babaeng kasama nya. Mahigpit itong nakahawak sa maliit nyang kamay. Malabo ang buong paligid.
Tumingin sya dito habang umiiyak. Pero malabo rin ang mukha nito. Bigla itong nawala sa paningin nya. May humila sa kanya pero hindi nya makita kung sino o ano.
"Ina!!!!" napabalikwas sya ng bangon. She was still haunted by that same dream.
Dati ay nababahala pa sya pero dahil sa paulit ulit na ito ay nasanay na rin sya. Kinuha nya ang baso at uminom ng tubig. Hihiga na sana ulit sya nang may mapansin syang umiilaw. Tumayo sya at sumilip sa ilalim ng study table. Kinuha nya ang puting box dahil dito nanggagaling ang liwanag.
Pinatong nya ito sa taas ng kama, binuksan at tiningnan ang loob. Sa loob ay ang umiilaw na pulang itlog. Hindi na sya natakot at nabigla dahil sa nakita nya narin itong umiilaw sa kwarto ni Pao. Kinuha nya ito at pinagmasdang mabuti. Ano kaya ang laman nito? Bakit umiilaw?
Bigla itong gumalaw kaya napayakap sya dito para hindi mahulog. Nagulat sya nang ang liwanag ay biglang naging maliit na hugis araw sa gitna ng itlog. Pinagmasdam nya itong mabuti ng biglang gumalaw ang maliit na araw, paikot ikot ito sa loob ng itlog. What's happening! Ano to? Dinosaur? Manok? Ibon?
Nabitawan nya ito nang biglang lumabas ang maliit na araw mula sa loob. Naka angat lang ito sa hangin at tumigil sa paggalaw. Hahawakan nya sana ito ng bigla itong lumusob papunta sa kanya. Biglang dumilim ang paningin nya.
___ ___
"Ay itlog!" napatayo sya bigla. Nakatulog ako? Dali dali nyang hinanap ang itlog. Nasa ilalim ito ng kama. So totoo nga? May nakita nga akong liwanag?
Parang impossible naman yata. Sa naaalala nya eh nabitawan nya ang itlog, so dapat basag na ito. Siguro nga ay nananaginip lang sya kagabi. Pumasok na sya ng banyo para maligo. Shockss! Ang kati!! Wait ano to?
May nakita syang pulang marka sa kanang dibdib nya. Kasing laki ito ng limang piso. Hinawakan nya ito ng biglang uminit. Ayy! Ano to? Ba't ang kati kati? Nilagyan nya ito ng ointment kasi mukhang magsusugat na sa kakakamot nya.
___ ___
"Hey!" Ginulo ni Mike ang buhok ni Merry.
Papunta sila ngayong canteen para mag lunch ng tumatakbong sumabay sa kanila sina Mike and Simon.
"Ano ba?!" iritang inayos ni Merry ang buhok nya.
It's been a week since umalis si Charles. Since then, palagi ng sumasabay sa kanila sina Mike and Simon. Sa table malapit sa entrance ng canteen sila pumwesto.
"Wait lang, maganda na ba ko? Okay naba?" kinikilig na sabi ni Student A.
"Uu nga, kanina kapa. Lapitan mo na dali!" Pabulong naman na sabi ni Student B.
Kahit naman nagbubulungan ang dalawang studyanteng to ay rinig na rinig sa buong canteen. Inayos ni Student A ang box na kulay red na dala dala nya. Wait, papunta ito sa pinaka dulong parte ng canteen kung saan nakapwesto at seryosong kumakain si Lopez. Wag mong sabihing?
Tumigil ang lahat ng usapan sa buong canteen ng tumigil si Student A sa harap ng table kung saan kumakain si Lopez. Kahit na 2 weeks palang kasi si Lopez dito sa school ay kilalang kilala na ito. Hindi sa pagiging matalino or mabuting estudyante kundi sa pagiging rude at basagulero nito. Hindi manlang ito nag-angat ng ulo sa babaeng nasa harap ng table nito.
"Hi! I'm Cindy, welcome sa Calidad University. Sana ay..," hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang nag-angat ng mukha si Lopez.
"What?" walang ka-emo-emosyong tanong ni Lopez.
"Ummm...eto nga pala, ako nagbake nyan. Sana magustuhan mo," nakangiting inabot ng babae ang pulang box. Halatang kinakabahan ito.
Biglang tumayo si Lopez. "Nawalan na ko ng gana." Umalis ito ng hindi manlang kinuha ang regalong inabot ng babae.
"Wait!" sigaw ng babae. Tumigil naman si Lopez at humarap sa babae.
"I baked it for you. Kahit ito manlang tanggapin mo," parang iiyak na sabi ng babae.
"DONT talk to me!" Tumalikod ulit ito at lumabas ng canteen.
Umiiyak na lumabas si Student A kasama ang kaibigan nya. Paglabas nila ay parang mga walang pakialam na nagpatuloy sa pagkain ang lahat. Sanay narin naman kasi ang lahat sa ganong mga eksena. Sampung babae na ang umuuwing luhaan since nag transfer si Lopez. Mapa canteen, locker, garden, library at classroom, lahat na yata ng sulok dito sa school ay may nag propose ng babae.
"Hindi parin nadadala," tukoy ni Rosy kay Student A habang pa iling-iling.
"Rude sabihin mo. Kala mo kung sinong gwapo. Ewan ko ba bakit ang daming nagkakagusto dun eh ang weird kaya," sabi ni Eura.
"Weird pa ha! Parate kaya kayong sweet sa room," nang-aasar na sabi ni Merry.
"Aha! Sumbong kita kay Charles," dagdag pa ni Mike.
"Sweet ba yung parate kang nabubwesit?" naiinis nyang sabi sa dalawa. Tumawa naman si Mike at Merry sa reaction nya. Nako! Ang dalawang to. Naiinis sa isa't isa pero kapag sa kalokohan ay nagkakaisa.
Shocks! Ang kati kati talaga! Palihim nyang kinakamot ang marka sa dibdib nya.
"Girls, nood tayo mamaya ng movie after class," pang-iiba ng topic ni Simon.
Napatingin naman silang lahat dito.
"Ako free ako after class, ewan ko lang sa dalawang to," nahihiyang sabi ni Rosy.
Tumingin naman ng makahulugan si Simon dito.
"Teka! teka! I smell something fishy!" sabi nya habang nakatingin kay Rosy.
"Ulam mo kaya isda," turan ni Merry sabay pigil tawang ngumiti. Ayaw akong tigilan ng babaeng to.
"Ano babe sama ka ha?" ani Mike sabay pisil ng pisngi ni Merry.
"Aray! Ano ba!" Hinimas himas ni Merry ang namumula nyang pisngi.
"Yes, sasama kaming dalawa ng BABE MO!" sabi ni Eura habang nakangiting tumingin kay Merry. Bleeeh! Nakabawi narin ako. Hahahahah Sinamaan naman sya nito ng tingin.
___ ___
Habang pumipila si Mike para bumili ng ticket at bumili naman si Simon ng snacks ay masaya naman silang nagkukwentuhan nila Merry and Rosy sa labas ng movie theater. Nag-aasaran sila ng may mapansin syang lalaking nakatayo sa madilim na parte ng movie theater. Napansin nya ito agad dahil sa naka hoodie itong pula at nakatingin sa direksyon nila. Binulong nya kay Merry and Rosy pero pagharap nila ulit ay wala na ito. Weird!
___ ___
Naluluha't natatawa silang lumabas ng movie theater dahil sa 'The Panti Sisters' ang pinanood nila. Grabe talaga ng umiyak na si Don Emilio, nakakahawa.
Humiwalay sya sa mga ito dahil magpapa derma muna sya and para naman makapag date ang mga ito ng maayos, sa totoo lang naman eh nag mumukha syang third well. Hahaha
Wala naman daw problema sa balat nya sabi ng dermatologist. Binigyan sya ng ointment at wag daw kakamutin kasi baka maging sugat. Dumiretso na sya ng parking area dahil sa ang usapan nilang lima ay dun nya sila hihintayin. Naglalakad lakad sya at hinahanap ang sasakyan nila Mike and Simon ng biglang uminit ang marka sa kanang dibdib nya. Maya-maya pa ay sumakit ito. Sa sobrang sakit ay nawalan sya ng malay.
___ ___
Ummmm..ambango! Inamoy amoy nya pa lalo ang niyayakap nyang malambot na unan.
"Feeling at home?" boses ng lalaki
Saka lang rumehistro lahat ng nangyari. Minulat nya ang kanyang mga mata. Puting mga unan, puting kama! It's not my freaking bed!! Inikot nya ang kanyang mga mata. Hindi ito ang room ko!
Napatingin sya sa lalaking nakasandal sa nakasarang pintuan. Naka puting t-shirt ito at naka maong na short. Gulo gulo ang buhok nito pero umaayon naman sa gwapong mukha nito. Nakapang bulsa ito at nakasimangot na nakatingin sa kanya. Ba't ang gwapo parin nito kahit nakasimangot? Wait! Erase! Erase! Erase!
"Nasaan ako! Anong ginawa mo sakin! I will sue you!" Kinuha nya ang kumot at tinakpan ang kanyang katawan.
"Galit kaba? Mukhang na enjoy mo tulog mo ee." Umiling iling ito at lumabas ng pintuan.
Napatingin sya sa salaming nakaharap sa kama. Tumayo sya at inayos ang gulo gulo nyang buhok. Intact pa naman ang damit nya. But I'm being kidn*pped! Pumunta sya sa pinto at sinipa ito ng mga tatlong beses. "Buksan mo to!!!"
"LOPEZZZZZ!!!" sigaw nya sabay hawak sa doorknob. Napa atras sya at muntik ng matumba dahil sa lakas ng pagkakabukas nya. Ayy! Hindi naman pala nakasara.
Lumabas sya ng kwarto. Nasa pangalawang palapag pala ako. May narinig syang boses mula sa baba. Dali dali nyang hinanap ang hagdan at maingat na bumaba. Sinisigurado nyang walang may makakapansin sa kanya. Baka mamaya ay may mga kasabwat pa ito na nandito lang din sa loob ng hiding place nila.
Pagbaba nya ay humanap sya ng pwedeng panlaban. Kinuha nya ang puting vase at naglakad lakad. Sinundan nya kung saan nanggagaling ang boses. Kailangan nyang malaman kung ilan ang kidnapper nya para mas madaling makatakas. Sabi ko na nga ba! Sa mukha at ugali ng Lopez na yun ay hindi talaga mapagkakatiwalaan.
"Ummmm! Ang sarap talaga ng pagkain ng mga mortal!" malaking boses ng lalaki.
What? Pagkain ng mga tao?! Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa vase. Nasa kusina nanggagaling ang boses.
Sabay ng pagsilip nya at pagtaas nya ng vase ay ang pag nganga ng lalaking kumakain. Hawak hawak nito ang pizza at akmang kakagat ng napatingin sa kanya.
"What are you doin'?" napataas ang isang kilay nito. Kapansin pansin ang puting buhok nito at ang morenong balat. Nakaupo ito sa lamesa at nakatingin sa kanya. Nakatayo sa gilid si Lopez at walang ka emo-emosyong nakatingin sa kanya. Binaba nya kaagad ang kamay nya pero mahigpit parin ang pagkakahawak nya sa vase.
"What am I doing here? Who are you! Bakit nyu ko kinidnap!" sigaw ni Eura.
Tumayo naman ito at lumapit sa kanya. Napa atras naman sya. "Hi! I'm Gustavo!" pagpapakilala nito habang ngumunguya ng pizza. "Want one?" pag-offer pa nito ng pizza. Hindi sya naka imik dahil sa hindi nya inaasahan ang reaksyon nito.
Humarap sya kay Lopez, "nasaan ang bag ko?!" tanong nya dito.
"Di ko alam," sagot nito.
"Gusto ko ng umuwi kidnapper!" nilapitan nya ito.
"First, walang may gusto sayo dito. Second, hindi kana bata at walang nag abduct sayo," mariing sabi nito. Biglang kumulo ang dugo nya sa sinabi nito. Susuntukin nya na sana ito ng biglang nagpagitna si Gustavo.
"Teka! Huminahon ka miss. Sa gwapo naming to, mukha ba kaming mga nang-aabduct?" tanong ni Gustavo.
"Bakit ako nandito?" tanong nya dito.
"Nakita ka namin kanina sa parking lot ng mall at walang malay. Eh di naman namin alam kung san ka dadalhin kaya dito ka nalang namin dineretso," pagpapaliwanag nito.
"Sa hospital nyo sana ako dineretso diba?" sabi nya dito. Medyo kumalma na sya dahil sa sinabi nito.
"Eh bago lang kasi kami dito kaya hindi pa kami familiar sa mga lugar," sagot nito.
"Sabi ko sayo kanina diba? Dapat iniwan nalang natin yan," sabi ni Lopez.
Nakaramdam nanaman sya ng pang-iinit ng tenga dahil sa sinabi nito.
"Anong sabi mo!" sinubukan nya nanamang suntukin ito. Nakailag naman ito at walang sabi sabing binuhat sya nito pabaligtad.
"Bitiwan mo ko! Ano ba!" sigaw nya habang sinusuntok ito sa likod. Binuksan nito ang pinto at nilapag sya sa labas sabay sara ng pinto.
"Hoy! Ang bag ko! LOPEZZZZZ!!!!!!" sigaw nya habang kinakalabog ang pinto. Walanghiya! Ano nang gagawin ko? Wala akong bag, wallet ot cellphone man lang. Ayyyssss! Bahala na!
Naglakad lakad sya baka may makita o makasalubong sya na kakilala. Sakit na ng mga paa ko! Humanda ka sakin bukas Lopez! Nanggigigil talaga sya sa inis.
Mga 10 minuto na syang naglalakad ng may humintong sasakyan sa harap nya. "Sakay na Miss," nakangiting sabi ni Gustavo. Tiningnan nya kung nasa loob ba si Lopez at hindi talaga sya sasakay. Wala naman kaya dali-dali na syang pumasok.
"Pasensya kanina ha? Ganon lang talaga si Travis," sabi nito habang nakatingin sa daan.
Napabuntonghininga nalang sya. "Mabuti at natitiis mo ang ugali ng kasama mo," sabi nya habang minamasahe ang mga paa nya.
"Hahahaha! Hindi naman ganon kasama si Travis nuh. Sya nga nag-abot ng bag mo," sabay turo sa likod nya. Agad nya namang tiningnan at nanduon nga ang bag at sapatos nya.
"Ummmm!" naiinis parin talaga sya noh. Huminto sila sa isang convenient store.
"May bibilhin lang ako," nakangiti nitong sabi. Hindi ba ito nangangawit sa kakangiti?
Tumango lang sya at inabot ang bag nya sa likod.
Agad nyang tinawagan sila Merry and Rosy dahil alam nyang nag-aalala ang mga ito.
Paglabas ni Gustavo ay may dala itong supot. "Para naman kumalma ka," inabot nito ang chocolate ice cream.
"Thank you!" napangiti naman sya at inumpisahan ng kainin. Ang babaw naman ng kaligayaran mo ghurl!
"San kita hahatid? Miss...?" tanong nito.
"Eura! Sa school nalang siguro ako at magpapasundo nalang ako sa driver namin," nakangiti nyang sagot.
Bababa na sana sya ng bigla sya nitong hinawakan sa braso.
"Wait! Tinawagan mo naba ang driver mo?" tanong nito.
Nagulat at nakaramdam sya ng nerbyos sa action nito.
"Tinext ko lang, bakit?" sabay tingin sa kamay nitong mahigpit paring nakahawak sa braso nya.
"Sorry!" tinanggal nito bigla ang kamay.
"Mas mabuti siguro kung hintayin muna natin ang driver mo na makarating saka ka bumaba," seryosong sabi nito.
"Ha?" taka nyang tanong.
"Tumingin ka dun," sabay turo sa madilim na parte ng daan sa unahan. Nagulat sya ng nakita nya ulit ang lalaking nakita nya kanina sa labas ng movie theater. Nagtatago ito sa malaking puno at pasilip silip. Natakot sya bigla. Baka baliw ito at biglang mangharass o di kaya ay holdaper.
"Nakita ko rin yan kanina sa movie theater," natatakot nyang sabi dito.
Napatingin ito sa kanya bigla. "Ilang beses mo na yang nakita?" seryoso nitong tanong.
"Pangalawang beses palang naman to," sagot nya.
"Sa tingin mo ikaw kaya ang sinusundan nyan?" tumingin ito sa kanya.
Natakot sya bigla sa tanong nito. "Ha? Pano? Anong kailangan nya sakin? Pano nya nalaman na papunta ako dito?"
Pagkasabi nya ay mabilis na naglakad ang lalaki papunta sa kanila. Naglabas ito ng patalim at tumalon sa taas ng sasakyan.
"Yun ang aalamin natin." Pinaandar ni Gustavo ang sasakyan at pinaikot ikot. Nalaglag naman ang lalaki pero mabilis din itong nakatayo. Tumakbo ito pero pinaharurot ni Gustavo ang sasakyan kaya hindi na ito nakaabot pa.
"Sabihin mo sa driver mo na ako nalang maghahatid sayo," seryoso itong nakatingin sa daan.
___ ___
Hello loverz!
Please do like and add to library. Thank you sa support!
Kindly follow me for more updates. Mwuah..